Chapter 42

400 5 0
                                    

TBR 42

Continuation... (Unedited.)


"I found the perfect match for you Diana, and I want you to date him."


I can still vividly remember the words spoken, and the events that transpired on that day.


Dating against my will... arranged marriage...


Lahat iyon parang pison na bumagsak sa akin noong araw na iyon.

That was when my life began to get so complicated.


'I'm in love with someone else...' I wanted to tell my Dad, but I got scared.


For the first time in my entire existence, I got scared of something.


Love truly is a scary thing...

But then, I realized that there's something far scarier than Love...


And that is Losing it.


Mas masakit pala kapag nawala mo iyong pagmamahal na minsan lang kakatok sa pintuan ng puso mo.


Shino made me realize this...

At dahil doon...

Sumugal ako.


Sumugal ako kahit alam kong masasaktan at masasaktan ako...

Kahit na takot ako.


Noong isang hapong umuulan... may anim na taon na ang nakararaan...


"Fourth."

"It's the fourth time I heard you sigh. Seriously, Senpai, what's the matter?" kunot noong tanong sa akin ni Shino, habang patuloy sa pagbuntot sa akin sa loob ng St. Valentine Building. Napairap na lang ako sa hangin sa sobrang pagod (emotionally) bago tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Wala nga sabi. Ba't ang kulit mo? Wala ka bang klase, ha? Don't tell me makiki-seat in ka sa classroom namin?" sinimangutan ko siya pero parang wa epek sa kanya.

Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang mukha ko na para bang isa akong encrypted data na hindi niya ma-decode.

He looked so concerned. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

At dahil doon...

Mas lalong nahihirapan ang kalooban kong itaboy siya.


Habang nakikipagtitigan sa kanya ay parang gusto kong maiyak. Pero kailangan kong pigilan.

Gusto ko siyang yakapin at humikbi sa mga bisig niya.

Gusto kong magsumbong, at sabihin sa kanya lahat ng hinanakit sa puso ko. Lahat ng problemang pinapasan ko.

Gusto kong sabihing mahal ko siya.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon