Chapter 42

17 7 0
                                    

Chapter 42

  Jake's Pov

Nagising ako sa boses niya, sa pangunguna ni Kenent, kaibigan ni Chie. 

"Sissy!" Sabay yakap ni Kenneth kay Chie. Muntik na akong matumba sa lakas na tumulak sa akin. 

"Hoy! Sissy, gumising ka na. Ayaw mo bang may patunayan ang sarili mo? Bakit sumuko ka na lang?" Nakatayo lang ako habang nakatingin kay Kenneth. Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Chie. Umiyak ng sobra si Kenneth sa kan'ya. 

"He won't give up; I know my best friend. Ang pagsuko ay wala sa bokabularyo niya," seryosong sabi ni Roy. Base sa mukha ni Roy, nagseselos ang tanga. Sinong mag-aakala na magiging matalik na magkaibigan ulit si Chie, at ngayon ay may kaagaw na siya sa isang lalaki, pero lalaki ba ito? Iba ang ugali niya. Simula ng makilala ko siya, hindi ko masabi na bakla siya dahil may kakaiba sa ugali niya. Gusto niya si Chie. 

"Epal ka talaga; hindi kita kinakausap, at ikaw ang matalik na kaibigan ng matalik na kaibigan ko. Hindi binabanggit sa akin ni Chie na may matalik siyang kaibigan;  ako lang ang bestfriend niya, wala ng iba gets mo." Nilingon ko si Roy; nag iba ang mukha niya. Habang ang mga kaibigan ko ay pasimpleng nakatingin sa kanila, pinagtatawanan nila si Roy, kaya kinabahan ako sa kanila. Hindi maiwasan, nagkapikunan. Sabi ko na lang sa isip ko.

'Magsitabi nga kayo. Naiingayan sa inyo si Chie.”  Ito lang ang paraan para makaalis sila.

"Ikaw ang may kasalanan." Sabay hampas sa akin ni Roy." Hindi ko pinatulan si Roy; tumayo ako sa harapan niya. 

"Tama na." Biglang pumuwesto si Reiver sa pagitan namin ni Roy at sinabing.

"Ang selfish kasi ang tanga. Ano ngayon ang nangyari sa pagsugod na ginawa mo? Pinahamak mo si Chie."

"Puwede ba tama na nagtuturuan. Ginawa lang ni Jake ang ginawa niya." 

"Isa ka pang tanga," sinapak ni Roy si Reiver. 

"Tangina, problema mo ba?" Napalapit din si Reiver kay Roy. 

"Roy, tama na," mahinahong sabi ni Rom sa kan'ya. Hinila nila si Roy palabas. 

"Please, I want to be alone," sabi ko sa kanila. Iniwan nila ako. Hinawakan ko ang kamay ni Chie kahit na naramdaman ko ang sakit nang hampasin ako ni Roy. Maya-maya may tumapik sa akin. Ang seryoso ang mukha ni Kier habang nakaupo pa rin siya sa tabi ko. 

“Tinawag ko na ang nurse para gamutin ka, at 'wag na 'wag kang tatanggi katulad ng ginawa mo kagabi. 

“Kung gusto mo pang makita si Chie, follow me. Ako ang batas sa ating dalawa. Kung sa tingin mo ikaw ang pinuno sa kanila, nagkakamali ka; hindi lahat susundin ka. Ngayon, mamili ka: magpapagamot ka, o gusto mo bang ipakaladkad kita rito." Tinitigan ko siya ng masama sa huli ako pa rin ang talo. Gaya nga ng sinabi niya, siya ang batas at kilala dito kahit ayoko man sundin ang gago ito. Wala akong choice kaya sinundan ko ang nurse at ginagamot niya ang bawat pasa ko sa katawan hanggang sa kaharap ko si Roy na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin, hindi ako makatingin sa kan’ya, ang selfish kong tao pero iniisip ko ‘yong kapakanan ni Chie kung bakit ako sumugod ng hindi nila alam sa kasunduan namin ng kausap ko. Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin at seryoso pa rin ang mukha niya. 

"Saan ka pupunta?" Seryoso niyang sabi sa akin.

"Chie," sabi ko. 

"Okay lang si Chie; ayos ka lang ba Ano ang sinabi ng doktor?"

"I'm fine," sabi ko sa kan’ya. Tumawa si Roy, humarap sa akin. 

"Okay lang ba? Sa dami ng mga pasa mo, malalaman mo kung okay lang. Gusto mo dagdagan ko pa?" Napapahiling pa ang loko pagkasabi niya.

My Fiance is a bullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon