Kabanata 16

66K 2.2K 828
                                        

Olivia's POV

"You don't like this?" Inismiran ko ang babaeng katabi. Ghad, sumasakit ang ulo ko sa katigasan ng ulo ng babaeng to.

Sinabihan ko na siyang magbu-bus kami pero panay ang tanggi niya.  Hindi ko alam kung saan siya pinag lihi ng nanay niya sa sobrang kakulitan.

Nagdala pa ng driver dahil hindi niya raw kayang magmaneho nang ganon katagal.

Saan ko naman patutulugin ang driver niya? Dadalawa na nga lang ang kwarto sa bahay eh. Tapos naisip ko pa kung saan ito patutulugin ni mama.

Baka sa kwarto ko, tapos tabi na lang kaming dalawa ni mama.

Eh yung kutson ng kwarto ko manipis. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi na ako nakapag paalam kay Chin pati na rin kina Ave. Basta na lang akong hinila ni Sorandelle palabas ng matapos akong mag ayos at iyon na nga.

Nagtalo pa kami sa parking lot dahil sa ayaw kong mag dala siya ng kotse at ang mas malala, may bitbit pang driver.

"Ayoko." Nakatingin lang ako sa bintana at wala akong balak pansinin ang babaeng ito. Kung hindi niya ako tinatanong ay hindi ako nagsasalita. Isang tanong, isang sagot lang ang peg naming dalawa sa loob ng sasakyan niya.

"C'mon. You did not even finished your food kanina, just eat this." Nag stop over kami sa isang drive thru at bumili ng makakain. Nasa likod kami ng kotse at iyong dalawang driver niya namang kasama ay nasa unahan, palitan daw.

Ang mas masaklap pa ay may nakikita pa akong itim na kotse na panay ang sunod samin kanina pa.

Kahit hindi ko tanungin ang babaeng ito ay alam ko ng body guard niya ang mga iyon.

Bahala siyang mag provide ng mga kakailangan niyang mga alalay niya.

"Busog nga ako." Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil hindi ako makatanggi. I mean, kaya ko namang tumanggi pero kapag namimilit na siya ay wala akong magawa.

And I hate it.

I hate how submissive I am towards her.

She's too dominant, too bossy, too arrogant, she's too proud and conceited din minsan, tho ganon din naman ako.

Siya kasi por que alam niyang may ipagmamayabang amp.

Ah basta.

Ayokong parang sunod-sunuran ako sa kanya.

Like hello, yes she's rich, she's beautiful, her aura literally scream power pero iba naman kasi ako, bakit niya ako pasusunurin na may kasamang blackmail?

"You could've told me that you don't like this." This time I face her. She winced upon seeing my reaction. Luh? Pangit ba ang itsura ko kapag nag gagalit galitan—I mean kapag galit?

"I didn't say that I don't like it, I said I'm fine, I'm full." She sneer beside me before putting the food inside the paper bag at padabog na binaba ito sabay tingin sa unahan, crossed her arms and kick the freaking front seat.

"Will you please drive faster?" Galit at halos pasigaw ng utos nito sa driver.

Tingnan mo talaga ang ugali ng babaeng ito.

Sa iba pa binubunton ang galit niya.

Sinunod naman siya ng driver niya, ilang sasakyan na agad ang nalampasan namin. Kapag talaga kami namatay dito hindi ko siya hahayaang makababa sa impyerno. Magdudusa siya ng palutang lutang dito sa ibabaw ng lupa.

Ang sama sama ng tingin niya sa harapan na akala mo ay nandun ang kalaban.

Wala na rin naman kami sa city at kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng sasakyan ay baka mga alas tres ng hapon ay nasa probinsya na kami.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon