NOTES: kagabi, someone asked me kung kailan ko matatapos ang revision ng Obsessive Love, then she said na gusto niya ng basahin para mabasa niya na rin 'yong ibang story cuz' it's somehow connected.
Tapos na realize ko, hala! Oo nga, connected siya sa iba. Especially sa magiging story ni Sidra, then plano kong baguhin lahat.
So, what I did is edit na lang iyong ibang parte. Pero bago ang chapter 1 and 2 kasi nawalan talaga ako ng copy sa kanila.
If I'll revised the whole book pala talaga, at some point; need ko rin I-revise ang QLN and sidra's story plot. Nakakatamad 'yon.
Olivia' s POV
"Via, sa table four daw." nag angat ako ng tingin mula sa perang bini-bilang.
"Ha? Ako ba?" tanong ko. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig. Tapos hindi pala.
"Oo," tugon nito. Tiningnan ko ang harapan na wala ng pila.
"Pero dito ako naka toka ngayon," hindi naman sana ako magtataka kung waitress ako ngayon. Sinong magbabantay dito kung pagsi-silbihan ko ang nasa table four?
"Ako na muna, naka ilang balik na kasi si Dolcie. Ayaw namang ibigay ang order unless it's you." walang nagawang tumango ako saka kinuha ang maliit na notebook na ibinigay nito sa akin.
Hinanap ko kung nasaan ang table four, at nang makita ay madaling pinuntahan ko ito. Weekdays ngayon, tapos hapon na rin kaya marami talagang customers. Mabuti nga naubusan nang pila sa counter kanina. Nakakangalay din kasing tumayo.
"Good afternoon, Ma'am. May I take your order po?" magalang kong bungad. I wasn't able to see her face dahil naka focus ang tingin ko sa notebook na panay naman doddle. Parang bata talaga ang mga kasama ko sa trabaho minsan.
Kapag ito nalaman ni Boss.
"You," isang malamig na boses ang nagpawala sa akin sa focus. Muntik pa akong matumba dahil sa gulat. Jusko namang boses yan.
Dinaig pa ang mga voice actor.
I tried to hide my embarrassment through clearing my throat.
"P—po?" Oh gosh. Bakit naman nauutal, Olivia?
Saka ko lang din tiningnan ang babaeng kaharap. Mahabang buhok, mabango, mahahabang binti; gaano kaya katangkad ito? Wala sa sariling dumako ang tingin ko sa kamay nitong mahinang nagt-tap sa table.
Her nails were pretty. Mahabang mga daliri, maganda ang kulay at mukhang malambot ang kamay.
"I can cut them if only you'll be mine." sabay tingin sa kuko niya.
"H—ha?" disoriented kong tanong. Mas lalo lang yata akong nabuang ng tumawa ito.
"Silly, recommend me something. Gusto ko masarap."
"Ako?" dapat na tanong ko dapat ay bakit ako? Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
"You?" her voice is kind of husky and deep, yet it's cold. Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Para naman akong tanga.
Alam ko straight ako e.
Straight naman talaga ako, inserting the gender fluid here. Yep, I'm straight.
Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya, kung paanong parang dahan-dahan niyang hinubad ang blazer, sa paraan ng pag tupi niya rito para maayos na mailagay sa ibabaw ng table. Left part.
"I mean—ako po ang bahala?" tanong ko, para na kasi akong nagmumukhang tangang nakatulala sa kanya. Bibihira lang kasi talaga ako makakita ng ganyan kagandang babae.

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Fiksi UmumStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22