Olivia's POV
Hindi nga ako nagkamali, alas tres ng hapon ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Ang babae namang kasama ko ay hindi na binibitawan ang kamay ko.
She was fixing something habang hinihintay kong makababa ang dalawang driver.
Ganon din kasi ang ginagawa ng kasama ko. Nauna siyang bumaba at inalalayan ako.
I heaved a deep sign when my eyes landed on my neighbors. They are curiously looking at the car.
Nagulat pa nga ang mga ito matapos akong makitang lumabas ng magarang sasakyan.
"Uy Via.." it was Aleng Joeve. Isa sa mga nagpapalaba kay mama.
Ngumiti naman ako at binati siya. Wala nga dapat akong balak ba batiin ang isang iyan.
"Mukhang naka jackpot ka ah.." ugh. Pinoy and their mindset. Tumawa ako ng peke.
"Kaibigan ko lang ho.." wala akong balak ipakilala ang kasama ko sa mga marites na kapit bahay namin.
"Ang yaman naman ng kaibigan mo, ang swerte mo ineng." Sinasabi ko na nga ba at ganito ang bubungad sa'min lalo na at may araw pa ng dumating kami.
"Mauuna na ho kami, Ma'am." The driver interrupted us. Tumango lang ang kasama ko na siya namang pag alis ng dalawang driver.
Ay ganon? Balikan lang sila?
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Sorandelle sa kamay ko kaya nag aalangan akong ngumiti sa kapit bahay na hanggang ngayon ay panay ang tingin sa kasama ko.
"Mauna na ho kami, Aleng Joeve.." hindi ko na siya hinintay na maka sagot dahil hinila ko na papasok si Sora.
Mukhang wala si mama, may bakod naman ang bahay namin at may hindi gaanong kalawak na bakuran. Sa gilid nito ay ang tanim ni Mama, sibuyas, kamatis, may okra, tapos sili.
Puno rin ng mga halaman na anak na yata ni mama.
May susi naman ako dati pa, malamang anak kaya ako.
Binuksan ko ito.
Oo nga pala.
Wala akong dalang damit, siya lang na ngayon ay hawak sa kabilang kamay.
"P-pwede mo ng bitawan ang kamay ko..." Ayaw pa kasing bitawan namamawis na.
Simula ng matapos kaming kumain ay bigla niya na lang kinuha ang kamay ko at hindi na binitawan pa.
Amp.
Tiningnan lang ako ni Sorandelle bago inilibot ang tingin sa buong bahay.
As what I've said, maliit lang ito. Halos magka rugtong lang ang sala at kusina. May maliit na TV at dalawang kwarto na kurtina lang ang gamit pang harang dahil wala kaming sapat na pera para mag paayos ng pinto.
Tumikhim ako. Wala kasi siyang imik.
"Nag sisisi ka na ba?" Malay ko bang iniisip nitong pabalikin ang driver niya at iuwi na siya sa manila.
Kasalanan naman niya. Sinabi ko ng huwag siyang sasama pero mapilit siya kaya mag dusa siya.
Kinuha ko ang bag na hawak nito bago siya iginaya paupo sa may kalumaan na naming sofa.
"Gusto mo ng maiinom?" Hindi niya kasi pinansin ang tanong ko kanina. Nag tataray na naman. Inabutan na naman ng pagka saltik ang bruha.
"Nah, I'm good." Umupo na lang din ako sa tabi niya but there's still a space between us. Hindi katulad niya na kung makatabi akala mo kinulang sa space ang inuupuan namin sa sobrang dikit niya.

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22