Kabanata 37

43.7K 1.5K 627
                                    

Olivia's POV

Natapos ko na iyong isang librong pinabili pa ni Sorandelle sa kapatid niya pero wala pa rin siya. Ang sabi niya mabilis lang at babalik agad pero manananghalian na ay wala pa rin.

Nakaalis na rin si Sena dahil may pasok pa raw ito. She's currently taking Culinary arts, second year college, hindi kagaya ni Fawn na PolSci ang kinuha at balak yatang maging lawyer.

Pumunta ako sa refrigerator para kumuha nang makakain, puro prutas, gulay at meat ang nandito. Fresh milk at wala man lang choco drink.

Nababagot na ako, ang tagal ni Sorandelle. Kanina pa ako bihis para pagdating niya ay aalis na lang kami.

Balak kong sa bahay na lang managhalian, pero lampas lunch time na eh wala pa rin siya.

Pagbalik ko sa sala ay sakto namang kakapasok lang ng tatlo. Sina Sena, Sima at Fawn. Parang kanina lang na umaga ay nandito itong si Sena e.

"Anong ginagawa niyo rito?" Don't get me wrong ah, may pasok kasi sila kaya bakit sila nandito?

"Break time." Tahimik na umupo si Sena at Sima sa couch. Si Fawn naman ay lumapit sa'kin para makikuha ng kinakain ko, dahil alam kong siya lang din naman ang uubos nito ay binigay ko na lahat.

"Thanks, V." Kaya pala walang imik si Sima dahil may kung anong pinapanuod sa cellphone niya.

"Fvck." Sena cursed under her breathe dahil nakatingin ito sa cellphone ni Sima na ngayon ay nakatago.

"What the hell was that?" Asar na tanong nito sa pinsan.

"Nothing." sagot ni Sima.

"Anong nothing? I saw you stalking—" Nang marealize nito na hindi lang silang dalawa ang nasa sala ay tumahik ito pero maypahabol pa. "You Dela Vega's are so creepy when in love." Parang kinikilabutan pang saad nito.

Binato siya ni Fawn ng isang pirasong grape na agad ko namang sinaway.

Sayang ang pagkain.

"Sorry, pero kasi makasabi siya parang hindi siya Dela Vega ah." Sinabayan pa nito ng tawa. Hindi naman umangal si Sera. Nagkibit-balikat lang ito na parang tinatanggap ang sinabi nang kaibigan.

Halos isang oras na silang nandito, nakapag luto na rin ng pang lunch si Sena pero wala pa rin ang kapatid niya, balisang tumingin ako sa labas.

Walang tao, tahimik na daan at ang matataas na damo lang ang makikita sa kaharap na lote.

Bumuntong hininga ako at bumalik sa sala.

"What's wrong?" Tanong nito ng makitang balisa ako. Umupo ako at ipinatong sa lap ang throw pillow bago pinaglaruan ang mga daliri.

"Wala pa kasi si Sora..."

"Oh that." Para itong biglang may naalala. "I forgot to tell you, she won't come home, yet. May inaayos sila ni Sera ngayon kaya she asked me to be with you." Nagulat ako sa sinabi nito.

Umasa akong maka-uuwi ako sa'min ngayong araw. Paano na ito? Pa dalawang araw na akong wala sa bahay, baka kung ano nang pinag-gagawa ni Mére mahanap lang ako.

Hindi pa naman ako nakapag-paalam.

Tiningnan ko si Sena, wala naman siyang ginagawa. Siguro hindi naman magagalit si Sorandelle kung hihingi ako ng tulong sa kapatid niya.

"Sena.."

"No, V. I can't." saad nito, na para bang alam na agad niya ang gusto kong mang-yari. "I know what you're thinking, and no. I can't help you." Naguguluhang napatitig ako sa mga mata nito.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon