Kana
"I'm finally announcing the engagement of my only son, Prince..."
Uncle King announced as I stare at Kanon from a distance.
As her world crumbled, at that very moment, my hope, on the other hand, surged.
Sa isang iglap, nabuhayan muli ako ng pag-asa...
Pag-asang magkaroon ng panibagong pagkakataon to make her mine again.
I know it's wrong to feel that way, but I did.
Without feeling any guilt.
Without feeling bad.
I just want to have her heart again.
I just want to hear her say that she loves me, and only me.
I saw how she trembled after hearing those words, and how her knees buckled—
And in a snap... finding the perfect timing...
I caught her in my arms, just when she was about to lose her balance.
I want to be that knight in shining armor for her...
Gusto kong maging isang kabalyerong magiging dahilan para makalimutan niya na ng tuluyan ang tungkol sa makinang na Prinsipeng tinitingala ng lahat.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
In my mind, I started counting... I counted to three and took it as a sign—kapag nilingon niya ako within those seconds, that means I shouldn't give her up. But if not, kahit mabigat sa loob, kailangan ko siyang ipaubaya kay Tantoco.
Isa, Dalawa, Tatlo...
At sa eksaktong segundong iyon, nilingon niya ako.
She's hurt.
It was evident in her beautiful brown eyes.
Kahit na alam kong nagpipigil siya, kitang-kita sa mga mata niya ang mga luhang nagbabadya ng bumagsak.
Without saying a single word, I grabbed her by the hand, and ran away with her.
I held her hand tightly, and kung pupwede lang na hindi na iyon bitawan ay ginawa ko na.
Tinahak namin ang daan patungong parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan.
Pagkarating ay walang anu-anong pinatunog ko ang aking kotse at mabilis na pinaupo si Kanon sa front seat bago pumihit patungo sa driver's side.
Pagkapasok ay ikinabit ko ang seatbelt sa tulalang si Kanon, and drove off.
I was so tempted...
I was so tempted to take her away from everything and from everyone...
Kating-kati akong pihitin paliko ang manibela at tumungo sa malayong lugar kasama niya—
Kalimutan ang lahat kasama siya...
Pero natakot ako—I got scared that she might hate me more if I do that.
Panay ang sulyap ko sa kanya habang nagmamaneho.
Tulala lang siya habang nakatanaw sa may bintana, na para bang nasa ibang lugar ang kaluluwa niya—pati ang puso niya.
I couldn't find the right words to say kaya minarapat ko na lamang respetuhin ang katahimikang gusto niya.
My heart constricted for her... and for myself.
Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa sarili ko kasi para akong tangang naghihintay na maambunan ng kahit kakarampot na pagmamahal mula sa kanya.
Nang makarating kami sa kanilang bahay ay inalalayan ko siya patungo sa kanyang kwarto. Hanggang sa pag-upo sa gilid ng kanyang kama ay wala pa rin siya sa sarili.
Napabuntong hininga ako atsaka yumuko para ako na mismo ang magtanggal ng kanyang mga sapatos.
"Kana..."
natigilan ako sa pagtanggal ng kanyang sapatos nang marinig ko ang malambing na boses ng babaeng mahal ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ang pagod na ngiti sa kanyang mga labi.
Alam ko namang pinipilit niya lang na ipakita sa aking ayos siya, kahit na ang totoo ay hindi.
"Salamat..." sambit niya as her eyes water with unshed tears.
Iyon na ata ang pinakamasakit na pasasalamat na natanggap ko sa ta nang buhay ko.
My lips pursed into a tight line as I gaze at her.
She made me realize that love truly is bittersweet. You love and hurt at the same time. You cannot love someone and expect that you'd never experience pain while holding on to that love.
But this is the path I chose. I chose to hold on to her. To love her kahit na masakit na may iba siyang mahal.
Naramdaman ko ang pagbabadya ng aking mga luha kaya bago pa man mapansin ni Kanon ay nagiwas na ako ng tingin at muling nagpatuloy sa pagtatanggal ng kanyang sapatos.
"Wala iyon..." halos pumiyok na ang aking boses as a tear escaped my eye. Mabuti na lamang at madilim sa silid at nakayuko ako, kaya't hindi niya mapapansin ang pagtangis ko—pagtangis para sa pag-ibig na inaasam ko.
Pag-ibig na siya lang ang makapagbibigay.
Kaya lang...
Muling nawasak ang pag-asa ko nang...
Itanan siya ni Tantoco.
>>end of chapter.
Sensya na kung sabaw. Advanced Merry Christmas! :)
BINABASA MO ANG
The Best Rebound
ChickLitA typical story of a girl who has fallen in love with her best friend who happens to be in love with someone else.