Chapter 56
Jake's Pov
"Sissy." Nawala ang kaba ko sa sigaw ni Kenneth. Napatingin ako kay Kenneth, at sa parent."
"Kanina pa ako pabalik-balik sa labas, ayaw nila akong papasukin. Narinig ko ang bawat sigaw ni Chie.”
"Kenneth, boses mo?" mahinang sabi ni Kier sa kan'ya.
"Nag-aalala kasi ako sa Sissy ko. . I missed her so much that I didn't even talk to her."
"Sabi mo manganganak ang best friend," naiiritang sabi ni Roy sa kan’ya.
"Tsk! Ikaw lalaki panira ka ng mood." Napatingin na lang ako sa palitan nila. Hanggang sa may narinig akong umiiyak na si baby.
"Yeah! Nanganak na ang kapatid ko." Nagulat ako ng niyakap ako ni Kenneth. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na maramdaman iyon; nanginginig din ang mga tuhod niya. Nag-alala din si Kenneth ng sobra sa best friend niya..
"Hoy! Sorry," sabi ni Kenneth sabay bitaw sa akin.
"Ano kaya baby ni Sissy, sana girl?
Babae sana ‘yon para may kakampi at kasama si Sissy para hindi mag-isa si sissy. Hindi ko naman siya laging kasama para bantayan, at least kung babae, sigurado akong may makakasama at magmamahal sa kapatid ko." Napatingin ako sa mga kasama ko. Napanganga ako sa sinabi ni Kenneth. Kahit hindi niya sabihin. Alam kong pinaririnig niya ako.
"Sang-ayon ako kay Kenneth," mahinang sabi ni Erika.
"Maghintay na lang tayo, hindi iyon nangunguna na kayo," sabi ni Kier hanggang sa napalingon kaming lahat at may lumabas kung nasaan si Chie at sabay-sabay silang lumabas. Agad akong lumapit kay Doc. Isang ngiti lang ang sagot niya sa akin. Ngumiti rin ako kunwari pero sa loob ko super kinakabahan ako. Hindi ko na narinig ang boses ni Chie at ng baby ko.
“Congrats! Malusog ang baby mo. Ang cute-cute ng baby, mana sa mommy. Anyway, girl ang baby mo!' Napatalon pa si Erika at Kenneth, mukhang pinagbigyan sila. Ok lang naman sa akin kung girl o boy."
“Puwede ka nang pumasok."
"Lahat po kami doc?" sagot ni Kenneth.
"Sure, anyway, mauna na ako,” paalam ni Doc sa amin. Hinayaan ko na lang sila. Umupo na lang ako habang nag-iisip ng ipangalan sa baby ko Nang may tumapik sa akin. Pag-angat ko, seryoso ang mga magulang ni Chie na nakatingin sa akin.
“Bakit nandito ka?”
“Wala akong magawa sa kakulitan nila lalo na kay Kenneth." Tumango lang ang mga magulang ni Chie. Tumabi sila sa akin.
"Salamat! Hindi mo isinukuan ang anak ko."
"Marami akong kasalanan sa anak niyo po, tiya."
"'Hindi lang ikaw ang may kasalanan; kami ang kan'yang pamilya. Sa totoo lang, wala akong masabi sa anak ko. Sinusunod niya lahat ng sinasabi namin. Siguro bahagi ito ng pagsubok ng aking anak. Ngayong nakikita ko ang lakas ng loob niya, humanga ako sa tatag ng anak ko. Sana hindi na maulit. Sana mahalin mo siya at protektahan."
"Gagawin ko ang lahat para sa anak niyo po. Alam niyo naman na matagal ko na siyang gustong makasama, at pinangarap ko na siya ang gusto kong pakasalan. Pero nabigo ako. Sinaktan ko ang anak niyo po."
"Kuya ‘wag na nating balikan ang nakaraan. Bakit ang hilig nating balikan ang masakit na karanasan? Kailan tayo nangibabaw at naisip ng mabuti? Kaya naman napaka-unfair ng mundo; lagi nating binibilang ang bawat pagkakamali. Paano ang sa iyo? Madalas, napapansin ko lang kasi nagkakamali ka lang kapag naiisip mo na ang laki ng kasalanan. Tayo din ang problema."
BINABASA MO ANG
My Fiance is a bully
RomanceNagkakilala si Chie at Jake noong bata pa sila. Tahimik lang si Chie sa tuwing binu-bully siya ni Jake. Natatakot siyang suwayin ang bawat utos nito. Si Jake lang ang may-ari ng school kung saan nag-aaral si Chie sa Guavas University. Isang araw, na...