Chapter 48
Jake's Pov
"Hoy! Gumising ka na diyan. Paano ka nakapasok sa kuwarto ko tapos nakayakap ka pa sa akin? Tsaka pagkatanda na ako. Natutulog lang ako habang bumabyahe, tapos nandito ako sa kama ko. Anong ginawa ko naglalakad ako habang natutulog." Nagising ako kay Chie sa walang sawang pagtatalak.
"Chie, inaantok pa ako. Matulog ka muna."
"Inaantok ka, bumangon ka na at umuwi ka na. Naiirita ako kapag nakikita ko ‘yang mukha mo. Para kang ano--."
"Ano?" ulit ko sabi niya.
"Hindi, kamukha mo ang paborito kong artista." Natawa naman ako sa sinabi ni Chie. Alam ko kung sino ang paborito niya. Kaya naman lagi niyang inaabangan ang maglove team. Madalas ko siyang masulyapan sa kuwarto niya, at madalas kong nakikita ang kilig sa mga mata niya. Hindi na ako nagtataka kung sino ang tinutukoy niya. Paanong parang bingi si Chie? Ang lakas ng volume niya sa tuwing nanonood siya ng movie. Kung sa listahan ay number one fan siya ng Kathniel, idol pa rin sila ni Chie.
"Kaya kamukha ko ang idol mo."
“Asa ka." Natatawa na lang ako kay Chie. Medyo nawalan ako ng tulog sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong oras na.
"Bakit ang sungit mo?"
"I don't want to see your face. Inaantok pa ako." Napatingin ako kay Chie. Kaya niyang takpan ang mukha niya. Bumangon na lang ako dahil naisip ko ang kalagayan ni Chie.
"Naku, sa labas lang ako. Sana pag gising mo hindi ka magsisi na hanapin mo ang mukha kong kasing guwapo ng idol mo."
"Tsk, ang dami mong sinabi." May takip pa rin ang mukha niya. Tumayo ako at lumabas. Naglakad ako palapit sa sala nang nahagip ng mga mata ko ang orasan sa gilid na sobrang laki kaya mabilis ko itong nakita. Sinampal ko ang mukha ko ng 3:30 a.m. Dahil hindi na ako inaantok, binuksan ko ang UB. Buhay pa ang mga baliw. Hindi ko alam kung nasaan sila. Nakita ko lang sila sa bar na nag-uusap kasama si Roy. Namimiss ko na ang mga lalaking ito. Miss ko na ang bonding nila. Single pa rin sila. Si Roy kasi malapit na ikasal. Ngayong nakita na niya si Chie, nangako siya na kapag ikinasal na siya, si Chie ang magiging bridesmaid. Mukhang matutupad na ang kasal ngayong taon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Chie; hindi pa rin siya naniniwala sa akin. Pero kahit ganoon, hindi ako susuko sa kan'ya ngayong may mga anak na ako at asawa ko na siya. Hindi ko mapigilang mga komento sa kanila. Siguro sinundan talaga nila ako. Hindi ko sila masisisi; iisa lang ang goal namin na magtulungan, at sa bawat laban ay sabay naming haharapin, kaya nung nabalitaan nila sa kabilang kampo ang plano ay agad silang pumunta para tulungan kami ni Chie, pero wala naman silang nagawa dahil huli na! Si Chie na naman ang target nila dahil sa akin. Sa huling pagkakataon. Muntik na namang mapahamak si Chie. Pero gustuhin ko mang makulong silang lahat, isang salita lang ni Chie ang nagbago ng lahat.
"Hoy! Anong oras na? Baka gusto mo nang umuwi." ang komento ko sa live page ng Ultimate Barkada Series group page. Hindi ko alam kung sino ang salarin na nag-live; Si Reiver lang ang kilala ko; siya lang ang tanga sa grupo.
“Tangina, nabuhay ang loko! Ano, nakascore na ba?" Siguradong si Paul iyon. Napansin ‘yong comment ko.
"Hoy! Anong score ang sinasabi mo? Tigilan mo nga ako! Pareho lang kayo ng kaibigan mo. Diba sabi mo inaantok ka na? Bakit gising ka pa? At nagbukas ka talaga ng UB!" Tumingala ako. Huwag niyang sabihing gising din siya. Lumabas ako dahil inaantok pa daw siya, kaya pumayag ako dahil bawal magpuyat ang mga buntis. Ewan ko; Madalas kong marinig sa kanila. Tsaka ‘wag mastress, lalo na galitin ang buntis. Sa aming dalawa, siya ang mahirap pakisamahan. Sa aming dalawa, siya ang mahirap pakisamahan. Hindi ko alam ang takbo ng utak ni Chie—minsan nasa good mood, minsan naman bad mood, at madalas pa akong nilalait. Katulad ngayon, naiirita raw siya tuwing nakikita niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Chie. Paiba-iba kasi ang mood niya—sala sa lamig, sala sa init. Pero kahit ganoon, tinitiis ko ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...