TBR 41
May mga bagay...
Mga pagkakataon...
Na minsan, sana'y madaling balikan.
Iyong tipong lilingon ka lang, at sa paglingon mo, naroon na iyong oras na iyon... Iyong saglit na iyon... at higit sa lahat, iyong taong nagpabaliktad ng mundo mo.
pero wala e.
Kahit magmukmok ka pa. O umiyak ng isang galon ng luha, hindi mo na kayang ibalik pa ang natapos na.
Kaya siguro nilikha ang mga alaala...
Para siguro iyon sa mga taong lubos na nangungulila na wala ng pag-asa pang makita ang taong iniwan o nang-iwan sa kanila.
Mga taong kagaya kong pinagkaitan na muling masilayan ang taong nag-iwan ng malaking puwang sa puso nila.
Ilang beses akong lumingon...
Nagbabakasakaling masilayan ko siya.
Pero kahit saan ako tumingin... Kahit balikan ko pa ang mga lugar kung saan ko siya nakasama...
Wala na siya.
Tanging ilusyon na lang ang natira. Ang ilusyong nilikha ng puso kong kumikirot pa rin... Magpasahanggang ngayon.
-- Author's pagdadrama
Love and Longing
Shino x Diana
Diana
"Take a risk with me..." iyan ang mga katagang binitawan ng gago years ago.
And I did... I took a risk, at kahit nag backfire sa akin ang naging desisyon ko, wala akong pinagsisisihan.
Kasi...
Nagmahal lang naman ako e. Nagmahal ako ng isang bagsakan... Ng isang beses... Sa isang taong, iniwan man ako, masasabi ko pa ring he's worth the risk.
Sabi nila, napaghihilom ng panahon ang lahat... At sa paglipas ng panahon ay matututunan mo ring pakawalan ang mga bagay, tao, o emosyong kailangan ng palayain.
But I think otherwise.
May mga bagay na kahit lipasan man ng ilang libong taon, sadyang hindi kayang burahin.
Katulad na lang ng pagmamahal ko sa kanya.
Akala ko, matututunan ko rin siyang alisin sa sistema ko pero nagkamali ako.
Bawat sulok... Hanggang sa pagpikit... at pagmulat ng aking mga mata... Wala akong ibang hinangad kung hindi ang masilayan ka.
Kahit saglit lang. Kahit isang segundo lang. Pwede bang ibsan mo naman ang nangungulila kong puso nang dahil sa 'yo? Kasi sobrang sakit na... Ang sakit, sakit na... ng puso kong tumitibok para sa 'yo.
Year 2009
"Gaga ka talaga! Ang landi mo! Bwisit! Bakit ka naman nagpahalik? At gumanti ka pa talaga ng halik? Akala mo naman marunong ka! Tanga-tanga mo talaga Diana! Urggghhh! Bata yun e!" parang sira kong sinasabunutan at kinakausap ang sarili ko habang nakahiga sa aking kama.
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.