Chapter 22
Jake's Pov"
"Balita ko napatawad ka na nila. Bakit nandito ka pa?" Seryosong sabi ni Janzen.
"Huwag mong sabihing wala kang balak umalis. Ito na ang pagkakataon mo. Hinahanap ka ng mga kaibigan mo. Gago, para akong asong may nagbabantay sa akin. Nahihirapan akong umalis dahil sa mga kaibigan mo, lalo na kay Roy. Gago, kahit galit, sa'yo 'yan malamang hindi ka niya matiis." Napatingin ako kay Janzen.
Seryoso siya. Huwag niyang sabihin hindi niya itinuturing na kaibigan ang sinuman. Ano kayang tawag niya sa mga kasama niya dito? Hindi pa ba sapat na magkaibigan sila? Masuwerte rin siya dahil matalino ang mga kaibigan niya at marunong makisama sa mga tao. Tulad ko, wala akong pakialam. Tama sila; Malakas ako dahil sa aking kapangyarihan, at kasama ko ang aking mga kaibigan na handang lumaban para sa isa't isa. "Nakikinig ka ba?"
"Oo, nakikinig ako; sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo." Tawa lang ang sinagot niya.
"I am a winner, but Reiver made a bet with me. Na hinding hindi ka hihingi ng tawad sa akin. Hanga rin ako sa kapangyarihan ng karisma ng pinsan natin sa mga babae at alam mo ba itong mukha ko. Nang dahil sa kan'ya, sana pala hindi ko na siya ipinagtanggol. Tangina, pinagtanggol ko na nga siya, ako pa ang sinapak ng loko. Iyon naman pala spy ang loko. Dahil sa masungit na dila ni Joana, nalaman niya at pinilit niya akong aminin nasaan ka, si Reiver ang nauna sa akin. Kahit gaano ko gustong makaiwas sa kaniya, iba siya. Ang galing ni Reiver, nauna pa siya sa akin makakarating. Gagi, imbestigador ba ang loko? Nalaman niya kung saan ang kuta dahil hindi siya puwedeng makita roon. Inaamin ko sa kaniya ang ginawa namin sa'yo, at pinagtawanan pa niya ako. Ang sabi pa niya, 'Never ka humingi sa amin ng tawad. May gusto mong nabugbog? 'Wag mong ibaba ang pagkatao mo.' Ngayon, huli siya. Natalo ko ang loko." Sabay pakita sa akin ni Janzen, naka-video call ang dalawa. Nakita ko ang reaksyon ni Reiver, nakakunot-noo ang loko.
"Iyon usapan na sa akin na isang motor, gago ka."
"Tangina kasi, Jake, bakit ka humingi ng sorry? Akala ko ba siga ka?" Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa kan'ya habang si Janzen ay natatawa kay Reiver.
"May mga tao talagang nakonsensya; unlike you, wala kang konsensya." Nalagpasan ni Janzen si Reiver.
"Gago, malay ko ba tinakot mo si Jake para mapasunod sa'yo. Siguro kinuntsaba mo siya."
"Hoy! Reiver, ang dami mong dahilan. Ang usapan ay usapan. Kapag hindi ka sumunod, ipapakain ito sa pating."
"Ok lang 'yan, sariwa pa si Jake." sabay tawa ni Reiver. Pagbalik ko, ipapakain ko ito sa pating.
"Kapag ako'y nakauwi, pag-uuntugin ko kayong dalawa."
"Wag mo nang pakawalan 'yan Janzen. Hindi pa rin siya tumatanda; matapang pa siya."
"Ako lang naman ang masusunod dito. Handa na sa pating."
"Pating kamo?" Seryoso kong tinignan si Jarrie. Wala itong kasama. May tournament siyang sinalihan.
"Ang ingay niyong dalawa." Napatingin ako kay Janzen. Mabilis siyang lumingon. Off his phone. Ibig sabihin pinoprotektahan ako ni Janzen laban sa kanila.
"Ang tagal mo bumalik, gago ka," sabay lapit ni Renz sa kaniya.
"Oh, bakit andito pa 'to? 'Wag niyo sabihin hindi pa kayo tapos sa kaniya. Wala naman kayong ibang sinasabi, puro na lang wala siyang kuwenta. Ang dami niyong sinabi, unli lang." Seryoso akong tinignan ni Chak kaya naalala ko siya. Siya lang ang pasaway na estudyante na tumaya sa ibang department. Nakuha ko minsan ang mga phone nila. Pero palagi, umuulit din siya. Sabi niya, mas mabuti daw na linisin niya ang buong campus; easy-going siya kasi laging may tumulong sa kan'ya. Si Chak ay kilala sa larangan ng paligsahan. Idol din siya ng kapatid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/294353363-288-k390044.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...