Kabanata 21

48.2K 2K 961
                                    

Olivia's POV

"Miss S—sena.." maliit ang boses na tawag ko sa taong nagmamay-ari ng coffee shop na pinagta-trabauhan ko. Or should I say, dati.

Hindi ko alam kung paanong nangyari, basta ko na lang iniwan si Sorandelle sa DVC kasi ayokong tumira kasama siya.

Hindi naman sa nagpapakipot ako—I mean what exactly are we?

Tinotuo niya? How about me naman? Alam kong kasalanan ko iyon kasi lumabas labas pa kasi sa bibig ko pero iyong siya ang magbabayad ng tuition ko at gusto niyang tumira ako sa kanya, ibang usapan na iyon.

Mas lalo ko lang papatunayan sa mga ka schoolmate ko na totoo ang hinala nila patungkol sa'kin kahit hindi naman. Mabuti nga ngayon ay medyo humupa na ang usap-usapan tungkol sa'kin. Matagal na rin kasi.

Noong sabado naman, galing ako sa klase at balak mag duty sa coffee shop pero naka abang na si Miss Arigato sa labas at sinabing tanggal na raw ako.

Wala naman akong naisip na ginawa ko. Binigyan lang niya ako ng pang huling sahod ko at pina-alis na.

Gusto ko mang kausapin si Miss Sena pero wala raw ito roon. Ngayon ko lang na tyempuhan na papasok siya sa cafe.

"Oh, hi there. What are you doing here, Via?" Friday na ngayon, noong isang araw pa ako pinatawag ni Dean at sinabing hindi raw ako makakapag exam kung hindi ko mababayaran kahit kalahati man lang ng tuition fee.

Hindi na rin naman ako umaasa sa tulong na ipinangako ni Mr. Figueroa dahil napanuod ko sa balita na tuluyan ng bumagsak ang kumpayang pag aari niya.

"G-gusto ko lang po sanang itanong kung bakit ako nasisante?" Walang pagpaligoy-ligoy kong tanong.

Walang palya ang pag sundo sa'kin ni Sorandelle, minsan na nga itong nakita ng mga kaibigan ko at alam kong hindi natuwa si Ave sa nakita niya.

Hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin dahil mas malaki ang problema ko ngayon. Mauubos na ang binigay na sahod sa'kin ni Miss Arigato at kahit saan ko subukang mag apply ng trabaho ay wala akong nakukuha.

Nakakaasar naman eh. Gusto ko nang maiyak sa sitwasyon ko ngayon. Parang nagsabay-sabay naman.

Kung kailan malapit na akong matapos, sunod sunod naman na problema ang darating sa'kin. Para namang sinasadya ito ng tadhana.

"Oh that.." Tuminingala pa ito na parang nag iisip tapos biglang ngumiti ng matamis. "I love my life, Via." iyon lang at iniwan na ako nito. Nakita ko pa ang pag taas ng kilay at mapang asar na ngiti ng dati kong manager.

Laki talaga ng problema ng babaeng ito sa'kin.

Bumalik na lang ako sa L.I.S para um-attend ng pang huling klase. Napapansin na rin ni Chin na hindi ako pumapasok pero wala naman siyang sinasabi.

Lagi niya na kasi akong nadadatnan sa dorm.

"Ayos ka lang?" Araw araw na yatang tanong yan sa'kin ni Avery na lagi ko namang sinasagot ng Oo.

Pero alam kung pansin na rin naman niya, wala nga lang siyang magagawa kung ayaw kong mag open up.

Hanggat kaya ko pa naman ay sasarilinin ko na lang muna. Kapag nakapag hanap ako ng maayos na trabaho, titigil na muna ako.

Ilang araw kong pinag isipan ito. Ayokong mangutang sa mga kaibigan ko. Masyadong malaki ang perang kailangan ko at kahit na anak sila ng mayaman, kung sakali ngang mapahiram nila ako ay hindi naman sa kanila galing na pera.

"Alam mo namang nandito lang ako, diba?" Hinawakan nito ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. Nginitian ko siya.

"Alam ko iyon, Ave. Kaya nga maraming Salamat sayo. Dati pa lang lagi ka ng nanjan." Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at nasasaktan akong isipin na masasaktan ko siya dahil alam ko mismo sa sarili ko kung sino ang gusto ko.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon