[FLASH BACK]
Pinag-mamasdan ng babae ang isang lalaking nakangiting nakatitig kay Olivia. Ilang araw niya na itong napapansin na parating nakatambay sa labas ng L.I.S at sinusundan ang kaklase niya.
Nangunot ang kanyang noo nang akmang lalapitan ng lalaki si Olivia pero agad niya itong hinarangan.
"Anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ng binata. Mahahalata mo agad na may dugo itong banyaga.
"Pardon?" mukhang hindi rin nakaka-intindi ng tagalog ang lalaki.
"You can't speak tagalog?" Umiling ito. Ngumisi naman siya, mukhang dugong banyaga ang stalker ng kaklase niya. "I always saw you looking at my classmate." Mariing saad niya sa kaharap.
"Classmate?"
"Yes." Tila ito nag isip.
"Are you two friends?" Napaisip naman siya, ilang buwan pa lang ng mag simula ang klase sa L.I.S at hindi pa sila nagkakaroon ng matagal na pag uusap ni Olivia. Kung hindi about sa group project at activity ay wala na.
"No, but I can befriend her."
"Really?" Tila lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ng babae.
"Yeah." She first approach Olivia's girl friends and eventually she became her friend, too.
****
"Can you give this necklace to her?" Isang buwan na simula ng maging kaibigan niya si Olivia at sobrang naging kaclose niya ang lalaking parating nakatingin sa kaibigan niya.
She rolled her eyes before getting the box.
"Ang swerte ng bruha." Bulong niya sa sarili.
Aaminin niya na nakabuo siya ng kakaunting pagtingin sa lalaki pero naiinis siya sa isiping si Olivia ang gusto nito.
"Yes, she's lucky." Gulat siyang napatingin sa kasama.
"You.."
"Nag aral ako." Hindi man tuwid ang pagsasalita nito ng tagalog ay naiintindihan naman niya.
"Wow." Manghang saad niya. This guy must be very smart.
****
"Can we stop muna, I'm tired." Maktol ng babae sa kasama.
"We might lose them." Umismid siya, kanina pa sila nag lalakad dahil sa sinusundan nito ang kaibigan niya.
"Pagod na ako."
"Alright." Umupo sa tabi niya ang lalaki. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito.
"Enzo.." mahinang usal niya sa palayaw na ibinigay sa binata.
"Hmm?"
"What if I told you that I like you.?" Hindi umimik ang lalaki. Hinawakan lang nito ang kamay ng kasama at masuyong hinalikan.
"Well, how lucky am I." kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.
"Why?"

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22