TBR 21
Confessions... Twists... and Turns...
(Kana, Prince and Kanon's POV) :P >v<
Ang Pagtutuos...
Background music: Storm by Super Junior KRY. (dahil fave ko ang suju)
Kana
Hindi ko akalaing sa ganitong pagkakataon pa muling magku-krus ang landas namin ng tanging lalaking kayang umagaw sa akin kay Kanon.
"Prince?" nanghihinang sambit ni Kanon, halos hindi maimulat ang mata, habang yakap yakap ni Tantoco.
"Shhh... Huwag ka muna magsalita Princess. Alam kong nanghihina ka pa. Buti na lang talaga at ligtas ka..." halos pabulong na tugon ni Prince kay Kanon, at napaigting na lang ang panga ko, halos hindi makayang panoorin silang magkayakap.
"Teka, di ba iyan yung presidente noong Musikat? Ano'ng ginagawa niya dito? Close pala sila ni Kanon?" dinig kong sabi ng isa sa mga kasama namin sa may likuran ko.
"Kyaaahh!! Oo nga! Siya yung- siya yung sikat na gwapo sa campus! Shocks! Balita ko genius yan at second degree niya na ang kinukuha niya ngayon. Ewan ko ba kung bakit pa siya kumuha ng undergrad course ulit kung pwede namang magmasteral o doctorate na lang siya. Kung alam ko lang na nandito siya. Syemayyy...." Kinikilig na tili ng isa sa mga kaibigan ni Sarah na lalong nakapagpabuhay sa mga insecurities ko.
Kung papapiliin kaya si Kanon, siya pa rin kaya ang pipiliin nito? Pwede bang ako naman this time? Naiiyak kong bulong sa aking sarili.
"Pre, ayos ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni Mike at tinapik ang balikat ko. Nilingon ko siya saglit bago muling bumaling kina Kanon.
"Ayos lang ako..." halos pabulong kong sambit at tumango na lang si Mike at hindi na nagtanong pa.
Maya-maya pa'y tumayo si Prince at binuhat si Kanon na mukhang nakatulog na ngayon. Mabilis akong lumapit doon at sumunod naman ang mga kasama ko sa akin.
"Saan mo siya dadalhin?" malamig at seryosong tanong ko sa lalaking sana'y hindi na nagbalik pa. Nilingon niya ako at matamang tinignan. That cold stare na noon pa man ay lagi niya ng binibigay sa akin sa tuwing malalapit ako kay Kanon.
"Malayo sa 'yo." May angas niyang sambit at napakuyom ang kamao ko. Nilagpasan niya ako at nagsimula ng maglakad papunta ng hotel.
"Saan mo sabi siya dadalhin?!" napataas na ang boses ko and he turned around to face me. Habang sina Mike naman ay kinapitan na ako para pigilan at pakalmahin.
"I'm not here para makipag-away sa 'yo. I'm here for Kanon at alam kong the both of you are staying in one room. Pinagbigyan na kita alam mo ba 'yon? Kahit na gustung-gusto ko na siyang bawiin hindi ko ginawa because I respect her and her feelings. You had your chance, now it's my turn." May diin niyang sambit at hirap akong napalunok at sinubukang kontrolin ang emosyon ko.
Alam ko... Hindi niya na kailangang ipamukha sa akin kung gaano ako kawalang kwenta. Alam kong sinayang ko ang pagkakataon. Pero siguro naman ako pa rin ang mahal ni Kanon ngayon, hindi ba? Hindi pa naman siguro huli para sa aming dalawa?
"Pre, ano bang sinasabi niya? May something ba sila ni Kanon?" usisa nina Mike pero hindi ako sumagot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap at maamin sa sarili ko na may minahal na iba si Kanon. Gusto ko na lang kalimutan ang parteng iyon.
Nagpatuloy sa paglalakad si Prince habang ako naman ay hindi na makakilos sa aking kinatatayuan at napatingin na lang sa buhangin sa aking paanan. Kung hindi pa ako tinapik nina Mike at Karl at pinilit na sumama na sa kanila at sundan sina Kanon ay hindi pa ako gagalaw sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.