Olivia's POV
Hindi ako makatingin ng deritso kay Avery. Pano ba naman kasi, hindi ko man siya tinanggihan ay parang ganon na rin naman ang ginawa ko.
Sakto kasing dumating sina Sacha para ayain na kaming mag-lunch.
Imbes na sagutin ko ang sinabi niya ay mas pinili kong iwasan. Ngayon nga ay nasa cafeteria kami.
"I don't know." May kalakasang sabi ni Fawn. Haist, ito na naman siya. May ginawa na namang kalokohan. Napapalibutan kasi siya ng SC president, VP at Secretary.
Fawn Mavies, one of the brain of L.I.S, the walking violations, rule breaker.
"Girl crush ko talaga yang batang yan, kaso sakit sa ulo.." saad ni Yaena habang nilalantakan ang vegetable salad na in-order niya.
"Maganda naman siya ah-ouch." Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari sa kay Sacharelle. Halata naman sa talim ng tingin ni Syche eh.
Itong dalawang ito, halata namang may pagtingin sa sa isa't isa hindi pa gawing official, napaka pabebe naman ni Syche, hindi niya ako gayahin. Dahil sa katangahan hindi na single.
Though, hindi na ako lugi kay Sorandelle ha.
Pero lalo naman siyang hindi lugi sa'kin, duh.
Hindi lang ako marunong mag luto, pero maganda naman
Hindi man mayaman, matalino naman.
Hindi na siya lugi.
"Yeah, pero ang dami niyang kalokohan sa labas ng L.I.S" Lahat kami ay napatingin kay Avery pero agad din akong napa-iwas dahil sa'kin siya nakatingin.
Kanina pa siya nakatingin sa akin, mukha ngang napapansin na rin nina Yaena na hindi ako nilulubayan ng titig ni Avery. It's making me uncomfortable.
Tumikhim ako bago sumubo ng curry. Masarap.
"Pano mo nalaman?" It was Yaena, who obviously, interested sa rule breaker ng L.I.S. Bukod sa rule breaker, gender bender din ang bruhilda. I remember that time while Yaena is watching Amistha's vlog. Doon sinabi ni Fawn na she's into girls kaya marami ang straight na nabaliko ng landas dahil sa kanya.
She's cool, ewan ko lang sa yaman. Pero mukhang mayaman din naman. Pasaway nga lang.
"Nakita ko lang. I even saw her na kasama ang gang ni Owen." Owen, anak ng senator na nag-aaral din sa L.I.S. Kung wala lang itong kapit sa unibersidad ay baka matagal ng napatalsik.
"Hoy bitaw Pres....hindi ako ang may gawa noon..." ngayon ay kinakaladkad na siya ni Kohan. Kawawang Fawn.
Bago pa makalabas ang mga ito ay nabaling ang tingin ni Kohan sa lamesang inuupuan namin. Binitawan nito si Fawn at may sinabi kay batang Lawrence na ngayon ay nasa amin na rin ang tingin.
I heard Sacharelle's sarcastic giggle, habang si Yaena naman ay sumipol ng may kasama ring pang-aasar. Mga may saltik.
Maging si Fawn, bigla pa itong napangisi sabay takbo at sigaw ng "Thanks Oliv, wag mong sasagutin yan 'ha. Pangit ng ugali.." Siraulo talaga.
Wala ng nagawa ang mga ito ng tuluyang maka-alis si Fawn.
"Hi.." nahihiyang bati ni Kohan. Oh, before I forgot. I need to talk to him. Ilang taon na siyang umaasa kahit na hindi ko naman intensyon na paasahin siya.
"Upo ka, kumain ka na ba?" Aya ni Yaena. Pang anim na tao ang inukupahan namin kaya may bakante pang isa, sa tabi ko.
"Oo, dinayo lang talaga namin dito si Mavies."

BINABASA MO ANG
Obsessive Love
Ficção GeralStatus: Completed Date started: 12.24.21 Date finished: 03.23.22