Olivia's POV
Kakaibang sakit sa ulo ang naramdaman ko nang oras na magising ako. Ampucha. Nasaan ako?
Maliwanag na sa labas dahil kahit papaano ay sumisilip ang liwanag mula sa makapal na kurtinang nakatabon sa bintana.
Ano iyong pinaamoy sa akin ni Sorandelle? Bakit ako nawalan nang malay? Ang babaeng iyon, kung gusto niyang makipag usap sana sinabi niya na lang.
Kidnapping na ito eh, pero dahil girlfriend niya ako ay pwede ring girlnapping.
Ay, break na pala kami kahapon, noong nakita ko silang nag-hahalikan ni Amanda.
Ang landi eh, hindi man lang nag-halikan sa private place, talagang pinakita pa sa lahat ang kahindutan nilang dalawa.
Sapu ang ulong umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang pamilyar na ringtone ng cellphone ko.
Iyong bag ko iyon ah, agad kong kinuha ito para sagutin ang tawag. Si Sena, bakit kaya napatawag ito? Wag niyang sabihin na nagbago na ang isip niya at gusto niya na akong bumalik sa cafè.
"Hello—"
"Where are you?" Mahihimigan ang pag aalala sa boses nito.
Where am I? Tanong ko rin 'yan kanina sa sarili ko eh.
"H-hindi ko alam eh." Para itong kabado at medyo nahahawa na rin tuloy ako. Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita.
"Is she with you?" Ha? Sino?
Hindi ako agad naka imik at mukhang nabasa naman niya iyon kahit na hindi namin nakikita ang isat isa.
"Si ate..." Sena trailed off.
"Hindi." Pero alam kong sa kanya itong kwarto dahil kaamoy niya, legit. Ang bango.
"We already track your phone. Wait for us." Ha? Naguguluhan ako. Ang aga-aga mukhang gustong mag-laro ng mind game nitong si Sena.
Feeling ko pa naman sabog na sabog pa ako. Sobra sa tulog.
"Bakit?" Mukha akong sabog, pati utak ko ayaw gumana.
"You're in danger, Via." I was too stunned to speak. Kabado akong napahawak sa dibdib at dahang dahang tumayo para tumungo sa pintuan.
Danger?
Imposible, alam kong galit si Sorandelle sakin—teka nga? Bakit siya pa ang galit eh ako nga itong niloko niya?
Siguro ito na iyong sinasabi ni Avery na pagsisisihan ko.
I miss my friend.
"Ha? Bakit naman?" Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko at ni-lock ang pintuan. Tumungo rin ako sa bintana at sumilip para makita kung nasaan ako.
Mataas na building. Pero hindi ito ang penthouse niya. Hindi kasi ganito ang kwarto niya roon.
"Basta, when you're with her, don't push her on her limits 'kay? Iwasan mong magalit siya." tarantado ba siya? I mean—sorry for my words pero bakit naman kung makapag-react siya e' parang ang laking siraulo ni Sorandelle.
At h'wag daw galitin.
Para namang parating galit iyong kapatid niya, kagabi nga eh galit na galit hindi ko naman inaano.
May pa kidnap kidnap pang nalalaman, kapag talaga nakita ko siya, lagot siya sa'kin.
Ang pangit ng way ng pakiki-pag usap niya. At isa pa itong kapatid niyang maypaka-oa. Kung makapag salita akala mo criminal ang ate niya.

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Fiksi UmumStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22