Chapter 19
Jake’s Pov
Hindi ako nag-aksaya ng oras. Hinanap ko si Chie kung saan-saan, kahit na walang alam ang mga magulang niya.
Hindi ko na nagawang tanungin pa si Roy dahil galit pa rin siya sa akin matapos niyang malaman na hindi ko tinulungan ang best friend niya. Hinampas ko ang manibela.
"Hahanapin natin siya. Don't worry." Tingnan ko na lang si Reiver. Limang araw ko nang hindi mahanap si Chie; ngayon may dumagdag pa sa iisipin ko. Tangina magtutuos kami, at hindi ako papayag na hindi ako makaganti.
"Jake, alam kong ang nasa isip mo." Tumingin ako kay Reiver; Narinig ko ang boses niya.
"Siguro hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari bukas. Gusto ko talagang manapak Reiver. Gusto kong gumanti."
"Naiintindihan ko ang pinagdaanan niyo ni Roy, pero Jake. Hindi matatapos ang gulong ito kung paghihiganti lang at dahil dito may mga taong nadamay."
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Syempre nanahimik ako, pero sila ang unang nanggugulo; ngayon sabihin mo sa akin na dapat tumahimik ako."
"Oo, katulad ng ginawa mo kay Chie, 'di ba? Wala kang pakialam noon, 'di ba? Ano ang ikinagalit mo at iniwan ka ni Chie? O nalaman mo ang totoo kung bakit ka iniwan ni Chie? Dahil sa totoo lang, kahit magkita kayo ni Chie, for sure hindi siya sasama sa'yo and he hates you?" sigaw nito sa akin. Nanahimik ako. Hindi ako makapagsalita. Pinagtawanan pa ako ng baliw kong pinsan.
"Labas!" sigaw ko sa kan’ya.
"Teka. Nasa gitna tayo ng kalsada! Wala pang dumadaan."
"Wala akong pakialam. Lumabas ka!" sigaw ko ulit sa kan’ya.
"Ok, fine. ‘Wag kang lalapit sa akin, tanga." Hindi ko na lang siya pinansin. Pagkaalis niya ay dumiretso na ako sa bahay. Pagod ako at bumaba na parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Naglakad ako palapit sa sala. Umupo ako at hinaplos ang noo ko. Nasusuka ako. Gusto kong pumikit, pero sinisi ko ang sarili ko sa araw-araw na pinagdaanan ni Chie.
"Malalagpasan mo din ‘yan anak." Nagulat ako at tumayo. Hindi ko inaasahan na nandito ang mga magulang ko. Nandito silang lahat, pati si kuya, kasama sina Manong at Manang. Nandito sila kung kailan iniwan ako ng mahal ko. Gusto kong umiyak; Nagpipigil lang ako. Hindi pa ako kinakausap ng mga magulang ko ng ganito. Si Manang at Manong lang ang masasandalan ko, at minsan din si Kuya, pero hindi ko sinasabi sa kan'ya ang lahat. Alam ko ito: pagdating sa buhay pag-ibig, hindi susuko ang kapatid ko, parang babae ang makapagbigay ng payo ang loko. Makikisimpatiya ako sa kalokohan niya. Oo, naging tanga din ako minsan, pero hindi nararamdaman ng mga magulang ko na dapat nila akong alalahanin, pero ngayon wow! Alam nila ang pinagdaanan namin ni Chie; seryoso ba sila? Hindi kataka-taka na gusto nilang magkatuluyan kami ni Chie, na minsan ay hinarang ko aking mga magulang, ngunit ngayon ay kinakain na ako ng lahat ng sinabi ko sa kanila. Ngayon para akong basang sisiw na iniwan ng inahin.
"Ganyan ka ba kaduwag? Umupo ka na lang." Uminit ang ulo ko kay kuya sa sinabi niya na kung wala dito magulang namin ay tatamaan ko na ang isang ito, pero hindi ko magawa dahil kapatid ko siya. Kahit ganoon, never pa kaming nag-away o nagtaas ng kamay.
"Oh siya, kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni Mommy. Nagtataka ako kung bakit sila nandito.
“Manang, ipaghanda mo na ang bunso ko, mukhang naghihingalo na,” seryosong sabi ni Daddy. Naguguluhan ako sa mga kinikilos nila. Wala silang masabi sa akin. Hindi ba sila magagalit?
“Sige na, ‘wag ka na magdrama diyan. Mahahanap mo pa siya." Napatingin ako kay daddy
"Alam mo?" Sabi ko sa kanila. Wala akong naririnig sa kanila; ang tanging ginawa lang nila ay ang tumalikod sa akin. Sinundan ko sila. Marami silang binili. Lahat ng ito ang mga paborito ko simula noon, tanging spaghetti at fried chicken lang ang nagpapasaya sa akin kapag nag-iisip ako ng mga bagay-bagay ay bigla akong natakam. Agad akong lumamon para makalimutan sila. Nang mabusog na ako, tumingin ako sa kanila. Ibinaba ko ang fried chicken ko. Ngayon lang kasi nabuo ang kami sa hapag-kainan, kung kailan may mabigat pa akong problema. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Hindi ko alam kung concern talaga sila o dahil lahat ng pinapakita nila ay may kinalaman kay Chie.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
रोमांसNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...