Olivia POV
"Looking for some punishment, my love?"
Bakit naman ako natatakot? Iyon ang tanong na namamayagpag sa utak kong lumipad na yata.
Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan, si Dela Vega lang naman ito.
Yeah right, she's just Sorandelle who is now looking so sexy and seductive while leaning on the door frame. Sige lang, Sora.
She's looking at me like I did something wrong, iyong galit na nakita ko kanina ng makilala niya kung sino ako ay unti-unting bumabalik.
She sigh heavily before motioning me to enter her unit.
I shook my head then handed her the box of carrot cake.
Tiningnan niya naman ako na para bang tinubuan ko ng isa pang ulo.
"Get inside."
"N-nandito lang ako... para i-deliver...to.." pahina ng pahina ang boses ko dahil sa klase ng tinging ibinibigay niya sa akin. Mas lalo niyang niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.
"Do I need to repeat what I've said?"
Bakit ba kasi ako nandito?
Por que late ako, ako na inutusang mag deliver nito. Nagdadalawang isip man ay pumasok pa rin ako.
Una kong ginawa ay ang paggala ng tingin sa buong unit nya, ang lawak ng living room nya. May malaking tv at mukhang mamahaling sofa na kulay-abo. May mga nakapatong din na mamahaling wine sa center table at ang iba nga ay nasa lapag na, wala ng laman.
Nabaling tuloy sa kasama ko ang aking tingin ng mapagtantong umiinom ito bago pa man ako dumating.
Nang nakita niyang sa kanya ako nakatingin ay nginisihan niya lang ako sabay kuha ng dala kong box.
"Don't mind that. I was just in a foul mood earlier." Hindi ko tuloy alam kung susundan ko siya sa kitchen o mananatiling nakatayo sa living room.
Tumikhim ako.
"Uh.. pwede na ba akong umalis?" Pinagmasdan ko si Sorandelle kung paanong kumuha ng dalawang platito at naghiwa ng cake na ideniliver ko.
"No." Wala sa sariling napalunok ako, kingina naman talaga. Inilapag niya sa center table ang cake bago pabagsak na umupo sa tabi ng sofa na kinatatayuan ko. Gusto ko sanang itanong kung ano iyong sinabi niya kanina, at kung bakit parang galit sya. Sakin ba? O baka stress lang sa trabaho.
"What are you still doing there? Take a seat." Napaka talaga. Napaka demanding. Maingat na umupo ako sa tabi nito at sinigurong sapat ang distansya naming dalawa.
The alcohol had already mixed on her scent. Lasing yata ito pero kahit ganon ay nangingibabaw pa rin ang amoy niyang hindi ko matuloy kung amoy strawberry ba o vanilla.
She stretch her arms, na kung titingnan sa harapan ay para na siyang naka akbay sa'kin. Nagpan dekwatro rin siya ng upo, hindi bagay sa corporate attire niya.
Tumingin ako sa kanya at akmang magsasalita ng unahan niya ako.
"Don't talk. I'm mad at you so better shut the fvck up." I automatically shut my mouth, hindi ko na rin siya nagawang tingnan. Ramdam ko ang bawat pag hinga niya ng malalim na para bang kinakalma ang sarili.
Napa-isip naman ako kung anong nagawa ko kaya siya galit sa'kin. Naalala ko pang maayos naman niya akong inihatid sa dorm no'ng mag hiwalay kami.
Tapos ngayon, nag deliver lang naman ako ng cake; sa alagad pa ni satanas. Kamalasan nga naman, trip ako.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Ficção GeralStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22
