Chapter 13

25 7 0
                                    

Chapter 13   

    

Chie's  Pov

“Chie ano? Ang bagal mo, saglit mo lang kukunin ang mga gamit ko." Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Kanina lang ang natahimik nang dumating si Janzen at bigla akong sinigawan. Nagulat ako sa ginawa niya. Para wala nang gulo, kinuha ko na lang ang gamit niya. Sa pagmamadali ko, ang gamit ko ay naiwan ko sa kuwarto niya."

"Chie, tatayo ka na lang?" Sigaw niya sa akin, "Ano ba ang---" Pagtingin ko kay Jake na busy sa pagkain tahimik ang lalaki." 

“Ano na naman ba palusot mo ah?"

"Walang nagliligpit ng pinagkainan natin, wala si manang," sabi ko sa kanya. Wala si Manang at sinama ni Jay Dee sa Cebu dahil sa utos ng magulang ni Jake. Dahil umalis ang katiwala nila sa Cebu, ngayon si manang ang nagsisilbi sa kanila ni manong kasama si Kuya Jay Dee, bodyguard daw niya ngayon. Tuwang-tuwa ang loko nang malaman niya dahil walang bibisita sa kanya kahit 2 o 3 araw siyang hindi umuwi kasama ang mga kaibigan niya, pero ngayon. Nagulat ako na araw-araw siyang nandito at hindi kasama ang kaibigan niya.

“At ikaw, puwede ka bang umalis? Mag-empake ka na ng gamit mo dahil nakausap ko ang kapatid ko, at pumayag siyang doon ka na tumira sa bahay niya." 

"Kung ayaw kong umalis! May magagawa ka ba? Baka halos sigawan mo si Chie na parang hindi tao. I'm not stupid, and I won't leave her with you," sigaw ni Janzen sa kan'ya. 

“Ayaw kong makita ang pagmumukha mo. 'Wag mong sagarin ang pasensiya ko. Pag-uwi ko, wala ka na. Isa pa, wala kang katulong, ligpitin mo iyang kalat mo." Sabay hila ni Jake sa'kin.

"Teka! " mahinang sabi ko.

"Ano?"

“Ka-------." Nagulat ako sa sigaw niya. 

"Ang dami mong palusot."

"Kasi ano! Naiwan ko ‘yong gamit ko sa kuwarto mo." Paulit-ulit kong sabi sa kan'ya. 

"Ang tanga mo." Tumalikod na siya. Mabilis akong tumakbo sa taas hanggang sa makarating ako sa kuwarto ni Jake. Nang makita ko ang gamit ko ay agad ko itong pinulot at nagmamadaling lumabas. Napatigil ako napatingin kay Jake. Minsan kinakausap ko siya kahit may takot ako sa kan'ya. 

"Sorry sa ugali ni Jake." 

“Ikaw ang mag-iingat sa ugali ng pinsan ko. Bakit hindi ka umalis? Bakit mo pagtiyagaan ang pinsan ko? Iisipin ko na may gusto ka sa pinsan ko dahil kung  oo hindi ka magpapa-alipin sa pinsan ko." Minsan naiisip ko rin 'to. Gusto ko ba si Jake? Hindi ko alam ang tamang sagot at sabihin kay Janzen ang totoo sa kaniya, kahit naguguluhan pa ako, “You don’t have to answer my question. Aalis ako, hindi dahil sa takot ako sa pinsan ko. Aalis ako kasi gusto ko manahimik siya, pero Chie, ikaw ang iniisip ko. You can come with me." Sabay hawak ni Janzen sa kamay ko. Hindi ako nakasagot dahil naguguluhan ako. 

"Tangina, ano ba?" Napabitaw ako kay Janzen na tumingin sa kan'ya. Lumayo ako kay Janzen, sabay hila kay Jake. Ayaw kong magpang-abot silang dalawa. Wala namang ginagawa sa kanya ang taong pinag-iinitan niya. Kahit nga ako, hindi ko alam ang trip niya. Nang makarating na kami sa kotse niya, napabitaw ako sa kanya.

"Ang dami mong excuses. Gusto mo ba ang pinsan ko?" Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagsasabi niya. Problema nito sa buhay, daig pa ang nireregla."

"Oh!" ‘Yon na lang ang nasabi ko. 

"Paulit-ulit." Sabay tulak niya sa akin. Ang bait talaga. Sumakay lang ako sa tabi niya hanggang sa makarating kami. Nakatingin lang ako kay Jake ng seryoso habang pababa siya ng kotse niya. Nanatili lang ako sa loob.

My Fiance is a bullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon