Chapter 7

42 7 0
                                    

Chapter 7

Chie's Pov


Maaga akong nagising ng may tumapik sa paa ko. Nagising ako sa gulat. Tinignan niya ako ng seryoso.

"Anong oras na? Tanghali na at hindi ka pa gising. Baka nakakalimutan mo na, hindi ka pumunta dito para mamuhay bilang reyna. Nagugutom ako, at pagbalik ko, tulog ka pa. "

"Pasensya na!" sabi ko sa kanya. Bumangon ako, kahit iba ang pakiramdam ko. Aalis na sana ako nang sitahin ako ni Jake. Napaatras ako pabalik sa kanya. Tinignan niya ako ng seryoso.

"Aalis ka nang hindi pa nakaayos ang sarili mo." Tinignan niya ako ng seryoso, at bigla akong nahiya.

"Sorry." 'yon lang nasabi ko. Napalingon ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napaatras ako nang hawakan niya ang noo ko. Nakasimangot ang mukha niya sa akin. Ang siyang pasok ni Manang. Sa gulat ko, tinulak ko siya ng malakas. Napatingin si Manang kay Jake na hindi ko naman sinasadya dahil nahulog siya sa sahig. Lumapit ako kay Jake; sabay hawak ko sa kanya.

"Pasensiya na!" bulong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng masama.

"Oh! Tamang-tama Jake, may gagawin ka ba?" Napalingon ako kay Manang dahil binigyan niya si Jake ng lugaw. Tahimik niya itong kinuha. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Jake. Hawak niya ang lugaw. Seryoso siyang tinignan ni Manang.

"Ayos ka lang ba?" tumango lang ako. Pinilit kong tumayo, kahit na nahihilo pa ako.

"Naku! Salamat. Tinakot mo kami ni Manong kagabi. Ang taas ng lagnat mo. Bakit hindi mo sinabi sa amin. Kung hindi kami pumunta dito, inilihim mo 'to.

"Sorry," sabi ko kay Manang.

"Mauuna na ako; Nagluluto pa ako. Sorry kung ngayon lang kami nakauwi. Alam mo na sabik lang akong makasama ang pamilya ko; ngayong nakabalik na ako, hindi niyo na kailangan magtipid dalawa. Kumain na kayong dalawa?" Hindi ko alam ang sasabihin. Araw-araw kasama ni Jake ang mga kaibigan niya, habang ako naman ang nagluluto sa umaga ng almusal ko hanggang hapunan. Hindi kumakain dito si Jake.

"Tutulong ako." Ihahakbang ko na sana ako ng isang hakbang nung pinigilan ako ni Jake na tinignan ako ng masama. Sa unang araw ng 2022, nakakunot ang noo niya buong taon.

Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi, o baka naman pinaglihi siya sa konsumisyon.

"'Wag kang matigas, Chie, hindi ka pa magaling. Magpahinga ka muna. Pinapabayaan mo ang sarili mo. Tingnan mo, bagong taon; nilalagnat ka." Hindi ako umimik hanggang sa makaalis si Manang. Napayuko ako at naramdaman kong nakatingin sa akin si Jake.

"May iuutos ka ba?" mahinang sabi ko sa kanya. Hahakbang na sana ako nang hawakan ni Jake ang kamay ko.

"Saan ka pupunta? " Nagulat ako ng magsalita si Jake. Nakatingin lang siya sa akin kanina. Hindi ko alam kung concern lang siya o dahil wala siyang maiutos. "Umupo ka dyan! 'Wag kang magmatigas. Sinabihan ka ni Manang." Sabay kuha ng lugaw. Napatingin ako sa mga kamay niya. Dali-dali kong kinuha iyon sa kamay niya; nakakahiya naman, at iniisip ko kung pagsisilbihan niya ako. Alam ko ang dahilan kung bakit ako nandito. Kundi para alagaan siya.

"Ano ka-si?" Hindi ko alam kung paano magsisimula.

"Ano?" sabi niya ng paulit-ulit.

"Magaling na ako?" Tinawanan niya lang ako. May nasabi ba akong kalokohan? Umupo lang ako sa isang sulok, hinihintay siyang tumigil sa pagtawa.

"Anong ginagawa mo? Kumain ka na? Dapat may pagkain sa fridge." Gulat na nakatingin ako sa kanya. May sakit ba siya. Sabi niya. Minsan kapag umuuwi siya madalas niya akong tinatanong kung kilala ko si Roy, ang sagot ko lang ay hindi. Eto kasi si Roy walang magawa sa buhay everytime na nilike ko 'yong profile picture niya tapos binabanggit niya 'yong pangalan ko kapag gusto niya. Pagod na ako kalilike ng picture niya. Naiinis na ako sa kanya dahil ginawa niyang online selling ang mga picture niya at nagpapalit siya kada isang oras.

Tapos ayoko lang na tinatawag ako o tinitext, minsan tumitingin sakin si Jake kung sino ang kausap o katext ko. Loko din Isang ito. Kahit ayaw kong sagutin ang tawag niya ay wala akong magagawa dahil isa iyon sa mga vows namin. He let me ignore him just like I asked him to but the one thing na ayaw niyang mangyari ay ang mawalan kami ng koneksyon, kaya hindi puwede ang pagtigil sa social media. Kaya nga siya gumawa ng ibang account dahil para sa akin, hindi dapat maputol ang aming pinagsamahan

"Hoy! Ang lalim-ano bang iniisip mo? "Nagulat ako, nakatayo ako. Dahil malapit siya sa akin. Bigla akong tumalikod at nakaramdam ng hiya. Na naguguluhan ako sa pinakita niya sa akin. Bakit ang bait-bait niya sa akin? May sasabihin ba siya?

"Hindi pa kasi ako gutom, tsaka hindi ka puwedeng magtagal rito sa loob baka mahawa kita," mahina kong sabi sa kanya. Nakangiti pa siyang nakaharap sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Nagulat na lang ako ng bigla siyang bumagsak sa kama.

"Hoy! Narinig mo ba sinabi ko?" Niyugyog ko pa siya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila, niyakap ko siya. Muntik ko na siyang halikan na mapalapit ako sa kanya.

"Sorry," mahinang sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako ng bigla niya ulit akong hinila palapit sa kanya, ngayon ay nasa kama ako at niyakap niya ako mahigpit. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko magawa dahil sa lakas niya at wala akong lakas dahil nahihilo ako.

"Pakawalan mo ako."

"Gusto pa kita kasama." Anong trip nito? Hindi ko kasi maintindihan ang bawat galaw niya. "Please, kahit ngayon lang," seryoso niyang sabi.

"Pero hindi puwede 'yon, magkakasakit ka. Bumangon ka na diyan."

"Ok lang, nandiyan ka naman."

"Syempre, assistant mo ako." Bumulong ako. Paglingon ko, tulog na siya. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin dahil hindi ako makaalis dahil nakasandal ako sa balikat niya. Pinikit ko ang aking mga mata; Hindi pa ako makabangon.

My Fiance is a bullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon