Chapter 52
Jake's Pov
Sa wakas, pumayag si Chie na sumama sa akin. Napansin ko nitong nakaraang buwan na madalas siyang may kausap sa telepono, pero hindi ako nagtatanong. Pakiramdam ko nilalayo niya ako kapag kasama ko siya. May tiwala ako kay Chie. Kung ano man ang pinaplano niya. May plano din ako sa kan'ya. Sigurado akong matutuwa si Chie kapag nakita niya ang surpresa ko. Tuwang-tuwa ang pamilya ni Chie, habang si Che akala niya ay galit pa rin ang kan'yang ate sa kaniyang pamilya, ngunit hindi niya alam na ayos na ang lahat. Nandito na kami sa barko. Si Chie naman, hindi siya mapakali.
"Relax ka lang." Ngumiti ako kay Chie.
"Dalawang taon akong nawala. Dalawang taon akong nagtago."
"Your parents don't hate you. Believe me. I told them all the stupid things I did to you. In fact, muntik na akong patayin ng kapatid mong si Charlz." Lumingon si Chie at kumunot ang noo ko.
"Ginawa sa'yo 'yon ng kapatid ko. Teka, bakit ngayon mo lang sinasabi?"
"Hindi ka nagtanong. Isa pa hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay naibalik na kita sa kanila." Tahimik lang si Chie hanggang sa makarating kami inabot ng 8 oras na biyahe. Pababa na kami ng van ng bigla akong hinawakan ni Chie. Dito kasi kami titira sa bahay nila. Kasunduan iyon ng kan'yang magulang, at hindi niya alam na may naghihintay na sorpresa sa kan'ya.
"Magtiwala ka lang sa akin." Hinawakan ko ang kamay ni Chie. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa gate nila. Nang biglang tumulo ang luha ni Chie. Miss na miss na niya ang kan'yang pamilya. Nag Doorbell kami ni Chie. Pero wala pa rin lumalabas. Hindi ito ang pinag-uusapan namin. Pero hindi talaga lumabas silang lahat na tumingin sa akin si Chie.
"Parang wala ang mga magulang ko," malungkot niyang sabi. Nang mapansin kong walang padlock. Sinubukan kong buksan ang gate. Binuksan ko ba? Pumasok na kami ni Chie. Madilim ang buong bahay ni Chie. Bakit hindi sila sumunod? Nakikita ko na mga kaibigan ko, pero hindi ko ipinahalata kay Chie. Nang makalapit si Chie para buksan ang ilaw. Nang malinaw na, biglang napaluhod si Chie at umiyak. Ang unang lumapit kay Chie, ang kan'yang magulang. Pinatayo si Chie, at nagyakapan sila. Ramdam na ramdam ko ang mga iyak nila. Sa simula pa lang, ako ay may kasalanan ng lahat ng ito; Naging masama ako kay Chie kahit na wala naman siyang ginawa kundi pagsilbihan ako. Ngunit ang pinakita ko ay pang-aapi lamang, kaya naramdaman ko tuloy ang galit nila sa akin.
"Sorry Mommy, Daddy. Patawarin niyo po ako kung naging mahina ako. Sumuko ako sa laban. Sinukuan ko po kayo." Nasaktan ako para kay Chie, at sinisi niya ang sarili niya na kasalanan ko.
"Shhh! Ang mahalaga nandito ka. Welcome home, anak. Nagustuhan mo ba?" Tumango lang si Chie sa kanilang magulang. Habang katabi ko si Chie.
"Tahana baby. Don't cry anymore. Don't do it again. Kung may problema ka, nandito kami handang makinig sa'yo. Kami may pagkukulang sa'yo anak. Hindi ako naging mabuting ina sa iyo. Negosyo at pera ang iniisip ko para magkapera tayo, pero hindi ko iniisip ang nararamdaman mo, anak, patawarin mo ako at ang Daddy mo.
"Chie." Niyakap siya ng ate niya. Nagulat si Chie ng makita ang kapatid niya. "Sorry, Chie, wala ako sa tabi mo."
"Ate." Niyakap ni Chie ang kapatid niya. Almost 6 years na niyang hindi nakasama ang ate niya. Ang natatandaan ko, high school siya nang umalis ang ate niya. Ngayon ay buo na siya, at masaya si Chie na makita ang kanyang kapatid.
"Sorry, Chie, kung wala ako sa tabi mo. Duwag ang ate mo? Ngayon magkasama tayo."
"Kailan pa?" Nakangiti sa akin si Chie. Masaya ako para kay Chie.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...