Chapter 22

938 11 0
                                    

TBR 22

Love me instead Princess... sabi niya. Mga katagang para bang kay tagal ko ng narinig at kay tagal na hinintay.

Halik...

Mga halik na sabik at tumatagos sa kailaliman ng puso't kaluluwa ko. Napapikit na lang ako at hinayaang madama ang pagmamahal ng taong ito- ng taong gusto ko laging kasama.

It felt right...

I love you Princess. Mahal kita Kanon.

Aniya and my heart smiled. Ayaw ko mang aminin, pero ang marinig ang mga salitang iyon mula sa malalambot niyang mga labi ay nakapagpasaya ng husto sa puso ko.

Mahal niya ako...

"... Mahal kita Kanon." Prince confessed against my lips and I sighed. Ngunit bago pa man din ako may masabi ay hinigit ako ni Kana at napatili nang nakitang humandusay si Prince sa buhangin.

"You f*ckin' jerk! What do you think you're doing?!" nagngingitngit sa galit na sigaw ni Kana sa nakahandusay na si Prince na ngayon ay pilit tumatayo mula sa pagkakahandusay sa buhanginan. Nakita kong pumutok ang gilid ng labi ng Prinsipe at idinura ang dugo mula sa kanyang bibig. Gusto kong tumakbo at daluhan siya pero hinigpitan pa ni Kana lalo ang pagkakahawak niya sa akin.

"Look who's talking? I'm not a jerk... You are." Mayabang na sambit ni Prince with a smirk habang nakaupo na ngayon sa may buhangin, na siyang lalong nakapagpapuyos sa galit ni Kana. Aamba pa itong susuntok muli kay Prince kaya kumawala ako sa kanyang mahigpit na hawak, pagkatapos ay pumagitna sa kanilang dalawa.

I glared at Kana dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.

"Tumabi ka diyan Kanon..." malamig niyang sambit pero hindi ako nagpatinag. Hindi ako umalis sa gitna at binigyan lang siya ng matapang na tingin. He looked disappointed at alam kong protective lang siya sa akin, pero nang nakita kong nasaktan si froglet, ay bigla na lang nag-alab ang loob ko. Para bang hindi ko kayang nakikita siyang nasusugatan o nasasaktan.

"Ayaw ko." I said and Kana sighed in exasperation.

"Binastos ka niya Kanon, tapos okay lang sa 'yo? Tumabi ka na diyan." Dagdag niya pa, his voice authoritative pero hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Hindi niya ako binastos, pwede ba? Huwag kang OA Kana. Buti pa bumalik ka na muna sa hotel." Naiinis kong sambit and his jaw clenched na para bang binigo ko siya.

"Bakit Kanon gusto mo na ba siya? Mahal mo na ba ang gagong 'yan ha? Mas mahal mo na ba siya kaysa sa akin? Basted na ba ako?Mahal din naman kita Kanon e. Parehas lang naman kami." naiiyak niyang sambit at ako naman ang napabuntong hininga sa kanya.

"Pwede ba Kana? Let's talk some other time. Mag-aaway lang tayo kapag pinagpatuloy natin 'tong usapang ito. Ayaw kong makipag-usap na parehong mainit ang mga ulo natin. Bumalik ka na lang muna sa hotel please lang. Promise we'll talk. Pero hindi pa ngayon. Give me time Kana. Time is all I'm asking." Pagod kong paliwanag.

"Pero-" he tried to protest but I cut him off.

"Please Kana... Huwag ngayon." Pakiusap ko at bigo siyang napayuko, ang kanyang mga labi'y nakatikom ng mariin, bago tumalikod sa amin at tinungo ang direksyon pabalik ng hotel.

Hindi ko alam. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman sa mga pinagtapat ni Kana, o kung may dapat pa ba akong maramdaman. Para kasi sa akin ay naisarado ko na ang parteng iyon ng aking buhay, at ang dating pagkahumaling ko kay Kana ay tuluyan ng naglaho kasabay ng hangin.

Bakit ngayon pa? Bakit naman kung kailan ako huminto ay doon niya pa sa akin sasabihing mahal niya ako?

Nang tuluyan ng nakalayo si Kana ay agad kong hinarap si Prince at namaywang habang tinitignan ang nakangisi niyang mukha while sitting on the sandy shore.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon