Chapter 54
Jake's Pov
"Ayaw mo talagang lumabas ng kuwarto buong araw. Ano bang pinagkakaabalahan mo? Buong araw kang naka-laptop." Tuwing papasok ako, nagtataka ako kay Chie na lagi niyang isinasara ang laptop. Madalas siyang ganyan. Kapag nagising ako sa kalagitnaan ng gabi, madalas kong nakikita si Chie na may hawak na telepono; maya-maya magrereply siya tapos kukunin ‘yong laptop; Hindi ko siya matanong. Alam kong hindi niya ako sasagutin ng maayos. Abala si Chie sa ibang bagay na hindi ko alam. Noong isang araw, nag-aalala si Roy na patuloy na nakangiti si Erika sa telepono nang mag-isa sa hatinggabi. Minsan daw ay busy siya sa laptop at hindi naman office hours. Baka may kinalaman ang dalawa; kung ganoon, kailangan ko itong malaman. Kakausapin ko si Roy; pareho silang may iba't ibang agenda, at kailangan kong malaman ang tungkol dito. Baka mamaya mapahamak sila. Sa ngayon, sasakyan ko muna ang trip ni Chie. Mamaya ko na kakausapin si Roy dahil magkikita rin naman kami.
"Ano ‘yan, Chie?"
"Hindi ka ba marunong kumatok," sabi ni Chie na nakakunot ang noo. Bakit kailangan kong kumatok last time I Check pamamahay ko ito? ‘Yon sana ang isasagot ko kay Chie. Nakasimangot ang mukha.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo? Buong araw mong hawak ang CP mo at ang laptop."
"Download ko lang ‘yong favorite movie ko. Eh! Mabagal kasi ang loading." Talagang sinisi pa ang loading.
"Hoy! Naku, Chie, tigilan mo nga ako sa palusot mo."
"Hindi, huwag kang maniwala sa akin." Nanahimik na lang ako. Mahirap makipagtalo sa isang buntis; baka ma-stress pa ako.
"Tara kain muna tayo, hapon na!"
"Mauna ka na, maya-maya pa ay tapos na ako." Nakatutok siya sa laptop, hindi man lang makatingin sa akin.
"Naku siya. May pupuntahan lang ako!"
"Ok!" sabi niya lang sa'kin. Hindi man lang tanungin kung saan ako pupunta. aalis na ako; Kailangan kong makausap ng maigi si Roy. Tinawag ko siya, pero ang loko hindi siya sumasagot. Ilang beses na akong nag-dial. Nag-iwan lang ako ng messages sa kan'ya. Maghihintay ako sa maliit na bahay kung saan kami magkakaibigan. Dito namin dinadala ang mabibigat na problema na madalas naming pinupuntahan bilang magkakaibigan. Sumandal ako sa isang puno sa tabi ng aming kubo. Nakatulog ako sa hangin na para kang dinuduyan. Nang may tumapik sa akin. Napansin kong seryoso ang mukha ni Roy. Naka-shorts pa ang tanga at sando lang.
"Ano ba yang text mo sa akin. Naguguluhan ako sa text mo.
"Naguluhan ka, nagtext lang ako ASAP! Ano bang pinagsasabi mo?”
“Ano nga! Ako pa talaga ang ginulo mo. Nababaliw na ako sa inyong lahat.
Sa bahay, halos hindi ko makausap si Erika na walang tigil sa phone at laptop. Maraming dahilan. Mas lalo ka ngayon."
"Hindi lang ikaw ang may problema. Dahil katulad din sa akin ang problema. Kaya kita tinawagan. Posibleng may ginagawa sina Chie at Erika na hindi natin alam."
"Wait, you mean Chie? Hawak ba naman niya ang phone at CP niya buong araw at minsan nakangiti pa."
"Oo, kaya nag-aalala ako sa kanila. Kailangan nating bantayan ang mga mahal natin sa buhay."
"Hindi na kailangan. May tiwala ako sa kanila. Ikaw ba, Jake, wala ka bang tiwala kay Chie. Hayaan mo silang mapagod sa binabalak nila at sasabihin din nila sa atin, pustahan tayo?"
"Hindi ka natatakot sa ginagawa ni Erika."
"Natatakot ako, pero kilala ko si Erika. Hindi niya sisirahin ang pinagsamahan namin."
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...