Olivia/Olienzy Viantriss POV
It caught me off guard. Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya kaya naman tumawa ito bago ako pinalo sa braso at tumayo, nag-unat bago lumanghap ng sariwang hangin.
"Wag kang mag-alala.." ngumiti ito at binalingan ako ng tingin. "Alam ko namang walang pag-asa." Saka ito naglakad papunta sa gilid ng batis.
"Gusto kong maligo, Via." Nagkibit-balikat ako bago sumunod sa kanya. Hindi pa rin nakakabawi.
"Edi maligo ka." wala sa sarili kong sagot.
"Nang naka hubad?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tara na nga lang sa inyo. Makikikain ako." Bigla siyang nagulat sa sinabi ko at sunod sunod na umiling.
"W-walang pag-kain sa bahay." Alam ko na agad na nagsisinungaling siya.
Mapait akong ngumiti. Mukhang pati ang mga magulang ni Karen ay naniwala na sa bali-balita.
"Oo nga naman." Tumawa ako ng mahina. "They thought that I'm a criminal." Umiling iling siya sa sinabi ko.
"Hindi ganon, Via. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng Amanda na iyon no." Tumango ako bago siya tinapik sa balikat.
"Ayos lang, sapat na sa'king malamang hindi ka-isa sa kanila." Yumuko ito bago pinaglaruan ang mga daliri.
"Sorry, ayaw akong pakinggan nina Mama eh." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.
"Ayos lang, Karen." Nag angat ito ng tingin bago itinuro ang mangga na parati naming kinukuhanan. May mga bunga na ito, hindi nga lang hinog.
"Gusto mo?" Tumango naman ako. Sa tagal ko ng naninirahan sa syudad ay hindi na ako sanay na umakyat ng puno. "Kaya mo pa bang umakyat?"
Umiling ako. "Hindi na, ikuha mo ako."
Nag hubad ito ng tsinelas. "Tig-isa lang tayo ah, baka magalit iyonf kapre." Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Umakyat siya at ang balak na tig-isang mangga ay nauwi sa marami kaya naman marami kaming dala pag-uwi namin. Hinatid niya na rin ako at hindi ko maiwasang hindi mailang sa tinging ipinupukol sa akin ng mga kapit-bahay namin.
Anjan pa ngang lalapit sana sa'kin si Joven pero agad pinigilan ng ina at sinabing... "maraming ibang babae jan, Joven. Iyong hindi kriminal."
Sarap sabihing, marami rin naman sanang kapit-bahay diyan, yong hindi chismosa. Yawa lang.
Isang SUV na lang ang natira sa tapat ng bahay namin ng maka-uwi ako, may dalawa ring lalaki na nakatayo malapit sa may pinto namin. Bitbit ang mangga na tinungo ko ang pintuan pero muli ko silang tiningnan bago pa man ako makapasok.
Iniuma ko ang manggang hawak.
"Gusto niyo, Kuya?" Tanong ko. Yumuko lang ang dalawa bago nag-salita ang isang nasa kanan.
"Thank you, but we're fine, young lady." Eh? Anong klaseng tawag yan?
Pag pasok ko sa loob ay wala ng tao sa sala, pero bakit nandito pa rin iyonf mga bantay nila?
Nag tungo ako sa kusina para makasigurong umalis na nga ang mga ito. Si Mama na lang ang nadatnan ko na nagluluto, gulat pa ito ng makita ako at nabitawan bigla ang kutsilyo bago ako yakapin ng sobrang higpit.
"Saan ka ba galing na bata ka, ha?" Singhal niya. Tumawa ako. Magaan na ang pakiramdam ko, at tanggap ko na rin naman. Kami-kami lang din naman ang mahihirapan kong patatagalin ko pa ang pagtanggap sa katotohanan.
Life is short so make it shorter.
"Kasama ko si Karen, Ma." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiwi.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22