Kabanata 24

66.9K 2.1K 532
                                        

Olivia's POV

Ang sabi niya uuwi na kami pero nagtataka ko siyang tiningnan nang makapag park siya sa isang sikat na mall dito lang din malapit sa L.I.S.

"Akala ko uuwi na tayo?" tanong ko, kinalas ko ang seatbelt bago sumunod sa kanya palabas. Hindi ko na rin hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto.

Pareho naman kaming babae.

"Yeah, we'll buy some things for you first." Biglang tumibok nang pagkabilis-bilis ang puso ko dahil bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila papasok ng mall.

Hindi na ako nagtaka nang pagkapasok namin ay halos lahat nang atensyon ng mga mamimili ay nasa kanya na.

I frowned at the sight on how she is effortlessly getting guys and woman's attention.

"Quit pouting, Olivia." Napa-ayos ako ng tayo at nag sorry.

Masama ng ngumuso? Eh sa naaasar ako sa titig ng mga tao rito sa kanya eh. Hindi ko na nagawang sumagot, sa halip ay hinila niya ako papasok sa isang store.

Napatingala ako sa logo ng store na pinasukan namin.

Apple store.

Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako rito sa Apple store. Dati na akong nakapasok rito para samahan si Avery na bumili ng latest Apple Phone nila.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Sorandelle dahil sa pagkakaalala kay Avery.

Sana ayos lang siya.

Iniisip ko pa rin ang pag-alis niya pero kung sa tingin ng daddy niya na iyon ang makakabuti kay Avery, sino ako para kumontra?

"What color d'you like?" Untag na tanong sa'kin ni Sorandelle. Dahil wala sa sarili ay itinuro ko ang itim na cellphone. Alam ko kung ano iyong.

Latest iPhone ang ipinakita niya sa'kin, anim iyon at iba-iba ang kulay. Kinuha niya ang itinuro ko at may sinabi pa na kung ano-ano sa nagbabantay bago ito umalis.

"I heard you love photography?" Paano niya nalaman?

Dati kasi panay ang dala ng DSLR ni Avery, doon ko rin nalaman na may talent pala ako sa photography.  Araw-araw niyang dala iyon, sila ngang apat ang model ko parati pero nasira lang ni Sacha dahil sa kagaslawan, at hindi na bumili ng bago si Ave.

Tumango tango ako.

"Why are you so quiet?" Kunot noong tanong ni Sorandelle.

Ngumiti ako na ikinatigil niya. Tumikhim ito bago namumula ang mukhang nag iwas ng tingin.

Problema niya?

Ngumiti lang naman ako kasi wala akong maisagot sa tanong niya.

"W-wala naman.." inilibot ko ang tingin sa buong store, ang daming mamahaling gadget. "May iniisip lang—" Muntik na akong mapatili ng bigla niya akong hapitin palapit sa kanya.

"Who?" Who agad? Hindi ba pwedeng ano lang?

Nahihiyang lumayo ako sa kanya kasi nakita kong bumalik na si ateng sales lady dala ang paper bag na iba-iba ang laki.

Apat ito'ng inabot niya kay Sorandelle.

Hindi man lang nagpasalamat ang kasama ko. Basta na lang akong hinila kahit hindi pa tapos magsalita si Ateng Sales Lady.

"Ano ba 'yang binili mo?" Ang awkward naman kasing naglalakad kaming dalawa ng walang imikan. Hawak niya lang ang kamay ko, habang sa kabila naman ay mga paper bag.

"Phone." Phone pero apat na paper bag. Apat na cellphone rin ba?

Akala ko nga ay uuwi na kami, pero sa isang boutique niya lang ako dinala. Agad siyang nilapitan ng mga nagbabantay soon at kuntodo asikaso ang mga ito sa kasama ko.

Obsessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon