Kabanata 23

46.3K 1.6K 859
                                    

Olivia's POV

Tumingin sa may banda ko si Yaena sabay baling ng tingin kay Sacharelle na busy magpakain kay Syche, may ibinulong ang isa dahilan para tumingin din sa'kin si Sacha sabay ngisi nang mapang-asar.

Ano na naman bang problema ng mga ito?

Ako na naman ang trip, hindi na lang mag aral ng mabuti. Wala pa si Avery, which is very unusual kasi ilang minuto na lang mali-late na siya. Tinawag ni Sacha si Syche ng tumayo ito at tumabi sa'kin.

"What happened?" Alam kong ang nangyari sa DVC ang tinutukoy niya. Nag dadalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko pa ba o hindi.

Alam ko ring aware siya na hindi ako nakapasok sa kumpanyang matagal ko ng pangarap.

Sinabutahe ba naman ni Sorandelle eh.

Napabuntong hininga ako at pinag laruan ang ballpen na nasa kamay ko.

"Susubukan ko sa iba.." though, kinuha na sa'kin ni Sorandelle kaninang umaga ang mga requirements ko at ako na raw ang bahala kung anong araw ako papasok.

Internship iyon, part time rin at may bayad. At isa pang nakakapagpalito sa'kin ay ang sitwasyon naming dalawa.

Umamin siya kagabi. Tapos nagpakipot ako? Nah—justifiable ang reason ko. Ayokong maging kami hangga't hindi ko natatapos ang college.

Uminit ang pisnge ko sa naalala.

Pinapak ba naman iyong leeg ko.

"Hoy Via." Tiningala ko si Yaena na may dalang kung ano. "Tara sa banyo."

"Bakit?" Tinatamad pa naman akong mag lakad ngayon. Humikab ako dahil sa antok na nararamdaman.

"Puyat na puyat ka yata, my friend." Si Sacha naman na may pa akbay-akbay pa sa'king nalalaman.

"Bitawan mo nga ako, Sacha—" bigla akong hinila ni Yaena dahilan para mabitawan ako ni Sacharelle.

"Tara nga sa banyo, hindi ka marunong mag tago ng ebidensya eh." Nalilitong sumama ako rito. Iniwan namin ang dalawa, pag dating sa loob ay agad binuksan ni Yaena ang mga cubicle at ng masigurong walang tao ay ni lock niya agad banyo.

"Bakit mo nila-lock?" Nag kibit balikat lang ito bago buksan ang concealer na hawak. Nagtataka ko siyang tinitigan.

Ininguso niya ang leeg ko kaya wala sa sariling napahawak ako rito.

"B-bakit?"

"Takpan mo." Inilahad niya sa'kin ang hawak niya, humarap ako sa salamin para alamin kung ano ang tinutuloy nito.

Agad na gumapang ang init sa buo kong mukha ng makita kung ano ang tinutukoy ni Yaena. Tinakpan ko ito ng aking palad. Tumawa siya bago inalis ang kamay sa leeg ko at siya na mismo ang nag lagay.

"Sa susunod itago mo." Tawang-tawa rin siya habang tinatapos ang paglalagay ng concealer sa leeg kong may mga mapupulang marka.

Kaya pala kakaiba ang ngiti ni Sorandelle nang hinatid niya ako, hindi ko man lang napansin dahil hindi ko tiningnan  ng maigi ang sarili ko kanina sa salamin.

Nakakahiya.

"Bilis na, mali-late na tayo." Tumango ako at nag hugas ng kamay kahit wala naman kaming ginawa bukod sa paglagay ng takip sa mga kagat sa leeg ko.

Wala siyang tinanong na kahit na ano tungkol sa nakita niya, tumawa lang siya at inasar ako habang papunta kaming classroom.

Mabuti na lang ay wala pa ang prof, pero maging si Avery ay wala rin.

Bakit kaya hindi papasok ang isang iyon?

Baka na late.

Haist.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon