TBR 25
Kung kanina drama, ngayon naman.... Ehemm... hahahaha. Bipolar lang ako. Kasalanan nina Marlo Mortel, Joseph Marco, and co.
Background music: Smile in Your Heart by HARANA
Kanon
Ilusyon...
Ilusyon ko lang ba ang lahat ng iyon? Sabi niya hindi naman kami magkakilala noon pero bakit hindi ako kumbinsido? Simula ng nakilala ko siya lagi na lang akong ganito. Parang nasasapian.
"Buti pa iligo mo na lang sa dagat 'yan Prinsesa ko... Alam ko namang mahal na mahal mo ako kaya feeling mo matagal na tayong magkakilala. Siguro we really are destined for each other. Baka lovers tayo noong past lives natin. What 'cha think?" biro niya, natatawa at kumindat pa, kaya binigwasan ko na.
"Tse! Feeling mo... Ambisyoso kang palaka ka! Anong tingin mo sa atin? Bida sa korean nobela? Ganern? Rooftop Prince lang ang drama, at may pa-reincarnation reincarnation ka pang nalalaman?" gigil kong sikmat habang hinahambalos siya, and as usual tinawanan niya lang ako habang hinahampas ko siya. Napaisip tuloy ako kung totoo bang gusto ako ng palakang 'to o sadyang malakas lang ang trip niya at ako ang napagdiskitahan niya?
"Ang showbiz mo Princess... Aminin mo na kasi na labs na labs mo na ako... Mas gwapo kaya ako kaysa sa bida doon sa Rooftop Prince!" tumatawa niyang tugon habang patuloy pa rin ako sa pagbugbog sa kanya, at napairap na lang ako sa hangin. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang may tumawag kay froglet mula sa di kalayuan kaya napalingon kaming pareho.
"Prince!" tawag ng kung sino, at nang nilingon ko ay napagtanto kong tropa pala iyon ni Sarah.
"Hi! Prince Tantoco, right? Ako nga pala si Suzette, at itong kasama ko si Bridget. Kasama kami ni Kanon dito." Kinikilig at pacute na pakilala ni Suzette nang nakalapit sila ng tropa niya sa amin. Ang mga bruhilda, hinawi pa ako para makalapit ng husto kay Prince. Nagpantig tuloy ang ugat ko sa ulo.
"Yup. Ako iyon? Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga binibini?" ngiti ni Prince sa mga malalanding tropa ni Sarah, at parang gusto kong lunurin isa-isa sa dagat ang mga bruhilda. Biglang naging ten times ang bwisit ko lalo na ng nginitian ni froglet ang mga tumitili pang mga kiti-kiting babae. Badtrip! Kahit na friendly lang ang ngiti niyang iyon, bwisit na bwisit pa rin ako. Ewan ko ba pero ayaw kong may nginingitian siyang iba.
Ako? Nagseselos? Huh! No way! Hindi ako nagseselos. No. No. No. No. Hindi! Hindi ako nagse— bulong ko sa aking sarili, trying to convince myself, na hindi ko na natapos nang pumulupot ang mga kamay ng hitad na si Suzette sa braso ng froglet ko.
"E-ehemmm! Ehemm!" ubu-ubuhan ng lola ninyo, at bumaling silang tatlo sa akin.
"Baka naman gusto mong alisin iyang mga kamay mo sa braso ng MANLILIGAW ko?" I said emphasizing that he's my suitor at nginiwian at inirapan pa ako ng dalawang lokaret.
"Manliligaw pa lang naman, hindi mo pa naman siya boyfriend." Pambabara ni Suzette at para akong sasabog na bulkan. Agad namang tinanggal ni Prince ang kanyang braso mula sa pagkakakapit ng bruha sa kanya at naglakad palapit sa akin.
"Sorry, girls! Pero off limits ako. Oh, and no touch, please? Baka magalit si kumander ko." Masayang sambit ni froglet sabay umakbay sa akin, at inilapit pa ako lalo sa kanya. Kahit na gusto kong kiligin ay hindi ko ipinahalata at minaintain lang ang nakabusangot kong mukha. Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay habang matalim na tinitignan ang mga bruha.
Bwuahaha! Ano kayo ngayon? Akin lang ang Prinsipe ko. Akin lang siya! Hinding-hindi ko siya ibibigay sa iba. Hihihi. Kinikilig kong bulong sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.