Chapter 44
Jake's Pov
“Asan si Jake?" narinig kong sigaw ni Roy. Nagkatinginan kami ni Bam. Tumayo ako at bumaba habang nakakunot ang noo ng mga loko. Hindi ko na lang sila pinansin at lumapit kay Roy. Nataranta ako sa kan'ya. Kung makasigaw daig pa na kabila kanto siya. Nang makita ako ni Roy ay hinampas niya ako ng malakas kaya bumagsak ako sa sahig na may kaunting dugo sa mukha ko. Hinarap ko ulit siya, kahit nararamdaman ko ang sakit. Sabay lumapit si Janzen sa harapan ko.
“Ano ba problema mo, Roy?” sigaw ni Janzen kay Roy. Kinabahan ako at napagitna sa kanila.
“Nanahimik kami dito, sumugod ka. Anong ginawa ni Jake? Kailan ka titigil sa pagsisisi kay Jake? Si Jake lang ang palagi mong nakikita! Sumosobra ka na. Ginawa na ni Jake ang lahat; hindi mo pa rin nakikita ang paghihirap niya. Ano ang kinagagalit m?"
Sabay tulak nila ni Janzen kay Roy, napaawat ako sa kanila.
"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong pinsan?" Nakatingin silang lahat sa akin. Malinaw na sa akin kung bakit nagkaganito si Roy.
"Ginawa ko lang ang tama," sabi ko sa kan'ya.
"Anong tama? Umaatras ‘yan sa mga baliw. Hindi mo ba talaga naisip ang sakit na dinanas ni Chie sa kanilang mga kamay? Paano ito mauulit muli? Sige! Ipaliwanag mo sa akin. Alam naman natin na si Chie ang palaging target nila. Because of you, because of that deep love." Seryoso silang tumingin sa akin. Hindi ako nagsisisi na pinakawalan ko sila. Dahil hindi matatapos ang gulo kung paghihiganti lang ang gagawin.
"Tama," sigaw ko kay Roy. “Tama ka, posibleng bumalik sila. Pinag-isipan ko, pero Roy, hindi matatapos ang gulo kung gaganti na lang ang pairalin. Akala mo ba hindi ko naisip? Naisip ko si Chie; kaya ko ‘yon ginamit kasi ‘yon lang ang paraan para hindi ko madamay si Chie sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanila."
"Patawarin, ang tanga mo! Hindi naman nila sinunod ang kasunduan, di ba? Gumanti sila! Syempre ang tagal ng issue na ito pero para silang mga bata na hanggang sa hindi makaganti ay naglalaro sila tapos pinapatawad mo na sila."
"Ako nagsabi kan’ya, Roy." Napatingin kami kay Chie. Nagulat ako makita sina Chie at Erika. “Sabi ko ‘wag siya magreklamo dahil wala itong patutunguhan kung patuloy tayong gumanti sa kanila. Hindi matatapos ang gulo sa pagitan niyo. Isa pa ang kinatatakutan ko para sa inyo ay kung dumating man ang araw, magkakaroon ng gulo sa pagitan ng mga gangster niyo. Paano kung masaktan ka? Iniisip mo ba kami ni Erika?" Napatingin ako kay Chie. Seryosong lumapit siya kay Roy.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko hindi kayo aalis ng wala ako?"
“Tanga ka, anong tingin mo sa akin, hayop?" Seryosong sabi ng lalaki habang papalapit kay Erika. Tinignan ko siya ng seryoso para pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang matandaan na nakita ko siya hanggang sa tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
“Tara na nga.” Sabay hila ni Erika sa lalaki.
"Teka lang ate. Bakit mo ako pinapauwi? Hindi ba si Kuya Roy ang pinunta natin dito? Sinayang ko lang ang oras ko. Ano kung mag-away sila ng mga kaibigan niya? Nag-aaway at nagsisigawan na akala mo ay babae. Napakaraming oras ang nasayang ko. Naku ate nanggigil ako sa'yo.”
"Ang dami mong sinabi, tara na! Sabihin mo lang tamad ka talaga."
"Bitawan mo ako ate." Napatingin sa akin ang lalaking iyon. "Nagkita na ba tayo?"
"Of course not! Ngayon mo lang sila nakilala. Tigilan mo nga ako, Eron. Iniba mo na naman ang usapan." Ang pangalan ng lalaking ito ay Eron. Hinding-hindi ko makakalimutan ang eksenang ginawa niya noong pinahiya niya ang isang babae. Naawa ako sa babaeng umiiyak at sinabihan ng masasakit na salita.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
Lãng mạnNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...