Chapter 58
Jake's Pov
“Handa ka na ba?" Tumingin lang ako kay Raygie. Ito ang gusto kong gawin sa lahat ng kasalanan ko kay Chie para malinawan siya sa lahat ng malalapit sa kan'ya.
"Kaya ko ba?" mahinang sabi ko kay Raygie. Humingi lang ako ng tulong kay Raygie, at siya lang ang nakakaalam ng pinagdaanan ko.
"Kung hindi mo susubukan. Ito na ang tamang panahon, Jake. Sa tamang panahon, lagi kong sinasabi sa'yo. Magpasalamat ka na lang na may tumanggap kay Chie, na walang kinalaman sa iyo. Alam kong minsang nasabi ko sa sarili ko, sana hindi kayo nagtagpo." Kumunot ang noo ko na tumingin kay Raygie; seryoso ang sinabi niya.
"Siraulo ka," sabi ko na lang sa kan'ya.
"Kahit magalit ka sira ulo ka. Aminin natin, naging masaya si Chie na wala ka, di ba?" Napaisip ako sa sinabi ni Raygie. "Pero sa kabila ng lahat. Tadhana ang naglapit sa inyo. Sana maging maayos. Magsimula sa mga taong mahalaga sa kan'ya.
"Oo! Alam mo naman ang dahilan diba! Alam mo naman kung bakit ko ginawa ‘yon. For Chie's sake. Ginawa ko lang hindi sila karapat-dapat sa pagkakaibigan ni Chie. Ginawa ko rin ang tama para hindi masaktan si Chie. Ang mali ko. Protektahan siya. May motibo sila kay Chie."
"Alam ko ang ginawa mo Jake, pero naapektuhan si Chie na pressure si Chie hanggang sa paglaki niya, hindi siya nakipag kaibigan kasi feeling niya iiwan rin siya sa huli. Kahit sinong tao makakausap sa kaniya, Jake. Kahit naman sino mapapaisip Jake na bigla kang iiwan ng walang dahilan "
"Nagkamali ako sa part na lihim ko sa kan'ya.
"Meron pa! Itama ang mga mali. Kaya ikaw, galingan mo ang pag-arte dahil gagawin namin ang parte namin. Tara na! Andun na daw silang lahat.
"Lahat! Ibig sabihin pati si Roy kasama nila?"
"Oo may problema ba kay Roy?"
"Paano kung maghinala ang gago?" Tinawanan lang ako ni Raygie.
"Wag mong sabihing nadadaga ka kay Roy." Tumango ako sa sinabi ni Raygie.
“Sabagay nakakatakot pa naman gumanti. Nakita namin kung paano siya nakikipaglaro kay Joana at sa mga kaibigan. Handa siyang gawin ang lahat pagdating kay Chie."
"Tangina, naramdaman ko ang sakit sa tuwing hinahampas niya ako." Nagtawanan lang kami ni Raygie.
"Tara na." Hinila lang ako ni Raygie.
Nakain ng loko, siya pa talaga ang nag-drive at hindi man lang nagreklamo. Pasipol-sipol pa siya habang nagda-drive habang iniisip ko kung paano ko makukumbinsi si Chie, lalo na't iiwan namin si Baby Jachi sa mga kaibigan ko pag-aalaga ng baby ko muntik na akong mahulog pero buti na lang nakahawak ako. Tinawanan lang ako ni Raygie.
"Marunong ka ba talaga?" sabi ko sa kanya. Biglang nagpreno ang loko. Tawa lang ang sagot sa akin. Bumaba ang loko. Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanya.
"Oh! Bakit ka pa nakaupo diyan? 'Wag mong sabihing aatras ka. Naka-set na ang lahat, at naghihintay na sila.' Wag mo silang biguin."
"Hindi! Ngayon pa ba?"
"Bakit hindi ka pa bumababa diyan?" Lumingon ako sa labas. Napakamot ako sa ulo ko. Ang dami kong iniisip kaya hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Bumaba na ako. Sinundan ko lang siya.
"Laban lang Jake." Binatukan ko lang si Raygie. Kulang na lang manahimik. Kinakabahan talaga ako. Paano ko sisimulan 'to? Narinig kong umiiyak si Baby Jachi. Nagkatinginan kami ni Raygie.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...