Olivia's POV
"Bakit ganyan ang suot mo?" bungad ni Pres. Tiningnan ko naman ang suot ko.
"Finally, akala ko hindi mo na isusuot yan." Si Avery naman
"Hindi ka man lang nag ayos." si Sacha.
"Seriously? Hoodie at pants? Bruh ibabalandra ka namin sa tabi ng booth, baka naman malugi kami niyan." si Pres uli.
"Wala ka bang dress?" si Jam.
"I have one, nasa locker. Kasya naman sa kanya iyon eh."
"Call faye, laging may dalang make up iyon. And uh... Call someone that can fix her hair." si Syche.
"Gosh girl seryoso ka riyan? Walang lalaki ang hahalik at yayakap sayo kung ganyan ang pormahan mo." Yeana.
"Why are you insulting her ootd. It's so cool kaya, can have your hoodie?" Syche
Lintek.
"Ano ba?! " Doon lang sila natigil sa kaka-insulto sa suot ko. Nakaka insulto na ha.
"Ano bang problema niyo sa suot ko?" Hindi pa nga ako nakakapasok sa classroom ng harangan ako nina, Ave, sacha, syche, yaena at nakisama pa si pres at jam para lang laitin ang suot ko.
"You look like a tomboy." Napaka stereotype naman nitong conyong to, bwesit.
"Nah, see look okay din naman." talaga ba jam? Tumigil ka jan.
"Uso naman ang girls na nagsusuot ng hoodie ah."
Bigla namang dumating si Faye dala ang mamahalin niyang make up kit.
Gusto ko pa sanang tumanggi pero hinawakan na nila ako sa magkabilang braso ko at inakay papuntang classroom para ayusan. Umalis naman si Yaena at Pres para kunin daw ang dress sa locker room.
"Huwag masyadong makapal." Paalala ko kay Faye. Ayoko talaga ng sobrang kapal na make up, feeling ko ang pangit pangit ko kapag ganon.
Kapag nga papasok ako tamang powder at liptint lang ay ayos na.
Anong magagawa ko? Ipaglalaban ang natural beauty hanggang mamatay.
"Let's do magic." Inismiran ko si Faye. Magic her face, itong mukha ko pa lang out of the magic she was talking about na.
"Wag mong gawing experiment ang mukha ko, yawa ka ba?" Panay ang insulto sa'kin ng dalawa habang inaayusan ako. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng insecurities.
Alam kong sinasabi kong maganda ako, kasi iyon ang nakikita ko sa salamin. Pero everytime na may nanglalait sa'kin, face shame, hindi ako nakaka-angal. Hindi ko alam kung bakit.
Part of me wants to say na hey, you're hurting me..
And then part of me just want to shut the fuck up, so I did.
Kasi maganda ako.
Kaya nga nakakapagtaka talaga si Dela Vega. Biruin mo, bigla na lang susulpot sa buhay ko at sasabihing I like you.
Ano naman ang magugustuhan niya sa'kin? Magand ba talaga ako? Maybe oo, maybe hindi. Depende sa point of view ng isang tao. Pero sa point of view ko, maganda ako.
Wag na nga yan, ang importante ay yayaman ako.
Maganda naman si mama ah..
Hindi ko nga lang namana. Tingin ko nakuha ko yung feature ng mukha ko sa tatay kong runner.
Runner amp.
Kaya ayoko sa lalaki kahit na straight ako.
It doesn't make sense, pero straight pa rin ako.

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Narrativa generaleStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22