Chapter 40
Jake's Pov
Pagkatapos kong ihatid si Chie sa ibang bayan, pumunta ako sa tinutuluyan ko nang sorpresahin ako nina Janzen at Bam; ngayon ay seryoso na ang mga mukha nila. Lumapit ako sa kanila ng seryoso. Kung ano ang ginagawa nila dito at kung paano sila nakapasok ay kung ano ang alam nila.
"Bago mo tanungin mo bro kung bakit kami nakapasok at kung bakit kami nandito. Unaanahan na kita. Ipinaalam na kami ng magaling mong pinsan na si Reiver," seryosong sabi ni Bam.
Kung nasa harapan ko lang si Reiver, nasapak ko na siya. Sira ang ulo niya—sinabi ko nang huwag na huwag sasabihin kahit kanino, at dito pa talaga sa taong hindi mapagkakatiwalaan.
"Anong ginagawa niyo dito? Don't tell me magbabakasyon kayo."
"At bakit naman hindi? Ikaw ang nagpapasaya. Gagi, kami ang nahihirapan, at ikaw lang ang nandito."
"There's a reason why I'm here," seryosong sabi ko sa kanila.
"Oo, alam namin; kaya kami pumunta dahil kay Chie."
"Dahil kay Chie." Inulit ko ang sinabi ni Janzen.
"Gago ka ba pinsan? Kung bakit ka nandito ngayon ay dahil kay Chie. Hindi ako nagsasayang ng oras at lumuwas ng magkalayo."
"Linawin mo ang pinupunto mo." Parang may meaning lahat ng binitawan ni Janzen. Mahilig pa rin siyang pabitin sasabihin hindi pa ako deretsahing matapos na ang usapan.
"Bro! Kasama mo ba si Chie?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Janzen.
"Kanina lang, hinatid ko siya. Sa ibang bayan."
"What ang laki mo bobo?" Nakatayo si Janzen, nakaharap sa akin. Sawa na ako kay Janzen; Mas gusto kong magkaroon ng Reiver; wag lang kasama ito.
“Tara na, baka huli na ang lahat."
"Anong 'huli na ang lahat'?" Kinabahan ako sa sinabi ni Janzen
"Hindi ito ang tamang oras. Tara na." Aalis na sana ako nang nakasalubong namin si Dain na seryoso rin ang mukha sa akin.
"Ano?" sabi ko sa kan’ya. May kinuha siya at ipinakita sa akin. Para akong nanghihina, may lumapit na limang lalaki kay Chie at kinaladkad siya sa paligid ng lima at itinali sa isang puno na hindi ko alam kung nasaan ito, at kahit ako wala akong ideya, ang tanging makakatulong sa akin ay ang isa sa tabi ko; siya lang ang taga dito at alam ang lugar.
"Ito ang sinasabi ko sa'yo. Huli na ang lahat. Minsan na, malagay sa panganib si Chie Jake. Nanganganib siya dahil sa iyo. Ok na siya, pero dahil sa koneksyon mo sa kan'ya, siya ang binalakin ng mga baliw mga tao."
"Sabi mo, Bam, binago ko ang buhay ko; alam mo iyon. Binago ko ang buhay ko. Humihingi ako ng tawad sa kanila. So! Ano ang ibig sabihin nito?" Sinampal ko ang mukha ko. Nanghihina ako base sa nalaman ko.
"Nag-research ang mga kaibigan natin." May inabot si Janzen na ngayon ko lang napansin sa kan'ya. Kumuha ako ng envelope sa kanya.
"Ano ito?"
"Tangina bro, galit na galit si Roy sa'yo. Pinigilan lang namin lahat. Kasalanan ng ex girlfriend mo," sigaw ni Janzen sa akin. "Buksan mo ang nakikita mo. Simula nang dumating ka dito, pinakialaman na ni Joana ang lahat. Huli naming nalaman dahil sa kaibigan niya. Poot at galit ang nag-udyok kay Joana.”
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari masama kay Chie at hindi ko hahayaang masaktan si Chie sigaw ko sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...