Kabanata 7

57.2K 2.3K 765
                                        

Olivia's POV

"Hoy bangon, attendance is a must daw." Naramdaman ko pa ang pag-tama ng unan sa bandang pwetan ko. Walang habas na pinaghahampas ni hudas.

"Chin ang aga aga.." gusto kong mag mura.

"Bangon na kasi, sabay tayo. I have a date. Pakikilala ko sayo." Open naman ang L.I.S ngayon dahil sa gaganaping foundation day pero tinatamad talaga ako. Bale two days celebration iyon. Ngayon araw ay more on pa contest sila. Pa pageant at kung ano ano pang kaartehan.

Wala naman akong mapapala riyan eh. Manunuod para i-cheer yung representative ng block namin? Nah—matutulog na lang ako.

Tsaka isa pa, masama ang loob ko sa mga yan. Li-limang daan na nga lang iyong pera ko pinilit pa akong mag bayad para sa contribution para sa booth namin.

Speaking of—tanginang booth yan. Kissing and hugging booth amputa.

At dahil daw sa wala akong itinulong, partner kami ni Dylan chuba-chuba sa kissing and hugging booth. Walang naitulong pwe! Bawas na bawas yung pera ko ng dahil sa kanila. Pasalamat sila sasahod na ako sa makalawa dahil kung mauubusan talaga ako ng pera sa wallet nunka'ng mangyayakap ako bukas.

Kainis.

Pupungas-pungas akong bumangon. Alas syete pa lang naman, eight a.m ang start ng ceremony. Kahit antok na antok pa ay naligo na lang ako, kumakain na kasi si chin. Sinukuan ako.

Nagsabi pa nga ng 'buti naman bumangon ka na' hindi niya alam kinaawaan ko lang siya kaya bumangon na ako.

Literal na napatili ako ng isang buhos pa lang sa katawan ko ay para na akong magye-yelo.

Wooohh!!! Shuta' ang poor ng dorm nyo L.I.S walang pa hot shower gagi---hindi na ako nag tagal sa pagligo. Feeling ko kapag nagtagal pa ako ng ilang minuto roon, hindi na ako makagagalaw. Nanginginig pa nga ako habang nagsasabon.

Naghanap ako ng pwedeng suotin.

Yung hoodie kaya?

Nah—bukas na lang iyan, para kunyare rich kid. Naka gucci makikiyakap lang naman sa mga student na bibili.

Haist. Seryoso? Burritos? Sino naman samin ang marunong gumawa noon? Bahala sila, ang role ko lang naman ay ang mang-yakap at manghalik sa cheek ng mga bibili.

Pero syempre, yung gusto lang.

Inabot ko iyong puting belt ni Chin, hindi na ako nag paalam. Kinuha ko rin ant high waisted ripped jeans ko at puting shirt na may kalakihan sakin. May naka print na crazy sa kaliwang dibdib. Ni tuck-in ko lang. Tadahhh--RTG na. Ready to go.

"Sino ba date mo?" Malay ko bang may nilalandi pala ito.

"Maya, makikilala mo." Tumawa pa na akala mo may nakakakilig na scene kaming nakikita sa hallway. Siraulo. Malapit na kami sa elevator ng kusa itong bumukas at lumabas ang queen bee ng LIS na  si Anastasia o mas kilala bilwng Sia.

Ginagawa nito rito? Sa sobrang yaman nito kahit pag apak sa class C dorm ng L.I.S ay pinandidirihan nito. Tapos andito siya? Sa floor pa talaga namin. Wews, nagkahimala yata—nyeta??

Si Chin, sinalubong ng halik sa pisnge si Anastasia? Halik? Sinalubong niya ng halik iyong matapobre'ng iyon?

Hoy gagu, magugunaw na ba ang mundo? Hala jusko—wag naman sana, hindi pa ako yumayaman.

"Hey para kang tanga riyan." Dahan dahang dumausdos ang paningin ko sa kamay ni Sia na nakakapit sa bewang ng kaibigan ko. Pinaningkitan ko sila ng mga mata.

Tumawa lang si Chin sa naging reaction ko habang iyong isa ay inirapan ako—kita mo na. Masama ang ugali ng bruha.

"She's my date." Kung nalalaglag lang talaga ang panga, baka yung akin nagkakalas-kalas pa.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon