Olivia's POV
Hanggang sa nakatapos kaming kumain ay wala akong imik. Ganon din naman siya. I even volunteer na mag hugas ng plato which is sinangayunan naman nito kasi raw ihahanda niya ang mga susuotin ko.
Kaya pagkatapos kong mag hugas ay hinintay ko siya sa living area. Tumayo ako agad ng makita ko siyang lumabas sa isa sa mga kwarto rito sa loob ng penthouse nya.
"Uuwi ako." Hindi ako pwedeng magpa-umaga rito. Hahanapin ako ni Chin at isa pa may pasok ako bukas.
"Hindi nga kita maihahatid." Alas otso pa lang naman ng gabi, kanina pa pala ako rito, hindi ko man lang namalayan.
"May pang taxi naman ak—"
"Olivia." She said emphatically that make me stop from what I'm supposed to say. "I don't want another argument 'kay? You stay here. Your clothes and room is ready. You may take a shower na, come.." iminuwestra nito ang kamay na tila pinapalapit ako sa kanya. "I'll lead you to the bathroom."
Please do guide me po.
Sa laki ng penthouse niya, dalawa lang ang nakita kong kwarto sa taas. Sa unang kwarto siya pumasok kaya sumunod naman ako. Inilagap ko sa kama ang bag at naghintay ng sasabihin niya.
Naiiyak ako, not literally syempre. Naiiyak lang ako kasi ang tigas ng ulo niya. Ayaw akong pakinggan. Ayaw akong pauwiin.
Inabot niya sakin ang pj's na mukhang bago pa lang.
"M-may pasok kasi ako bukas.."
"I know. Ihahatid na lang kita." For the nth time, wala na naman akong nagawa. Kaya labag man sa loob ay pumasok na ako sa banyo. Hindi ko na iisa-isahin ang mga nakikita ko sa loob ng banyo.
Isa lang ang pwedeng i-describe rito.
Yaman.
Sanaol na lang talaga.
I took a shower, nakasanayan ko ng maligo ng mabilis dahil kapag nasosobrahan ako sa tulog ay napapa auto ligo talaga ako para hindi ma late.
"You're done already?" Naka-upo ito sa kama habang nakapang-dekwatro at busy sa cellphone niya.
Nanlaki rin ang mga mata ko ng makitang hawak niya ang mumurahin kong cellphone.
Yawa, hindi bagay sa kamay niya.
Kahit basa pa ang buhok ay walang pag-dadalawang isip na lumapit ako at inagaw ang cellphone ko. Nakakahiya.
Taka naman niya akong tinitigan.
"What?"
"Bakit ka nangingialam ng gamit nang may gamit?" I know there's a hint of annoyance in my voice pero kasi, nakakahiyang hawak-hawak niya ang cellphone kong mumurahin.
"Your mom called, sinagot ko lang." Simpleng sagot niya. Binalewala ang pagka asar ko.
Pero teka???
Ano raw??
"S-si mama?"
"Yeah." Tumayo ito at tumungo sa vanity table para kumuha ng hairbrush.
"Anong sabi?" Inayos ko ang damit na medyo nalihis. Nagulat pa ako ng bigla niya akong paupuin sa kandungan niya.
Kingina, heto na naman kami.
"S-sora.." imbes na sabihin ang pagtutol ay natawag ko na lang siya sa kanyang pangalan. But I still make sure na mararamdaman niya ang disapproval ko.
"I'm dying to do this with you, Olivia. Trust me. I know patience is a virtue but I'm no saint, baby." Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko. Namumula naman ang buong mukha ko hindi dahil sa posisyon namin kung hindi dahil sa tinawag niya sa'kin. Namumuro na ito.

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
General FictionStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22