Olivia's POV
Is it possible to love someone that you even barely know? Is it possible to feel this kind of heartache? Why am I hurting? Bakit parang ang sakit naman yata?
Tulalang sumubo ako ng cookies and cream na Ice Cream sabayan nang isang mahinang buntong hininga.
Kasama ko pa rin ang babaeng nag-aya sa'kin kanina, and now I can fully see her face.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng makita ko siya, pero imposible naman kasi. Magkamukhang magkamukha kami, though mas sophisticated siyang tingnan, maayos manamit at hindi dugyutin kung umiyak katulad ko.
Napadakong muli ang tingin ko sa kanya na payapang kumakain din ng Ice cream, parehas kami ng flavor.
Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng kasama ko. Bakit nga ba ako sumama sa kanya?
Habang patagal ng patagal ay mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig naming dalawa. Totoo ba iyong parallel universe? Ito ba ang another me sa mundo nila? Pero mukha siyang sosyal, mayaman, at sobrang kinis ng balat niya na halatang alagang alaga.
Why am I even with her? Ah, oo nga pala. Dahil sa nakita ko kanina.
Pssh.
Sorandelle, how dare you hurt me?
Huwag na huwag ka na sa'king magpapakita.
"Cat got your tongue, honey?" I bit my tongue. Hindi naman, kagat-kagat ko pa nga eh. Bakit bigla-bigla na lang niyang itatanong?
Magkamukhang magkamukha talaga kami. Matanong nga si mama kung may nawawala akong kapatid sa labas.
"Kapatid ba kita?" Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"What? No." Tumawa ito pero iyong mahinhin. Nandito kami sa Ice Cream parlor kung saan dinala niya ako pagkatapos kong tumahan sa pag iyak.
Medyo nakakahiya pala ang ginawa ko kanina. Alay lakad habang umiiyak? Ano 'yon? Hindi ko na ulit gagawin ang bagay na' yon.
Hinding hindi na, iyon na ang una at huling iiyakan ko ang babaeng nagngangalang Sorandelle Artemis Dela Vega.
"Saan ka ba nakatira?" Isa pa ito, she doesn't look like a Filipino kaya naman gulat na gulat ako ng mag tagalog siya.
Edi hindi rin pala ako mukhang pinoy? Oo nga pala, ibang lahi nga pala ng tatay ko sabi ni Mama.
At isa pa, sabi naman kasi sa inyo na maganda ako. Wag nang komontra, pinagagaan ko na nga lang ang sarili ko dahil sa nakita ko kanina.
"Jan lang." Wala sa sariling sagot ko. Sumubo akong muli ng Ice Cream bago itinuon ang paningin sa labas ng shop, maraming tao ang palakad lakad. Yung iba nagtitinda, ang iba napadaan lang.
Bawat isa ay parang normal lang kung tititigan, but I know deep inside them ay may kanya kanya silang problema.
Itinukod ko ang isang siko sa lamesa bago inilapat ang pisnge ko sa palad at tulalang tumingin sa kawalan.
Parang naiiyak na naman tuloy ako ng makita ang mukha ni Sorandelle sa kawalang tinititigan ko.
Ano ba..
Hindi ko na tuloy maubos ubos itong Ice Cream na kinakain ko. I sigh for the nth time. Naririnig ko naman ang mahinang tawa ng kaharap ko, may hawak itong cellphone at may tinititigan na kung ano.
Nangunot ang noo ko.
"Mére?" Para siyang nakakita ng multo ng tawagin ko siya at gulat na gulat na napatingin sa'kin.
"W-what?"
"Bakit ka tumatawa?" Masaya ba siya na mukha na akong tanga rito? Pag siya na broken din tatawanan ko siya, mismo.

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22