Kabanata 38

48.5K 1.5K 876
                                        

Olivia's POV

Malakas ko itong itinulak.

Tumalikod ako para iwan siya pero agad niya ring nahawakan ang braso ko at marahas na hinarap sa kanya.

"Where the hell are you going?" Dumapo sa'kin ang nag-aalab na mga titig ni Sorandelle. Pero hindi na ako magpapadala.

I had enough.

Sinong pamilya ang tinutukoy niya? Ganoon ba siya na apektuhan sa ginawang pag sampa ng kaso ng mga magulang ko sa kanya para sabihin sa'kin iyon?

"Uuwi ako sa'min. Kung ayaw niyong ipaalam sa'kin— pwes mag-isa kong aalamin." Iwinaksi ko ang kamay ni Sorandelle na mahigpit na nakakapit sa braso ko.

"You can't leave this place, Olivia." I sarcastically smiled at her. Ayan na naman siya sa pangmamaliit sa kung anong kaya kong gawin.

"Yes, of course I can." matabang kong sambit.

"You fucking can't, baby. C'mon. M" Nasa magkabilang balikat ko na ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa'kin. Napapangiwi na lang ako sa sakit.

"B-bitawan mo ako Sorandelle, nasasaktan ako..." ayokong maiyak sa ganitong pagkakataon. Ayokong maiyak sa ganitong sitwasyon. Walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ay ang sarili ko.

Ayaw nilang ipaalam sa'kin? Edi hindi, ako mismo ang mag hahanap ng sagot sa mga katanungan ko.

Kung bakit siya ang naiipit gayong pamilya namin ang may gawa nito. Muli akong napangiwi ng maramdaman ang mas lalong pag-higpit ng kapit niya sa braso ko.

Tila ito natauhan kaya dahan dahan niyang binitawan ang balikat ko at agad akong ikinulong sa isang mahigpit at mainit na yakap.

Mula sa isa ay nag sunod-sunod ang patak ng mga luha ko hanggang sa naging hikbi.

"Bitawan mo ako, Sora.." pilit akong kumakawala sa higpit ng yakap ni Sorandelle.

"Baby please...." Tila hinang hinang bulong nito. "Just stay here, hmm? Stay here with me, Olivia."

Paulit ulit akong umiling. Ayoko na. Kung ganitong para akong nangangapa sa dilim. Ayoko na.

"I can't. We're supposed to have each other's back, ang ginagawa mo; gumagawa ka ng hakbang ng mag-isa. You don't even let me take a glimpse of the dilemma were currently facing." Humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi ka nag-iisa sa laban na ito, Sorandelle. Kasama mo ako. You can't hide me here forever. Sabay nating ipaglaban 'to oh.." paki-usap ko.

Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat nito, indikasyong umiiyak siya.

Sa kaisipang umiiyak siya sa bisig ko ay parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Gusto kong punasan ang mga luha nito pero ayaw niyang bumitaw sa yakap.

"I'm afraid I might lose you." Suminghap ako ng hangin dahil sa hindi na ako makahinga.

"But you can't keep me like this." kontra ko sa kanya.

"They might hurt you, Love. They want to hurt you. I promise to nanay that I'll protect you no matter what. " Umiling ako.

"W—who wants to hurt me, Sora?" Nagbabakasakaling baka sabihin niya na sa'kin. Hindi siya umiimik pero patuloy pa rin sa pagyugyog ang balikat niya.

Niyakap ko siya pabalik at walang nagawa kung hindi ang haplusin siya sa likod para kumalma.

"Sino s-sila, Sorandelle.."Sa halip na sumagot ay naramdaman ko na lang ang tension sa katawan nito.

Humiwalay sa yakap sa akin si Sorandelle, she look around before looking at me. Kumunot ang noo niya, I was about to say something but she put her point finger in between my parted lips.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon