Chapter 31
Chie's Pov"Ang aga natin!" Sinalubong ako ni bakla. Nagpakembot pa ang loko, nakangiti habang nakaharap sa akin. Isa lang ang nagpapasaya sa bruhang ito—kapag may nakikitang cute.
"Alam mo, narinig ko kasi may guwapong lalaki dito sa resort."
"Ang daming guwapo! Ang guwapo mo." Tinawanan ko siya, sinamangutan niya lang ako. Dahil akala niya nagsisinungaling ako sa kan'ya. Totoo naman kasi ang guwapo niya, at crush ko din siya. Kung papansinin mo ang buong pagkatao niya, hindi siya bakla.
Paano pa kaya, sa pananamit pa lang
ang guwapo niya lalo na kapag naka formal attire. Malalaman mo talaga na isa siyang model. Hindi ko alam kung bakit siya bakla; lagi niyang sinasabi na bakla siya, pero masaya ako sa kan'ya. Siya ‘yong taong nandiyan para sa akin sa lahat ng oras.
"Sinisira mo talaga ang araw ko. Oh siya, pasok na tayo sa trabaho. Lalabas ako sa kabilang building ako." Natatawa na lang ako kay bakla habang naglalakad. Ako naman, kinabahan ako for the first time ginawa ko ito sa isang VIP na na-assign sa akin. Dahil ayoko talagang mapagalitan, pumasok ako sa oras para hindi ako mapagalitan ng boss namin.
Naglakad ako palapit sa assigned room ko. Mapatapat ako. Kumatok ako ng tatlong beses, pero wala pa ring sumasagot. Kumatok ulit ako, pero wala pa ring sumasagot. Kailangan ko kasi maglinis ng kuwarto kung sino man ang nakasstay dito siguro naman hindi siya magagalit. Kumuha ako ng extra key at binuksan ito. Pumasok na ako at naglakad papunta sa kuwartong aayusin ko muna. Kaya naman walang sumagot; walang tao sa loob. Inayos ko na ang kuwarto. Kapag maayos na ang lahat. Ang huling nilinis ko ay ang C.R., kung saan kami palaging nagche-check; ayaw naming may magreklamo sa baho ng resort. Humakbang ako palapit sa C.R. Binuksan ko ito, at napatigil ako ng isang lalaking nakatalikod, naka-brief. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumalikod ako. Napahawak pa ako sa mukha ko nang makarinig ako ng malakas na tawa. Unti-unti kong nararamdaman ang pamilyar niyang boses. Nang tanggalin ko ang kamay ko sa mukha ko, nagulat ako sa nakita ko. Halos dalawang taon akong walang paramdam para sa kanila. Sinubukan kong baguhin ang sarili ko at mabuhay ng walang nagdidikta sa akin. Kumunot ang noo ko at tumalikod ulit sa kan'ya.
"Puwede bang magbihis?" mahinang sabi ko sa kan’ya. Tinawanan niya lang ako, at naramdaman kong niyakap niya ako. Hindi ako makagalaw sa gulat.
"Ngayon pa ba ako magtatakip. Nakita mo na 'to minsan." Muli siyang tumawa. Nung binanggit niya kanina, Biglang bumalik ‘yong sakit na naidulot niya sa'kin. Dahil sa kan'ya. Nawalan ako ng anak. Mabilis ko siyang binitawan. Nagalit ako sa harap niya; Pinaramdam ko sa kan'ya na hindi ako masaya na nagkita kaming dalawa. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang saktan, pero hindi ko magawa dahil ako lang ang nagmamahal sa kan'ya, pero iniisip ko kung anong ginagawa niya dito.
"Chie, matagal na kitang hinahanap. Dalawang taon na kitang hinahanap, Chie. Dito ka lang makikita." Kumunot ang noo ko. Hinahanap daw niya ako. Sino ang niloloko niya? Hinahanap ba niya ako dahil wala siyang utusan? Bigla akong natawa. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako dito na-assign dahil siya na mismo ang nagsabi sa may-ari na ako ang magiging maid niya sa kuwarto niya.
"Chie, simulan na natin." umatras ako. Ayokong lumapit sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito? Kung manggugulo ka, huwag ka dito. Jake, nakikiusap ako; tahimik ang buhay ko. Masaya ako; wala ka dito."
"Masaya ka ba! Paano ‘yong mga taong nagmamahal sa'yo? Hindi mo ba sila mahal?" Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Jake.
"Chie, nandito ako para sunduin ka."
"Nagsasayang ka lang ng oras. Hindi ako sasama sa’yo."
"Hindi mo ba iniisip ang pamilya mo?" Hindi na lang ako nagsasalita; hindi matatapos kung makipag usap ako kaniya. May gagawin pa ako maliban sa ayusin ang kuwarto ng lokong ito.
"I'm sorry sir, kailangan kong maglinis ng C.R. Mo. Kung maari umalis ka dinadaanan mo," mahinang sabi ko sa kan'ya. Umalis nga siya. Pumunta ako sa C.R. Naglinis ako. Nang matapos ako ay lumabas na ako. Hindi ko nakita si Jake na parang umalis na ang loko. Bago ako umalis ay inayos ko ulit ang higaan niya. Umalis ako at ni-lock ang kuwarto. Pasulong na sana ako nang nauntog ako sa dibdib ni Jake sa gulat. Kahit papaano, nagulat ako kasi napagkamalan ko siyang multo dahil bigla siyang sumulpot sa likod ko. Hinarap ko siya ng nakakunot ang noo. Akala ko pa naman umalis na siya sa sala. Napatingin ako sa mesa kung saan nakahanda ang pagkain. Dalawang tao ang kakain. Ibig sabihin, may kasama siya, o si Joana ang kasama niya hanggang ngayon, o baka nagkatuluyan sila.
"Tara kain na tayo." hinila niya ako.
"Anong tayo! May work pa ako.
May gagawin pa ako. Sisirain mo ako." Napalingon ako ng marinig ko ang seryoso niyang boses.
"Kumain ka na o ako na mismo ang magsasabi sa boss mo, mapapalayas ka dito." Nakasimangot akong humarap sa kan'ya. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay utusan niya ako. Kailangan siyang sinusunod at parang batas siya sa grupo."
"Report it," mataray na sabi ko sa kan’ya. Hindi na ako dati utusan o ibibully; akala mo pag-aari niya na kailangan sundin siya. Ngayon, iba na kami. Hindi niya ako hawak at ako ang gumagawa ng mga desisyon para sa sarili ko hindi ko siya kailangan, nawala lahat ng hindi niya ako tinulungan dahil sa kan'ya sana kasama ko ang anak.
"Seryoso ako." Kinuha niya ang phone niya. I hear the calling, I have to follow him. Nangako ako kay bakla na susuportahan ko siya sa business na binigay ng parents niya, which is the Paraiso Resort Hotel Restaurant.
"Fine." Tinalikuran ko siya nginitian niya lang ako. Ang dami niyang inorder; mauubos ba namin ito? Kumain na lang ako, hindi nagsasalita
" Kumusta ka na.” Tumahimik na lang ako. Nakakainis siya; siya naman may kasalanan. Niyaya niya akong kumain kahit ayaw ko.
"Gusto mo bang umorder? " Nakaangat ako sa kaniya. Hindi pa nga namin nauubos. Ayoko siyang kausapin; Hindi ko
sinasagot sa bawat taon niya. Sinubukan kong kumuha ng juice sa tabi niya nang bigla siyang tumayo at nilagyan ako ng juice ‘yong baso ko.
Nagulat ako at nabitawan ko ang baso. Buti na lang, sa kinainan ko lang ito bumagsak. Napatayo ako at napatitig sa kanila habang ang dalawa ay tawang-tawa. Ibig sabihin, magkasama silang tatlo.
" Kumusta, Chie,” sabay lapit ni Kuya Jaydee.
"Ok lang kuya Jaydee." Tumawa ulit si Kuya Jaydee.
"So! Ok na kayo ni Jake." Humarap ako kay Jake, nakakunot ang noo ko at humarap sa kan'ya.
"No! Wala akong balak makipag-ayos sa kan'ya. Hindi pa rin nagbabago siya Kuya Jaydee, inuutusan at binu-bully pa rin niya ako."
"Tangina, ginawa mo iyon, Jake," sabi ni Reiver.
Natawa ako sa naisip. Oras na para makatakas sa kan'ya. Unti-unti akong umalis hanggang sa nakalabas na ako. Huminga ako ng malalim, kakain ko pa lang, pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko. Gusto kong mapag-isa.
Nagpaalam ako kay Bakla at sinabi kong gusto kong mapag-isa. Ang bruha, hindi nagdalawang isip at pinayagan niya ako. Gusto ko ng sariwang hangin at mga bulaklak nakasandal ako sa katabi ng bahay na tinutuluyan namin ni Bakla kapag bored, dito siya tumatambay, pero paraiso ang bahay niya, may sariling kuwarto ang bruha. Sa muli naming pagkikita ni Jake, nagulo na naman ang buhay ko ako.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomansaNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...