Olivia's POV
Gusto kong itanong kung saan kami pupunta, tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako ay kabadong pinaglalaruan ang mga daliri ko.
Kinakabahan ako, idagdag pa na I'm not really comfortable on this dress, dyosko. Parang gusto ko na lang tuloy mag-sisi. Nakakainis naman.
Alam kong issue ito. Knowing LIS, kahit halos karamihan ay anak mayaman ang nag-aaral doon hindi pa rin maiiwasan ang chismisan.
Sana lang handa ako'ng maging topic buong linggo.
Magdadasal na lang talaga ako.
Napatingin ako kay Sorandelle na sobrang higpit ng hawak sa steering wheel. Kaya ayokong mag tanong eh, baka sa sobrang asar nya bigla nyang mabunot ang manibela at ihampas sa mukha ko.
Ngayon na nga lang ako naayusan at gumanda eh.
Tinitigan ko siya ng huminto kami sa kilalang mall. Gusto ko ng mag-tanong, pero gusto ko ring mabuhay kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.
Padabog siyang lumabas at malakas na isinara ang pintuan ng kanyang sasakyan, habang ako ay ingat na ingat mula sa pag tanggal ng seatbelt at pagbaba ng sasakyan.
"You're too slow." komento nito.
Ang init ng ulo mo..
As usual, tikom lang ako. Baka kung saan pa to mapunta oras na buksan ko ang bibig ko. Kinunutan niya ako ng noo nang hindi ko pansinin ang sinabi niya.
She look at me from head to toe bago ako inirapan at nauna ng pumasok sa mall.
Problema nito?
Nakasunod lang ako. Parang alalay lang.
Pumasok siya sa isang mamahaling boutique. Sinalubong naman agad siya ng mga sales lady na nakabantay, asikasong asikaso nila si gaga. Habang ako? Grabe por que ganito lang ako hindi niyo na ako papansinin.
Mukhang napansin naman ni bruha kaya tiningnan niya ako ng masama, wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya sa loob. Alanganin akong tiningnan ng dalawang sales lady.
Problema ng mga to?
"She's with me." Mariing saad ni Dela Vega na ikinayuko naman ng dalawa at humingi ng paumanhin.
Pumunta siya sa part kung saan naka hanger ang mga trousers. Isang high waist tailored trouser ang kinuha niya, inabot niya ito sakin.
Sunod na dinampot niya ay ang isang turtle neck tops at isang button down shirt. Tiningnan niya pa ito bago nag disisyong iabot sakin ang tops na turtle neck, paniguradong hapit na hapit ito sa katawan ko.
Inabutan niya rin ako ng isang belt na alam kong mahal pa sa mga damit na isinu-suot ko pang lakad.
Taka ko naman siyang tinitigan ng matapos.
"What are you waiting for? Christmas? Or you want me to change your cheap looking dress?" Napaka. May dalaw siguro ito. Iginaya ako ng sales lady sa dressing room.
Tiningnan ko ang damit na inabot niya, gusto ko sanang silipin ang presyo kaso wag na lang.
Baka malula lang ako, kung utang man ito tsaka na niya ako singilin pagmayaman na ako.
Wala sa sariling isinuot ko ang inabot niya. Ni tuck-in ko lang ang tops sa trousers at tama nga ako, hapit na hapit ito sakin.
Lumabas na ako ng dressing room. I saw how her lips twisted in a very mischievous smirk. Bipolar.
"What d'you prefer? Heels or flats?" May hawak na itong isang heels na kulay beige at flats na kulay white.
Hindi ako agad nakapag decide, bago ko pa maituro ang flats ay dumating ang isang lalaking naka all black suit at may inabot kay Sorandelle na paper bag.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Genel KurguStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
