Chapter 37
Chie's Pov
Nagising ako sa ingay ng mga taong naliligo. Nagulat ako ng tumingin ako sa tabi ko. Nakasandal ako kay Jake hanggang sa napansin ko ang jacket na binigay niya sa akin para pangtakip habang dinidiin niya ang katawan niya sa akin, ang loko sando lang. Mukha siyang nilalamig. Maingat kong ibinalik sa kan'ya ang jacket para mawala ang lalim ng katawan niya. Sa totoo lang, nagulat ako kay Jake nang tumabi siya sa akin. Gusto ko siyang iwan, pero nakita ko iyon sa mga kilos niya. Nang mapansin kong malayo ang tingin niya at madalas niya akong ikumpara sa dagat, sa totoo lang nakonsensiya ako sa ginawa ko sa kan'ya. Ang gulo ng utak ko hanggang ngayon, pero kapag kaharap ko na siya, hindi ako makatanggi. Kaya nga ayaw ko siyang makita kasi lagi akong speechless sa tuwing magkasama kami. Iniwasan ko, at ayoko nang mangyari ulit sa amin ni Jake. Hindi ko naman siya masisisi dahil una sa lahat, sumuko ako at pumayag sa gusto niya; kaya lang may nangyari sa'min, pero ngayon iiwan ko na naman siya. Napatingin ako kay Jake. Ito ang araw na magkikita tayo.
Sa ngayon ay nakapag-focus ako sa aking hilig sa pamamagitan ng pagluluto ng ilang ulam na kasama si Bakla tulad ng lechon manok na may sarsa ng maasim asim. Adobong baboy na may timpla ng matamis at maasim, at higit sa lahat, ito ang pinakagustong inihaw na sariwang isda na madalas bilhin ng mga dayuhan. Habang tumatagal, kinikilala din ang halos negosyo ni Bakla. Baka kapag naka-focus na ako sa pagluluto, hindi na ako guguluhin ni Jake, at hindi ko na siya nakikita araw-araw. Kaya nagkaroon ng kaunting saya. Nangunguna sa kalokohan ni Bakla. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang tagumpay na ito para sa kan'ya. Pumayag din ako sa kalokohan ni Bakla, at niloko niya ang kapatid niya. Minsan uto-uto din si kuya Kier. Hindi na ako nahihirapan dahil sa bahay ko lang nagagawa. Napatingin ako kay Jake. Lumipat siya. Mukha siyang malungkot. Maingat kong inalis ang kamay na nakahawak sa kamay niya. Napatitig ako sa kan'ya nang may biglang bumato sa amin, sa ulo ko. Napasigaw ako sa sakit nang biglang magising si Jake.
"Ate! Sorry." Lumapit sa akin ang lalaki; I think mga teenager na sila.
"Lagi kang tanga," sabi nung lalaki kasama niya babae, habang ang babae naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Bakit anong nangyari?" sabi sa'kin ni Jake.
"Sorry," sabi ng babae.
"Sinabi niya sa akin na lakasan ko. Sabi ko baka may matamaan ako. Sabi niya, wala raw. Kaya naman nilakasan ko."
"Sabihin mo tanga ka," sigaw ng lalaki sa kan'ya. Parang nakikita ko ang sarili ko sa babae.
"Bro, mali sinisigawan mo siya. Huwag mo siyang sisihin, wala siyang kasalanan," mahinahong sabi ni Jake sa lalaki.
"Eh paano kasi, simple lang ang sinabi ko pero hindi niya magets."
"Anong hindi magets? Ikaw ang tanga!"
"Whatever, ang dami mong sinasabi. Kung hindi dahil sa bata, hindi kita makakasama." Sabay alis ng lalaki. Napatingin ako sa babae. Nakayuko ang babae, at pasimpleng pinunasan ang kan'yang mga luha, saka ngumiti at humarap sa amin. Paano siya makakangiti? Alam ko ang nararamdaman niya. Alam ko 'yong feeling na hindi siya gusto ng mahal niya. Hindi ko maiwasang lumapit sa kan'ya at makiramay. Niyakap ko siya. Nang bigla siyang umiyak. Kahit ako hindi ko na mapigilan umiyak, parang sariwa pa ang lahat ng pinagdaanan ko.
"Teka, bakit? Umiiyak ka," bulong nito sa akin.
"Gusto mo ba ng kausap?" Tumingin siya sa akin.
"Tayong dalawa lang." Napatingin ako kay Jake. Buti na lang pumayag si Jake. Iniwan kami ni Jake; kaming dalawa na lang ang natira.

BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...