Chapter 46

21 7 0
                                    

Chapter 46

  

Jake's Pov



Hindi ko maiwasang mainis ngayon habang nakangiti ang taong mahal mo. Hindi ko alam kung saan na kami sa haba ng aming paglalakbay; nandito lang kami sa isang gubat kung saan kami dinala ng magkapatid na ito.  Hindi naman kami nahirapan dahil papasok na ‘yong van na sinasaktan namin. Nagulat ako na may malaking mansyon sa gitna ng kagubatan; walang nakatira doon. 

"Hoy! Tutunganga ka na lang ba niyan, tulungan mo ako?" Sa inis ko, tinalikuran ko si Kenneth at iniwan siyang mag-isa. Ngayong wala ako sa mood, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na patulan ang isang ito, lalo na't nakikita kong masaya si Chie sa piling ng iba. Pumasok na lang ako sa loob. Kumunot ang noo ko nang makita kong masayang pakikipagkwentuhan si Chie kay Kier. Hindi ko alam kung anong trip ng magkapatid na 'to. Kakaiba kasi nag sayang sila ng oras para lang dito! Para saan? Kanina pa ako hindi nakakapag-enjoy dito. Hindi na ako nakatiis. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang mga binake nila. Nagulat sila sa ginawa ko. 

"Gutom ka na ba?" Nakatingin lang sa akin si Chie. 

"Hindi, ano ang maitutulong ko?" 

"Okay lang, kakain na tayo. Nag-ihaw lang si Kenneth; hinihintay na lang natin na maluto. Nasa labas siya, 'di ba?" Hindi ko na lang pinansin si Kier. Hindi ko siya kinakausap. 

"Ikaw, Chie, nagugutom ka ba?" mahinang sabi ko kay Chie. 

"Naku, kumakain na siya ng mga binake namin; hindi pa rin siya nagbabago; mahilig pa rin siya sa cookies."

"Ngayon lang! Tsaka bihira na akong kumain ng cookies." 

"Bakit ayaw mong tumaba?" Sabay lapag ni Kenneth ng inihaw na bangus. Bigla akong natakam; isa rin ito sa mga paborito ko. Napatingin sa akin si Chie. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, seryoso kasi siya. 

"Let's eat. Nagugutom na ako." Tumayo ako at hinila si Chie sa kabilang table. Umupo na kami. Ang dami nilang niluto kaya hindi ko napansin. Pagdating namin dito, may mga hinandang pagkain. Meron silang mga prutas na halos kumpleto na lahat. Hindi na ako magtataka kung kakainin ni Chie ang lahat ng prutas. Alam ko kasi mahilig siya sa prutas. Hindi ko alam kung saan nila nakuha. Nakasunod lang kami ni Chie sa kanila. 

"You want it, Jake. Masyadong malalim ang iniisip mo." Napatingin ako kay Kenneth. Bakit niya ako pinakialaman kanina pa? Hindi ko na lang siya pinansin. Gusto ko na talagang kumain ng bangus nang bigla akong tapikin ni Chie na ikinagulat nila. Napatingin ako kay Chie dahil seryoso ang mukha niya. 

"Hindi mo puwede kainin 'yan. Ito, adobo, ang kainin mo," mahinang sabi ni Chie. 

"Oh, bakit, Chie? Nakakahurt  ka. Huwag kang mag-alala, wala akong balak na ilayo siya sa'yo. Gusto ko lang na kainin niya ang hinanda ko." 

"Gagi, hindi naman sa ganoon, bakla. Hindi siya makakain niyan dahil minsan siyang naospital dahil hindi siya sanay sa buhay probinsiya." Kumunot ang noo ko kay Chie. Huwag niyang sabihin na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siya sa sinabi ni Manang at talagang naaalala niya ito. Ibig sabihin nag-aalala siya sa akin. Ngumiti ako, humarap sa kan'ya. 

"Matagal na ‘yon" sabi ko sa kanila. Tumango lang ang mga kaibigan ko. 

"Naospital ka? Bakit?" sabi ni Kenneth. 

"No, besides, matagal na ‘yon," sabi ko sa kanila.

"Kahit matagal na, sabi ni Manang bawal ka pa rin. Bakit ang kulit mo? Pag sinabi kong bawal, bawal ka! ‘Wag kang malikot. Hindi ka pa rin  nagbabago iyong gusto mo nasusunod." Wala akong maintindihan sa sinabi ni Chie. Nakatingin lang sa amin ang magkapatid. 

My Fiance is a bullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon