Kabanata 3

84.5K 2.8K 1K
                                        

Olivia's POV

"Nagmumukha ng flower shop itong kwarto natin, Via." Tama naman siua, inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto namin, puro bulaklak nga ang makikita. Sa loob ng dalawang linggo, araw araw na nagpapadala ng bulaklak si Miss Dela Vega sa'kin. Walang palya.

Alam kong maganda ako pero hindi ko naman alam kung ano ang trip niya sa buhay? Binabawasan niya ba ang yaman niya sa pamamagitan nang pagbili ng bulaklak at pagbibigay nito sa'kin araw-araw? Isama mo pa ang mga pagkain na kung hindi galing sa fast food ay galing naman sa isang mamahaling restaurant.

Kung sobra na ang yaman niya at gusto niyang bawasan, sana naman pera na lang ang ipadala niya. Jusko ka, baka matuwa pa ako. Hindi yung ganito. Aanhin ko itong mga bulaklak na nagkalat sa loob ng kwarto? Maliit na nga ang kwarto namin mas lalo pang lumiit dahil sa dami ng bulaklak.

Hindi ko naman siya masabihang tumigil dahil hindi na sya sa'kin nagpakita pa sa loob ng dalawang linggo. Ang babaeng iyon. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang tumakbo sa utak ko araw-araw.

"Hayaan mo na lang, chin." Inismiran niya ako at nagpatuloy sa pag-aaral. Napapadalas na yata ang pag aaral niya.

Humiga ako sa kama habang yakap yakap ang malambot na teddy bear nang makatanggap ako ng tawag mula kay mama.

Nakalimutan ko pala siyang tawagan, wala kasi akong load. Tipid ako ngayon. Gusto ko na rin kasing tumigil sa paglalabada si mama dahil medyo may katandaan na ito kaya minsan ipinadadala ko sa kanya ang pera ko. Tinitipid ko na lang ang matitira at kung kukulangin man, bahala si batman ang dumiskarte.

"Ma?" Bungad ko. Linggo naman ngayon at simula na naman ng kalbaryo ko sa buhay.

"Anak... Kamusta?" Unang bungad niya. I miss her. I miss my mama. Gusto ko ng makapag tapos at mabigyan siya ng marangyang buhay na ipinag kait sa kanya simula pa lang. Sa lahat ng naging sakripisyo niya para sa'kin, deserve niyang mamuhay na tila reyna balang araw.

"Ayos lang ma, ikaw?" Humigpit ang pagkakayakap ko sa teddy bear at biglang pumasok sa isip ang mukha ng babaeng dalawang linggo ng hindi nagpapakita.

Teka nga-

Gulat na napabangon ako mula sa pagkakahiga? What the fuck? Why am I thinking about her? Why am I thinking that she's the one I'm hugging? Hala natatanga na rin ba ako gaya niya? Maybe? Jusko, wag naman sana.

"A-ano nga ulit yun ma?" May sinabi kasi siya pero hindi maproseso ng utak ko.

"Kako anong balak mo sa birthday mo?" Ay oo nga pala, next month birthday ko na. Tatanda na naman ako ng isang taon.

"Wala ma, wala naman akong pera." Totoo naman kasi, dati noong high school ako ay ipinagluluto ako ni mama kahit kaunti, pero ng mahiwalay ako sa kanya, tamang simba na lang ako, at wala ng iba.

Tsaka na lang ako babawi kapag mayaman na ako. I mentally laugh, kailan kaya iyon?

"May naipon ako anak, ibibigay ko sayo." Nagulat naman ako, nag lalabada pa ba sya?

"Ma? Wag na po, itago niyo na lang yan, ma. Hindi ko kailangan ng handa."

"Eh anak uuwi ka ba sa pasko?" Napaisip naman ako, dalawang pasko na akong hindi nakauuwi at kapag hindi pa ako umuwi ngayon ay siguradong mag tatampo na si mama. Parati na lang siyang nag papaskong mag isa. Tinitipid ko kasi ang pera ko, malayo ang probinsya namin at baka kapusin ako ng pera.

Bumuntong hininga ako.

"Uuwi ako ma, pag iipunan ko po." Dobleng pag titipid na naman ang gagawin ko. Hindi na bale, ang importante ay makauwi ako kay mama ngayong pasko.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon