Chapter 15
Chie' Pov
Nagising ako, I feel weird. Wala akong lagnat. Pagkagising ko, may bulaklak sa kuwarto ko. Wala akong ideya kung kanino galing. Hindi ko naman puwede tanungin si Jake, malamang alam ko na hindi siya sasagot, at malabo kay Jake na may girlfriend ang tao at tinuturing niya akong katulong, hindi fiancee na ginawa ng mga magulang namin, nakikisali lang sa mga plano nila. Hindi ko makontak ang mga magulang ko, kahit si bunso. Nasa Cebu pa ang mga magulang ni Jake; just like my parents, nasa Cebu din sila. I don't know why they are trying to bring us closer together, which is not going to happen kasi magkaiba kami ng personality ni Jake. Hindi ko alam kung trip nila kami. Minsan babalik sina Manang at Manong; aabutin ng limang araw, tapos bigla silang magpaalam sa amin. Marami silang dahilan. Hindi na lang ako nagsasalita. Si Jake ay hindi tanga; hindi niya makita ang mga pakulo nila. Ngayon ay isang buwan na silang wala dahil natanggap sila at pumunta sa Cebu para pagsilbihan si Kuya Jaydee. Napatingin ako sa relo. Sinampal ko ang mukha ko. Naku,
Alas diyes na. Hala! Lagot na ako.
Nagmamadali akong bumangon. Ang daming gumugulo sa utak ko. Lalo pa't dumagdag si Roy sa isip ko. Nagkatinginan kami ni Jake, at napaatras ako. Huwag niyang sabihin kakagising niya lang. Magulo ang buhok niya. Lumapit siya sa akin. Kinakabahan ako sa kan’ya. Lahat ng masasakit na salita ay narinig ko mula sa kan'ya. Tanging pagkakamali lang niya, nakikita ko. Sanay na ako na sinabi niyang tanga ako, tanga, tanga, pero isang bagay ang hindi ko makakalimutan ay nung minsang pinagbintangan niya ako na nagplano ng lahat ng ito para maakit siya. Bakit ko naman gagawin ‘yon sa kan'ya? May crush ako sa kan'ya, pero hindi ako kusang lumapit sa isang lalaki para makuha ang gusto ko.
"Hoy! Nakikinig ka ba? Ang lalim iniisip mo?" Napatingin ako sa kan'ya, halos malapit sa mukha niya. Minsan hindi ko maintindihan ang bawat kilos niya, na para bang sa nagsasabing sala sa lamig, sala sa init—ganyan ang ugali niya. Hindi ko alam kung mabait ba siya o may binabalak siya para sa akin. Napaatras ako dahil na-out of balance ako; Hinawakan ako; Nasa kamay ko si Jake, hanggang sa namalayan ko na lang na napalapit na pala siya papunta sa akin. Hindi ako makagalaw sa mga nangyayari ngayon hanggang sa dahan-dahang dumampi ang labi ni Jake sa labi ko. Nagulat ako sa nangyari. Nang maramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa mukha ko, bigla kong itinulak ang sarili ko. Mabilis akong tumayo, at hindi ako makatingin sa kan'ya. Tumingin siya sa akin ng seryoso; pulang pula ang mukha ko kahit hindi ko pa nakikita. Nararamdaman ko ito dahil sa kahihiyan na naramdaman ko.
"Bakit mo ginawa ‘yon?" mahinang sabi ko sa ka'nya. Tinawanan niya ako.
"Ang alin, 'yong halik na binigay ko sa'yo? Pinagbigyan lang kita; ayaw mo bang akitin ako na binigay ko na?" Gusto ko siyang sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Nasa bahay nila ako, at alam kong hawak niya ako. Hindi ako makatakas sa kan'ya dahil isang tawag lang ni Jake sa aking mga magulang ay maaari na akong sirain sa mata ng aking mga magulang hangga't maaari. Kung kailangan ko siyang tiisin, gagawin ko. Ok lang na bastusin niya ako; ganyan siya. Sinisisi ko kung bakit siya ang nasa posisyon niya. Ako ba, tanong niya? ok lang ba sa akin? Gaya niya, naguguluhan din ako, pero proper follower lang ako sa kanila. Hindi ko na sinabi ang ayaw kong sabihin. Ang mahalaga sa akin ay iwan ko siya. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng tanghalian. Hindi na ako nakakain dahil sa masasakit na salita na sinabi niya, at minsan lang ako humingi ng budget sa kan'ya. Minsan nag-iipon na lang ako hanggang umabot ng isang buwan, at isang libong piso lang ang hinihingi ko, tapos may naririnig ako sa kan'ya. Palamunin daw ako. Nanahimik na lang ako.
"Ang bagal! Nagugutom ako." Nabibingi ako sa kan'ya kung sumigaw talaga sa tenga ko. Nanadya ba siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagluluto. Nang matapos na, bigla akong natakam sa niluluto ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Hindi ako nakakain ng maayos kagabi. Inayos ko ito at hinanda. Maingat kong inilagay iyon sa lamesa kung saan nasa gilid si Jake. Pagkatapos kong ilagay. Kinuha ko ang kan'yang plato, kutsarita, tinidor, at baso para magamit niya. Kahit nagugutom ako ay, tiniis ko na lang dahil pinaramdam niya sa akin na palamunin lang ako."
"Bakit hindi mo kunin ang sa'yo? Don't tell me kukunin ko pa para sa'yo." Yumuko na lang ako. Nagdadalawang isip ako kung kakain ba ako o hindi, pero kung hindi ko siya susundan, baka maghintay, pero posibleng hintayin niya ako. Bahala na sa huli,
kukunin ko lang ‘yong plato ko. Daan-daang ako ang lumapit sa kan'ya. Mayroon kaunti ka ba dahil ang kan'yang mukha ay nagsalubong sa kan'yang mga kilay? Hindi ko na siya tinitingnan; ito lang ang paraan para maiwasan ito, at may masasabi ako sa kan'ya. Parang sasabog na ako sa galit. Mahirap magpigil ng galit. Umupo na lang ako at kumuha ng pagkain, tapos nagluto ako ng ulam na adobong baboy. Habang kumakain ako, naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Bigla akong nahiya sa bawat kagat ko. Hindi ko naramdaman ngumunguya ang bawat kagat ko kaya bigla akong nabulunan sa dami ng nilunok ko. Lumapit sa akin si Jake at kumuha ng isang basong puno ng tubig. Ininom ko ito ng walang tigil. Umubo ako at tumingin kay Jake.
"Gago, sa susunod ayusin mo ‘yang kinain mo. Nagmamadali ka ba?" Ito na naman ang kan'yang mahiwagang sermon. Sa labas ng tenga. Alam kong sasabihin niya ang sinabi niya. Hindi naman ako nagkamali na sinabi niya iyon.
"Ako na rito." Nagulat ako sa sinabi niya. Kailan siya maghuhugas? May impeksyon ba ang isang ito? May lagnat ba siya, o baka naman nanuno na."
"Oh, bakit ganyan mukha mo?"
"Wala, tsaka hindi mo ito gawain. Ako na rito, kaunti lang naman hugasin."
"Kaya nga kaunti lang. Ako na maghuhugas. Ang atupagin mo ay iligpit ang higaan ko at pakipalitan na rin." Tumango na lang ako kaysa magmatigas pa sa kanya. Tumalikod ako sa kan'ya at pumunta sa kuwarto niya gaya ng utos, pinalitan ang bed set at unan. Sunod sunod sa bintana. Iba ang kulay kaya naisipan kong palitan ang kulay ng kan'yang higaan na gusto ni Jake kaya nilagay ko lahat ng kulay asul ay dapat pareho ang kulay. Nang matapos ko nang ayusin lahat, napatingin ako sa kama niya. Ang laki kasi, parang hindi iisang tao ang matutulog eh!
"Nagustuhan mo ba?" Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko, hawak ko ang labahan. Agad kong pinulot dahil sa takot ko, hindi ko mailagay ang labada niya. Hindi ko mabitawan ang hawak ko dahil pinagmamasdan niya ako. Kahit nahihirapan ako, medyo may bigat sa kumot niya naglalakad ako sa gilid ng may humila sa akin kaya nagulat ako. Kaba at takot na naramdaman ko pero bakit ganito ang naramdaman ko nung niyakap ako na parang may init sa katawan ko. Hinarap ko si Jake, hindi ko alam ang gagawin ko ay kumalas sa pagkakahawak ko at tumingala kay Jake habang seryosong nakatingin sa akin. Dahan-dahang naramdaman ang pangalawang beses na hinalikan niya ako. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko kaya kahit anong gawin ko, pumiglas ako, wala akong lakas, hinahayaan ko lang siya hanggang sa kami unti-unting inabot ang kan'yang kama. Nang pinahiga niya ako, ngumiti siya at muli akong hinalikan. Sa bawat halik niya ay ginantihan ko rin siya, hanggang sa unti-unting gumapang ang kan'yang kamay at tuluyang nawala ang aking saplot hanggang sa may nangyari sa aming dalawa. . Kinabukasan nagising ako na nakayakap siya sa akin. Napahilamos ako ng mukha. Bakit ba kasi umabot kami sa puntong ito. Ngayon, tama siya, parang ginusto ko rin na gawin niya sa akin ito. Hindi na mauulit sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Jake. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa akin. Nang papaalis na ako, dumagan muli ang kamay niya sa akin. Sinubukan kong tanggalin iyon sa kamay niya. Sa pangalawang pagkakataon, napalapit ulit ang kamay niya. Sinadya ba niya? gising ba siya Tiningnan ko ang relo ko, 4 am pa lang, hindi siya nagigising ng ganito. Tatlong beses kong tinanggal ang kamay niya. Bigla na lang akong natumba sa lakas ng pagtulak niya sa akin habang nakayakap sa buong katawan ko.
"Maaga pa naman babes." Anong pinagsasabi niya mga bebe? Ako ba ang tinutukoy niya o si Joana? Hala! May girlfriend nga siya. Paano ito? Nataranta ako bigla.
"Kailangan ko ng umalis." Bigla siyang napaupo sa sinabi ko.
"Sabi ko na eh! After something happened to us, Aalis ka kasi nakuha mo na ‘yong gusto mo." Ano? Sabi niya. "Katawan mo lang ang habol mo sa akin. Nagpapanggap ka na maamo tulad ng mga babaeng kasama ko," sigaw nito sa akin. Gusto ko siyang suntukin, pero wala pa rin akong lakas ng loob. Masyado niya akong sinisiraan. Hindi ko na kaya; kaunti na lang bibigay na ako sa kan'ya.
"Aalis na ako kasi gusto ko sa kuwarto ko matulog. Iyon lang," mariing sabi ko sa ka'nya. Tingnan niya lang ako.
"You're going to sleep in my bed. Malaki ang kama ko."
"Gusto kong lumipat." Parang pinipiga ang utak ko para magpaliwanag sa kan'ya. Ngayong malapit na ang exam namin, hindi pa ako nagrereview.
"Fine!" Sabi niya sa akin. Binilisan ko ang pag alis baka sakaling magbago ang isip ng isang iyon. Pumasok ako sa kiwarto ko. Nahusgahsan ako sa ginawa kong katangahan. Dahil maaga pa, natulog ulit ako hanggang sa nakatulog ulit ako.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...