Kabanata 28

58.8K 2K 1.2K
                                        

Olivia's POV

Akala ko ba personal assistant niya ako? Bakit parang daig ko pa ang pinaka importanteng bisita ng company niya kung asikasuhin ako nang kanyang secretary?

Kanina pa ito nagpapa balik-balik sa loob para tanungin ako kung ano ang kailangan ko, kung nagugutom daw ba ako o may gusto akong inumin.

Feeling ko nga mas pinagtutuunan niya pa ako ng pansin kaysa sa trabaho niya.

"Busog pa naman po ako." sagot ko nang muli itong bumalik. Hindi ko na mabilang.

"Are you sure, ma'am?" Isa pa ito, personal assistant lang sabi ako ng amo niya pero panay siya ma'am sa'kin.

"Opo, sige na po. Gawin niyo na ang dapat niyong gawin." Tumango tango siya.

"You can tell me what you need through intercom, right there." Turo nito sa right side ng table ni Sorandelle. Tumango tango naman ako.

"Oo sige, Salamat." ngumiti lang ito saka ako iniwan.

Inilabas ko ang cellphone para mag online sa social media account ko para sana makausap si Avery.

Nagbabakasakali na malinawan na kami, hindi kagaya noong isang gabi na lasing siya.

Pero ganon na lang ang panlulumo ko ng makitang naka block na ako, sinubukan ko sa instagram at ganon din dahil hindi ko na mahanap ang account niya.

Frustrated na ibinaba ko ang cellphone sa table, pero agad dinf kinuha ng tumunog ang message ringtone ng messenger.

Si Yaena pala ang nag chat.

Yaena:
Gago ka, asan ka ngayon?
Wala ka sa dorm niyo?
Naka uwi ka ba ng buo?
Iniwan mo ako.

Nag tipa ako ng minsahe.

Ngayon niya lang talaga naalala. Kainis din 'to e.

Me:
Nasa SAA ako,
simula na ng
internship ko.

Yaena:
A

y ganon, naka alis

na pala si Ave.

Me:
Alam ko. Hindi
man lang kami
nagkausap.

Yaena:
Yun lang.

Wala na rin naman akong balak na ikwento sa kanya ang nangyari sa'kin ng gabing iyon. Maayos naman ako at walang nangyaring masama.

Yaena:
Chat mo na lang.

Sana nga ganon lang kadali iyon.

Me:
Naka block ako.

Yaena:
Awts gege.

Muntanga talaga. Ang tino nang sagot. Nakaka inspired.

Umangat ang tingin ko mula sa cellphone patungo sa pintuan ng bigla itong bumukas.  Pumasok ang taong hindi ko inaasahan kaya gulat na napatayo ako. Naka sunod naman dito ang isang babae na sa tingin ko ay PA niya at ang Secretary ni Sorandelle.

"Miss Amanda, hindi po talaga tumatanggap ng bisita ngayon si Madame." Pero parang walang narinig ang kausap nito dahil tuloy tuloy itong pumasok.

"I just wanted to talk to her—" huminto siya ng makitang ako ang naka tayo sa likod ng table nang CEO. "Oh, Olivia, right?" Tulalang tumango ako.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon