Kabanata 6

60.9K 2K 1.2K
                                        

Olivia's pov

Linggo ngayon at araw ng pahinga ko pero itong si Avery, nakita ko na lang sa labas ng kwarto namin ni Chin. Naghihintay sa'kin dahil gustong magpasama para magpa gupit.

"Ano ba naman yan Ave, pwede namang sina Sacha eh.." buong linggo akong nag aral at nag trabaho tapos ngayong pahinga ko aayain naman nya akong lumabas.

Nag suot lang ako ng simpleng damit. Malaking tshirt at pants na pinarisan ko ng puting sapatos.

Yung kasama ko naman ay naka dress, gandang ganda sa suot nya. Nakatayo lang ito habang hinihintay akong matapos na mag bihis.

"Ayoko nga. Ikaw nga ang gusto ko." Nakita kong nabaling ang tingin ni Chin saming dalawa. Inirapan ko sya, ma issue.

"Lika na nga." Hinawakan ko ang kamay ni Avery. "Chin, una na kami." Pagpapaalam ko na sinagot lang ng tango ng bruha.

"May dala akong sasakyan.."

"Himala." Hatid sundo rin kasi sya ng driver nya. Masyadong strict ang parents.

"Yeps. Pinayagan na ako ni Daddy, wala ng driver." Tumawa ito bago itinaas ang susi ng kotse. "I'm too old for that na raw sabi ni Mom." Tumango naman ako, hindi ko talaga alam kung bakit ako ang gustong kasama ng babaeng ito. Hindi hamak naman na may mas pera sina Sacha at masasabayan ang trip nya sa buhay. Hindi tulad ko, gagawin lang yata ako nitong muchacha. Naku sya.

"Nga pala, sa mall muna tayo." Bored na tiningnan ko ito.

"Seryoso?" Tumango ito bago itinuon ang pansin sa kalsada. Wala akong balak bilhin at wala rin akong perang pambili kung sakali man.

"Hintayin na lang kaya kita rito sa labas." Nasa tapat kami ng isang department kung saan may nakalagay na GUCCI sa taas nito. Hindi ako tanga para hindi malaman na mamahalin ang mga tinitinda rito.

"Wag ka ngang ano jan.. let's go na." I feel out of place. Parati ko naman itong nararamdaman sa L.I.S dahil sandamakmak na mga mayayaman ron pero kasi hindi na ako nasanay.

"Pili ka ng magugustuhan mo ha.." nginiwian ko lang sya. Pili raw ako, bakit? Libre nya?

Nagpasya akong tumingin sa mga damit na naka display rito. May nakita akong isang itim na hoodie na may tatak na gucci sa gilid, sa may dibdib. Hinaplos ko ito. Ang lambot.

Bukod sa t-shirt na may kalakihan sa'kin. Ganito rin ang trip kong suotin kahit na mainit sa pilininas.

Tiningnan ko ang price, baka sakaling afford ko. Ang ganda kasi ng tela nya pero halos mabitawan ko ito ng makitang 85 thousands ang nakalagay.

Napakurap-kurap ako at muling tinitigan, baka kasi 85 lang pala, walang tatlong zero.

Pero ganon pa rin ang presyo.

Tila napapasong lumayo ako rito.

"May napili ka?" Dumating si Avery na may hawak na tatlong magagandang dress, hindi na ako magtataka kung aabutin ng ilang libo yan. Jusko.

"W-wala.." iiling iling na sabi ko. Hindi maka recover sa price ng hoodie na trip ko sana.

"Gusto mo nito?" Turo nya sa hinawakan ko kanina.

"Hindi ah, halika na. Bayaran mo na yan." Aya ko sa kanya. Umiling naman sya.

"Hindi, I saw you kanina eh. Ako na magbabayad." Kinuha naman nya ito agad, balak ko sanang pigilan kaso naiabot nya na sa sales lady na nagbabantay.

Paglabas namin ng store ay pilit nyang inaabot sa'kin ang binili.

"Ayoko nga parang gago naman to." Ang mahal mahal kaya nun, kung tutuusin budget ko na yun sa isang taon. Sana yung pera na lang ang binigay nya sa'kin.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon