Chapter 25
Jake's Pov
“Sakit sa ulo." Napatingin na lang ako kay Reiver na ngayon ay gising na. Gago tanghali na, ngayon lang nagising ang loko, palibhasa'y hawak niya lagi ang oras." Nagkatinginan kami ni Rom na ngayon ay hawak ang cp niya. Nayaya lang ni Chak at Kel, aba! Bumigay ang loko at naging close pa sila dahil lang sa UG online na ito.
“Pausog nga." Sabay upo ni Reiver.
Muntik nang mahulog si Rom. Sa inis niya, sinapak niya si Reiver. Tangina kasi, ‘wag lang masira ang pinakamamahal niyang CP, talagang tatamaan kayo kay Rom. Tahimik ang loko, pero kapag sinagad mo, hala! Mamasamahan ka sa kaniya.
“Problema mo ba?" Tangina nagkukunwari pa ang loko.
Inis na tinalikuran ni Rom si Reiver. Nakikita kong wala sa mood si Rom na makipag-daldalan sa kan'ya; mas gusto niyang makipagdaldalan sa mga kaaway niya.
"Umalis na ang loko. Ito ay isang problema para sa akin. Ang sakit lang nung sinuntok niya ako. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali ni Rom. Ganoin ba talaga mga tahimik si Rom?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya, o sadyang ayaw niyang pansinin ang paligid. Lahat ng gusto niya ay masunod lang si Reiver kaya hindi na ako nagulat. kung isang araw gumawa ng kalokohan ang isang 'to.
"Kumain ka na lang?"
"Tapos na." Tinawanan niya lang ako. Wala akong mapapala sa pinsan ko. Hindi ko alam kung bakit napapalibutan ako ng mga pasaway na pinsan.
"Hoy! Tignan mo, ang tanga mo." Sabay lapit sa amin ni Janzen. Speaking of pinsan, mukhang kailangan ko nang umalis at tumira sa kanila.
"Bakit." kunwaring sagot ni Reiver sa kan'ya.
Bilib din ako sa isang ito—best actor pagdating sa kalokohan. 'Wag niyang sabihing nakalimutan niya ang ginawa niya kagabi kay Janzen. Tangina, nagagawa ng lasing. Buti na lang kay Janzen niya ginawa, hindi sa ibang kaibigan ni Janzen. Naku, kung sa iba iyon, maganda niyang mukha ay punong-puno na ng pasa. Napatingin ako sa kanila, nagtatalo pa rin sila.
“Exit na ako," sabi ko habang hindi pa ako nakikita ng mga kaibigan ni Janzen.
Mabilis akong naglakad para umiwas sa kanila. Tangina, walang katapusan ang pangungulit kapag kasama ko sila.
Nang mapalayo na ako sa kanila, napatingin ako sa dagat. Ngayon, naramdaman kong nagtatampisaw na ako sa tubig. Sa tuwing nakatingin ako sa dagat, hindi ko maiwasang naging emosyonal dahil hindi ko maiwasang ikumpara si Chie sa dagat. Para kasi siyang alon na inabot ang isang bagay, pero dahil sa akin, ang hirap niyang abutin.
Isa ako sa mga nagpahirap kay Chie. Isa ako sa mga sumira sa mga pangarap niya. Araw-araw nami-miss ko si Chie at dinudurog ang puso ko. Masaya ba siya? Hindi ba siya naghihirap kung nasaan man siya ngayon? Araw-araw, naririnig ko sa pamilya niya. Araw-araw akong humihingi ng tawad sa kanila. Hindi man lang nila sasabihin sa akin kung ano talaga ang nararamdaman nila. Ramdam ko masyado nang nag-aalala sila para kay Chie pero bakit ang hirap abutin ngayon ni Chie. Mahirap bang bigyan ng pangalawang pagkakataon? Mahirap ba? Hindi ko namalayan dahil sa sobrang pag-iisip ko ay nakarating ako sa kabilang isla. Nakarating ako ng hindi ko namalayan, buti na lang mabait ang may-ari. Nakita lang nila ako. Babalik ako sa lugar namin kung saan kabilang si Reiver, ito ang Reiver Resort na pinatayo ng magulang ni Reiver para kay Reiver.
"I'm sorry," sabi ko sa kanila.
Nginitian lang ako ng dalawang nakahuli sa akin.
"Tingin ko sir, malalim ang problema," sabi ng naka-blue tshirt.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...