Chapter 39

25 8 0
                                    

Chapter 39   

  

Chie's Pov  

“Nakakagulat ka." Nakatakip  pa ako sa mukha ko habang si Jake naman seryoso ang mukha. Anong ginagawa niya sa harap ng gate ko. Paano niya nalaman ang alam ko, ngayong wala namang nakakaalam nito, at hindi ko naman sinabi sa kahit kanino? Hindi rin ito ang address na sinabi ko dahil sa kagustuhan ni Bakla na sa kanila ko ito ia-address."

"Papasukin mo ba ako o magtitigan lang muna tayo bago ako pumasok.” 

Nauna pa siya pumasok. Sinundan ko lang siya, at pasimple akong napatingin sa paligid kung may nakakita sa kanya, at mabilis kong ni-lock ang gate.

 "Ang ganda ng bahay mo." 

“Alam mo kung ano ang iyong ginagawa; sisirain mo lang ako. Kailan mo ba ako titigilan? Bakit hindi ka pa sumama sa kanila?”

"Alam mo ang sagot ko. Aalis lang ako dito kung kasama kita. Sa ating dalawa, ikaw ang matigas ang ulo. Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Sumama ka sa akin." 

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako sasama? Masaya ako dito; puwede ba lubayan muna ako?"

"Tangina Chie, paulit-ulit na lang natin 'to. Ilang beses ko bang kailangan ipaliwanag sa'yo ang lahat? Puwede bang makinig ka, kahit ngayon lang pinahihirapan mo ako eh."

“Ikaw ang makinig." Tumalikod ako sa kan’ya. Marami akong gagawin ngayon, paano ko ito tatapusin? Nandito na siya. Kailangan kong gumawa ng 60 pirasong lechon manok paraiso. Wala pa si Bakla; hindi siya nagpaparamdam ngayon araw.

Ngayon ko pa siya kailangan. Wala pa akong tulog nitong mga nakaraang araw.

“Saan ka pupunta? Hindi mo ba ako pagsilbihan?" Tinignan ko siya ng seryoso. Ngayon ko lang naalala, wala nga pala akong niluto—kahit sinaing, wala akong niluto. Sa dami ng ginawa ko, kahit kumain hindi ko nagawa.

"Ano, titigan mo na lang ba ako? Alam kong gwapo ako." 

"Jake, please, I don't have time right now. Kung gusto mong kumain, magluto ka, ngunit kung gutom ka, maaari kang umalis. Huwag ngayon. Hindi kita kayang alagaan." 

"’Wag mong sabihing hindi ka pa nagluluto. Anong kinain mo? Ang linis ng kusina mo, parang hindi mo ginalaw. Kumain ka na ba?" Hindi ako makapagsalita.

"Pinabayaan mo ang sarili mo dahil sa pangarap mo. Paano kung bumigay ang katawan mo? Hindi mo ba naisip na maraming nasasaktan sa ginawa mo?" Natawa ako sa sinabi ni Jake. Ngayon ko lang narinig na may nakaalala sa akin. Si Roy lang ang nasa isip ko. Namiss ko siya bigla. Kahit naman na malayo ako sa kan'ya, si Roy ang number one best friend ko alam ni Bakla na madalas akong pinagbibidahan si Roy sa kanya at minahal ako tunay.

"Hoy! Natulala ka na. Kumain ka na ba?" Tumalikod na lang ako sa kan'ya. 

"Ano ba, Chie, kinakausap pa kita." Paglingon ko biglang nawala si Jake. Nagulat ako sa ginawa niya. Nagwala si Jake. Parang nanghihina ako sa nangyari.  Napaluhod ako ng makita kong dumudugo ang kamay niya. Bakit kasi niya ginawa iyon? Sinuntok pa niya ang kamao niya.

"Chie," lumapit si Jake sa akin, hindi ako makagalaw. 

“Ayos ka lang." Napaangat ako sa kamay niya, na panay ang pagdurugo. 

"Jake, kamay mo," mahinang sabi ko kahit nanghihina ako.

"Don't worry about me. Okay ka lang ba?" Hindi na lang ako nagsalita. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Tumayo ako para hanapin ang mga gamit ko. Binigay ko sa kan'ya. 

My Fiance is a bullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon