Chapter 29

658 8 0
                                    

TBR 29


Kermit Part 2


"So ready na ba ang lahat? Magsisimula ang program bukas ng seven in the evening. Make sure na nasa kani-kanilang designated places niyo kayo at least an hour and a half before the program starts para na rin sa sound check and all." Wika ni Froglet matapos ipaliwanag ang mga kailangan naming gawin bukas para sa music fest sa school.

Halos mag-iisang buwan na rin namin itong pinaghahandaan kaya naman maya't maya ang meeting namin. Ang iba sa amin ay sa auditorium magpeperform, including me, habang ang iba naman ay sa may 'grandstand and open field' magpeperform.

Isa ako sa mga napiling bokalista, at ang iba naming kasama ay na-assign naman na tumugtog ng kani-kanilang forteng musical instrument.

"Kanon, ang gwapo talaga ni Pres ano? Haba talaga ng hair mo girl! Alam mo bang ang daming naiinsecure sa iyo ngayon sa department namin dahil sa lahat ng pagpapapansin nila diyan kay Pres e wa epek? Ikaw nga lang ata ang kinakausap niyang babae e! Laging isang tanong at isang sagot lang 'yan sa iba." Parang kinikiliting tanong ni Anna, ang ka-org kong taga college of Tourism and Hospitality Management, habang nagsasalita si Prince sa harap kasama sina Kuya Robert at Ate Gigi.

"Hehe." iyan lang ang tanging naisagot ko sabay nahihiyang ngumiti kay Anna. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Sa totoo lang, ayaw kong pinagtutuunan ng atensyon ng nakararami. Hindi ko naman kasi minahal si Prince para lang maging sikat o kainggitan ng mga kababaihan. Pero I have no choice but to deal with every stare and every glare dahil hindi talaga mapagkakaila na popular si Prince hindi lang sa aming University kung hindi maging sa mga karatig school. Minsan tuloy naiisip ko na hindi kami bagay. Kasi sobrang taas niya, habang ako naman ay... never mind. Wala naman kasing kahit anong espesyal sa akin.

Hinayaan ko na lang si Anna na kiligin sa tabi ko at muling bumaling sa harap. Saktong pagbaling ko doon ay biglang tumingin sa akin si Prince at kinindatan pa ako ng palaka.

"Baliw..." natatawa kong bulong, at napailing.

"May sinasabi ka Kanon?" tanong ni Anna.

"Ah... Ah! Wala! Hehe." Pagsisinungaling ko sabay napakamot sa aking ulo. Nagpatay malisya lang ako sabay linga sa paligid. Buti na lang at hindi nakita ni Anna ang ginawa ni Prince kung hindi walang humpay na naman sa kakatalak itong babaeng ito sa tabi ko. Nakukulili na rin kasi ang tainga ko sa mga tili at panunukso nila.

Laking tuwa ko ng natapos ang meeting namin. Mas nastress pa ako dahil sa mga kasama ko imbis na dahil sa preparation para sa event bukas. Buti na lang din nilapitan kaagad ako ni Prince sa aking upuan at niyakag ng umalis sa auditorium. He held my hand, at sabay kaming umalis doon matapos naming magpaalam sa aming mga kasama.

"Princess nagmamadali ka bang umuwi?" tanong niya habang naglalakad kami sa may campus, ang aming mga kamay ay magkasiklop.

"Hmm? Hindi naman. Bakit?" tanong kong balik nang nilingon ko siya.

"Pwede date muna tayo? Promise, hindi tayo papagabi masyado! Please?" pakiusap niya making a paawa face and I stared at him for a few seconds, biting my lower lip, pasuspense.

"Uhmmm... Kasi..." kunwaring pag-aalangan ko.

"Pleeaassse?" he pleaded.

"Okay." Ngiti ko at parang nakajackpot ang palaka sa tuwa. He mumbled a 'yes!' at napahagikgik ako.

"Saan nga pala tayo magdadate?" tanong ko.

"Sa may toknenengan." Ngisi niya at muntikan na akong masamid sa aking laway.

The Best ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon