Kabanata 19

44K 1.7K 426
                                    

Olivia's POV

Naaalibadbaran ako sa tinis ng hagikhik ni Yaena, sabayan pa nang nakaka-asar na tawa at tingin ni Sacha, mabuti na lang busy sa kung ano si Syche at si Ave naman..

Well,

A-ang sama ng tingin sa'kin.

Nakabalik na kami galing probinsya at si Sorandelle ayun, hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay.

Ayaw na akong lubayan.

Lalo na noong pumunta ako kina Karen para mangamusta. Hindi siya pumayag na maiwan sa bahay, talagang sumama pa and take note, she's holding my waist as if she's telling the neighborhood na I am hers.

Sus.

Badtrip din ang isang iyon eh.

Muntik ng magpa fiesta dahil birthday ko kuno.

Inabutan na naman ng pagka-saltik.

Buti na lang napilit kong kami-kami na lang. Pumunta rin si Aleng Joeve at syempre hindi na maiwasan ang pakikipag-chismis nito.

Wala ng bago.

Hindi rin kami nakapamasyal gaya ng sabi ko dahil ayaw nga niyang umalis ng bahay. Mas gusto niyang tumambay sa loob habang yakap-yakap ako. Hindi naman ako makareklamo kaya hinahayaan ko na lang.

As if naman na may magagawa ako.

Simula ng mag banta siya para siyang naging ibang tao, grabe. Kung makakapit kala mo koala.

Ang clingy niya masyado, napapansin na nga ni mama at talagang abot-abot ang pang aasar na natanggap ko mula sa huli.

"Kanina pa kayong ganyan, nasapian ba kayo?" Tumawa ng malakas si Yaena dahilan ng pag baling ng tingin ng ibang classmate namin.

Dang, she's too loud.

She Sacha ay panay ang taas ng kilay sa akin.

"Bakit ba?" Naiinis na tanong ko. Unang araw pagkatapos ng undas ganito sila. Feeling ko tuloy may nakapasok sa katawan nila na masamang espiritu.

"Saan ka galing?" It was Avery. Masyadong matalim ang tinging ibinibigay niya sa'kin. Ano na naman bang ginawa ko? Inayos ko ang notebook na nasa ibabaw ng mesa bago pinag laruan ang ballpen na nasa kamay.

"Sa dorm..." Tinaasan niya ako ng kilay. Hay naku, hindi naman ganito si Avery dati eh.

Anong nangyari?

Bakit parang nasapian din siya ng mataray na espiritu?

"Talaga?" Tumango ako. Totoo naman na galing talaga ako sa dorm. Andoon kaya ang  uniform at gamit ko eh.

"How 'bout noong birthday mo?" Haist, isa pa yan. Tumanda na naman ako ng isang taon. Nakakainis.

"Nasa probinsya." She sneer and rolled her eyes.

"Akala ko ba hindi ka uuwi?" Hindi ko nga pala na kwento sa kanila, biglaan eh. Saka isa pa, mabuti na nga yung nakasama ko si Sorandelle dahil kinapalan ko na ang mukha ko at siya talaga ang ni interview ko.

Kapal ko no?

Wala naman siyang magagawa, pambawi niya na yon sa pagyakap niya sa'kin, umaga man o gabi.

Ngayon nga ay hinihintay na lang namin ang last subject namin. Pero ang inaasahan naming  darating na si Prof ay si Pres pala.

Hagard na hagard.

Halatang galing sa pagtakbo.

Huminto ito sa harapan.

"Na kay Sir na raw iyong recommendation letter natin.." huminga ito ng malalim. "Basta raw maayos na ang transcript natin at resume." This is it.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon