Kabanata 36

46.3K 1.7K 626
                                    

Olivia's POV

I tried, yes. I tried asking her what the heck is going on but she wants to keep her mouth shut.

Naf-frustrate na ako.

Gabi na nang biglang dumating ang kapatid at pinsan niyang si Sena at Sima. Kasama rin nito si Fawn na mukhang tuko kung kumapit kay Sena. Akala mo talaga mawawala siya oras na bitawan niya ang kapatid ni Sorandelle e.

"I hope you won't file a case against my sister." Natatawang saad ni Sena, nasa living room kami, nanunuod ng barbapapa si Fawn, kumakain naman ng cheese ball at cheese stick si Sima.

"Case?" Takang tanong ko.

Umalis kasi si Sorandelle pagkarating nila, may aayusin lang daw at iniwan ako rito sa tatlo.

"Yep."

"Anong case?" Inabutan ko ng juice si Sima na agad naman niyang kinuha at nagpasalamat.

Isang oras ko pa lang na kasama ang tatlong ito pero ang dami na naming napag-usapan agad.

"Kidnapping?" Tumawa si Fawn bago binato ng throw pillow ang kaibigan.

"Gagi ka, embes na hindi nakaka isip ng ganyan si Oliv eh." Ngumiwi ako at awkward na tumawa. Ang gulo rin nila eh.

"Malay mo she wants to file a case pala, ready ka bang maging abogaga niya?" I mentally facepalm. Abogaga, amp.

"Gaga, ate mo kakalabanin ko? No thanks, I still wanna live kahit hindi halata." To be honest, I'm not into thinking of filing a case against the person I love.

If this is her own way of keeping me safe then be it, huwag niya lang talaga akong bibigyan ng rason para mawasak sa pangalawang pagkakataon ang tiwalang ibibigay ko sa kanya.

Kahit na ayaw nitong sabihin ang kung anong problemang involve ako. Haist.

"Babalik ba ulit kayo sa city?" tanong ko.

"We're still in a city, Via."

"Oh, Gusto ko lang sana—"

"You wanna contact someone?" Naglalaro na nang kung ano sina Sima at Fawn, si Sena na lang ang nakaka-usap ko dahil busy iyong dalawa.

"Oo sana." Ngumiwi ito.

"That's not a good idea, actually." Napasimangot ako dahil sa sinabi niya, iniwan ko na lang sa taas ang cellphone ko dahil sa wala rin naman itong kwenta, walang signal kaya paano ko mako-contact ang parents ko niyan?

"Via?" I hummed while still watching the two of them play.

"You met the seofon, right?" I nod, "I don't want my sister asking help for them, again." Nabaling sa kanya ang nagtataka kong tingin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan.

Anong ibig niyang sabihin?

Na huwag kong hayaang humingi ng tulong sa pangalawang pagkakataon si Sorandelle doon sa pito? Bakit? Anong meron? She smile at me knowing that I'm confused.

"It's better if you know nothing." Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa sinabi niya.

It is better? Pero parang ako ang naiipit eh, bukod ba sa sinabing ako ang nagpahirap at nagbibigay ng mga death threat sa sikat na artistang si Amanda ay mayroon pang iba?

May mas malalim pang dahilan? Ako ba ang dawit dito? Bakit wala akong alam? At bakit ayaw nilang ipaalam sa'kin?

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Stay innocent." Pinamulahan ako sa sinabi niya, anong stay innocent? Mukhang nakita niya naman ang naging reaction ko kaya muli itong tumawa. "No, I mean. Not that." She chuckled. "I mean the seofon's and the rest of the 'yah know." Tumango naman ako, wala rin naman akong alam at mukhang sasakit lang ang ulo ko.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon