Kabanata 22

62.8K 2.1K 415
                                        

Olivia's POV

A-ano raw???

Huminga ako nang malalim at walang imik na ibinaling ang tingin sa labas.

Hindi ko alam kung bakit may namumuong inis sa kaloob-looban ko. Naiinis ako sa kanya, gets ko naman ang sinabi niya pero dapat ba talagang sabihin sa'kin yun?

Nakaka-bastos lang eh.

Nakakainis na parang kinakaya-kaya niya lang ako, is it because she's Sorandelle and I am just a nobody?

And...

She hurt me.

Masakit ang pagkaka-pisil niya sa panga ko kanina. I unconsciously bit my bottom lip. Gusto kong maiyak sa nangyari kanina. She's being too much.

Pero kasi—nakakainis!

Muling nag-init ang mukha ko ng maalala ang ginawa ko kanina lang. Sure, it's not her fault. It's mine. I initiated the kiss. But I was about to just give her a peck, hindi ko naman sinabing halikan niya ako ng ganon.

I sigh heavily, dahilan para tumingin siya sa'kin pero agad ding ibinalik ang tingin sa daan.

Kanina, when she told me those, I saw the regret in her eyes. Para bang nagsisisi siyang nasabi niya sa'kin ang bagay na iyon. Ganon ba siya sa'kin kagalit? Dahil lang sa pag-sama ko kay Avery? Anong mali roon? Avery and I are friends kaya normal lang ang ganong tagpo.

Not because she likes me lahat na ng gagawin namin—niya ay may malisya.

Ang tahimik ng buong byahe namin, hanggang sa makarating kami sa building kung nasaan ang penthouse niya. Lumabas ito, pinag-buksan ako ng pinto.

Walang imik na sumunod ako sa kanya papasok sa penthouse. Hawak niya ang braso ko pero hindi gaanong mahigpit. Tama lang para mapasunod ako.

Masyadong dim ang light sa loob kaya hindi ko maaninag ang buong itsura ng penthouse, pero nakapunta na rin naman ako rito kaya alam ko kung gaano ito kaganda.

Pabalang niyang binuksan ang pintuan ng kwartong dati naming tinulugan, marahas niya rin akong pina-upo sa kama at ramdam ko pa rin ang galit niya sa bawat galaw.

Kumuha ito ng pantulog at inabot sa'kin.

"Change your clothes." Walang tutol na ginawa ko ang sinabi nito, ayoko na rin namang dagdagan ang galit niya sa'kin.

Huminga ako ng malalim. Sobrang liwanag sa loob ng banyo, ang lawak din at halatang mamahalin ang lahat.

Masyadong maiksi ang nighties na ibinigay sa'kin ni Sorandelle. Hindi ako komportable.

Panay ang hila ko sa hem nang suot kong damit dahil sa iksi. I heard her gasp when I come out from the bathroom.

"B-bakit?" Ngayon lang ako nakasuot ng ganitong damit. Mas sanay ako sa pajama kapag matutulog.

Umiling ito bago ako pasadahan mula ulo hanggang paa.

Ano bang klaseng tingin yan, Sorandelle.

Nakaka-gago naman eh.

"Come here." Nag dadalawang isip akong lumapit. Naka bathrobe lang siya na kulay puti at nakalihis ang nasa kaliwang balikat niya dahilan para tumambad sa'kin ang makinis at maputi niyang balat sa dibdib.

Halos kita ko na rin kasi ang kalahati ng ano nya...

Nakakainis.

Basta iyong ano.

Hindi ba siya marunong mag ayos?

Nakabalandra pa sa mismong harapan ko ang hita niyang mahahaba at sobrang kinis na mas makinis pa yata sa mukha ko.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon