Olivia POV
Hindi ko alam kung nagi-ilusyon lang ba ako o talagang pinagtitinginan nila ako?
Kung dati parang wala lang ako sa mga anak mayaman na to' ngayon naman ay kulang na lang na pati pag hakbang ko sa pathway ay titigan na nila.
Buti na lang nakita kong papasalubong sa'kin sina Ave kaya naman agad agad akong lumapit sa kanila.
Nakakapagtaka pa ngang ang tahimik ni Ave habang si Sacha at Yaena ay pangisi-ngisi. May mga saltik yata to eh.
"Ano sa pakiramdam ang maging main topic ng LIS?" Sabi ko na nga ba. Yun na agad ang una kong naisip ng pagtapak pa lang ng mga paa ko sa loob ng paaralan ay maraming mata na ang tumingin sa'kin.
Tusukin ko yang mga yan eh.
"Grabe, ganun ka na ba kaganda para bilhin at kaladkarin ng isang Dela Vega?" Kumunot ang noo ko. Anong bilhin pinag sasabi nito? Binili ba ako? Mukha bang may nakalagay na for sale sa noo ko?
"Pinagsasabi mo?" Naglalakad na kami papunta sa first class namin, katabi ko si Avery na hanggang ngayon ay ang tahimik pa rin.
"Akala nga namin iyong alumni meet ang magiging trending sa LIS group page pero bongga ka dzia, naging no.1 topic ka." Sinabayan pa ito ng tawa ni Sacha. Handa na sana akong rume-butt ng biglang ihampas sa'kin ni Avery ang bag kong naiwan ko nga pala.
Ang brutal naman nito.
Masama ang gising.
"Kung ako na lang sana ang iyong minahal~~" sabay na pagkanta ni Sacharelle at Yaena. Mga may saltik sa utak.
"Uy Ave sakit no'n ah." Though, hindi naman masyado. Malay ko bang hawak pala niya ang bag ko, hindi ko napansin. Busy ako eh, nakipag chismisan kasi agad ang dalawa sa'kin.
"Pakialam ko." Napa-ows naman sina Sacha at Yaena. Silang dalawa lang talaga ang same vibes kasi kumakain na naman si Syche na hanggang ngayon ay wala yatang balak sagutin si Sacha.
Pagpasok namin sa room ay agad akong sinalubong ni pres at maging si Faye at ang iba pa.
Reason?
Nakiki-chismis.
Kung totoo ko nga raw bang sugar mommy si Sorandelle.
Naku naman. Nang dumating nga si Ma'am Licup ay panay ang tingin sa akin, feeling ko gusto niya ring maki-chismis. Nahihiya lang siya.
Natapos ang first and second subject namin na parang lutang ako, may assignment nga kami sa G.E 2 at himalang hindi nakigaya sa akin si Avery, parati kasi itong nakiki-kopya sa'kin.
Himala rin na sobrang tahimik niya, akala mo pinutulan ng dila.
Nauna rin siyang pumunta sa cafeteria, hinintay pa namin si Syche dahil hindi namin siya ka-klase sa second subject namin.
"Anyare sa kanya?" Sa wakas nag tanong din sila. Kibit balikat ang sinagot ni Sacha, kahit ako rin walang idea kung bakit maypa silent treatment sa amin ang bruha.
Maging sa pag order at pag kain ay sobrang tahimik niya.
"Uy.." kinalabit ko ito, tiningnan lang niya ako bago tinaasan ng kilay at nagpatuloy sa pagkain.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang kulitin si Avery but she's literally giving me a cold treatment, na ang weird kasi never naman siya sa'kin naging ganito.
Sa halos apat na taon na pagiging magka-block namin at pagiging magka-klase sa lahat ng subject, Ngayon lang siya sa'kin nagtampo at sa hindi ko pa malamang dahilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/295863976-288-k387064.jpg)
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22